Part 40

4.5K 272 183
                                    

Nagising ako sa malakas na kulog.

Pagkadilat ng mga mata ko, naramdaman kong nakahiga ako sa braso ni Hector habang pinaglalaruan niya buhok ko.

Tinignan ko siya, ang ganda ng ngiti niya sa'kin.

"Hi" sabi niya.

"Hello" sagot ko.

Wala kaming sinasabi parehas.

Pero para akong lasing na nawalan ng amats.

Mali 'to.

Maling Mali!

Tumayo ako para magbihis.

"Saan ka pupunta?" Sabi ni Hector.

"Sorry, Sorry... mali 'to Hector."

"Mahal, dito ka lang"

Tinawag na naman niya akong Mahal.

Parang kinilig buong pagkatao ko sa pagtawag niya ng Mahal sa'kin.

Pero mali talaga 'to.

"Sorry Hector..."

Pagkabihis ko, lumabas ako ng kwarto.

Then narealize ko, kwarto ko pala 'to bakit ako ang aalis?

Pumasok uli ako sa loob tapos nakita kong tumatawa si Hector.

"Bakit ka tumatawa diyan??" Natatawa rin ako sa ginawa ko kaya nakitawa ako sa kanya.

"Tabi ka muna sa'kin" sabi niya.

"Magbihis ka muna"

"Bakit? Nakita mo naman na lahat 'to..."

"Please?" 

"Basa damit ko Mahal."

Ayan na naman siya sa Mahal.

"Kuha ka sa damitan ko.

Bumangon siya sa kama tapos kumuha ng damit at short. Dahan dahan pa siyang nag suot sa harapan ko.

Pagkabihis, humiga uli siya.

"Halika, tabi tayo" sabi niya.

Umupo lang ako sa gilid ng kama.

Bahagya din siyang bumangon para umupo.

"Pinagsisisihan mo ba ginawa natin?" Tanong niya.

Part of me oo, niloko ko si Arthur. Si Arthur na walang ginawa kung hindi mahalin ako.

Pero part of me, gusto ko 'yung nangyari.

Hindi ko alam na si Hector pa rin pala gusto ko hanggang ngayon.

Naiiyak ako.

Nung high school ako, gusto ko lang gumraduate at makapag college.

Hindi ko naiisip na mangyayari na manloloko ako ng lalaki para sa kaharutan ko.

"Hey... Mahal.. huwag ka umiyak" niyakap ako ni Hector at mukhang alam niya nasa isip ko kasi hindi siya nagsalita. Nakayakap lang siya.

Kailangan kong sabihin kay Arthur 'to.

Hindi ako dapat magsinungaling.

"Hector?"

"Ano 'yun Mahal?"

"Hindi ko alam... paano ko sasabihin kay Arthur."

"Hey... huwag na muna natin isipin? Pwedeng enjoyin muna natin 'tong moment na 'to?" Sabi niya.

Ayoko muna isipin mga bagay bagay. Ang mahalaga sa ngayon, etong moment na 'to.

Pinilit ko, kahit mahirap.

Strawberries And Cigarettes (Victoriano Series Book 1)Where stories live. Discover now