Part 32

4.2K 322 156
                                    

Tanghali na kami nakababa ng bus. Nakakapagod 'yung byahe kahit nakaupo lang kami.

Hindi ko na kinwento kay Tom napanaginipan ko.

Pero pakiramdam ko, totoong nangyari 'yun. Totoong nagkita kami ni Hector at totoong hinalikan niya ako.

Gusto ko din tuloy malaman kung totoo 'yung panaginip ko na may nangyaring masama kay Sergio.

O kaya kung talagang alam ni Kuya Vince na pinuntahan ako ni Hector sa Baguio.

Pero bago 'yun, binati muna namin pamilya ni Tom.

May mini family reunion sila doon. Ako naman ngumingiti ngiti lang sa kanila.

Kilala ako ng pamilya ni Tom syempre. Pero hindi ko lang sila ka close.

Nilapag na namin mga pinamili namin sa Baguio tapos umakyat kami sa kwarto ni Tom.

"Sabi ko sakanila na huwag sabihin kay Kuya Vince na nandito ka kasi isusurprise mo sila." Sabi ni Tom.

"Salamat!"

"Hays! Gusto ko muna matulog!" Humiga siya sa kama. Tumabi naman ako.

"Nagtext pala si Paula sa'kin kanina" sabi niya pa.

"Oh? Anong sabi?"

"Libre niya raw tayo."

"Tayo? Kasama ako?"

"Oo. Sabi ko kasi hindi ka papayag na hindi ka kasama eh"

"Isasama mo pa ko sa kalandian mo!"

"Haha dali na. Hindi ko rin kasi alam sasabihin ko. Atleast pwede mo siyang tarayan kapag inaway niya ako!"

"At bakit ko siya tatarayan?!"

"Syempre! Sinaktan niya ako."

"So?"

"Kapag nagkita kami ni Hector tatarayan ko rin siya kasi sinaktan ka niya!" Sabi niya.

Natawa ako.

"Tatarayan talaga?" Sabi ko.

"Oo! Tapos sasapakin ko siya haha"

"Loko!"

"Dali na! Idlip lang tayo sandali tapos alis na tayo ha? Okay. Thankyou!"

Alam ko naman na hindi siya papayag na humindi ako kaya wala na akong nagawa.

Alas kwatro na nang magising kami sa pagkakaidlip.

Bumaba kami para kumain.

Nasa lahi nila ang masarap magluto kaya hindi ko rin masyado namimiss luto ni Tom sa Baguio kasi nalalasahan ko naman dito sa bahay nila.

Maya maya, umalis na kami at pumunta sa mall.

Nakita naman kaagad namin si Paula.

Tinignan ko kaagad reaksyon ni Tom.

May kakaibang kinang sa mukha niya.

Iba 'yung ngiti niya. Hindi naman malaki pero alam mong may something.

Nakita ko na siya sa iba't ibang babae pero iba talaga dating niya kay Paula ngayon.

Hindi naman niya alam kung yayakapin niya o kakamayan pero niyakap siya ni Paula.

Yumakap din naman si Tom.

Parang ayaw pa nilang maghiwalay. Binilang ko yakap nila mga 4 seconds.

Tapos kumawala na sila pareho.

"Hi!" Bati niya sa'kin tapos bineso beso niya ako.

"Hello" bati ko rin.

Strawberries And Cigarettes (Victoriano Series Book 1)Where stories live. Discover now