Part 27

3.9K 306 69
                                    

Okay, so yung 100 likes tapos post kaagad na deal, applicable lang yun kapag tanghali! Haha.

Gabi na kasi nag 100 eh! So, ganitong oras na uli haha!

************

Bakit kasi ang tanga ko? Bakit hindi ko man lang chineck kung may tao sa kwarto o wala?

Mukha namang tulog si Tom pero kanina pa kami dito. Nakakain na kami at nakapagkwentuhan.

Ginising ko si Tom.

"May naghahanap sa'yo sa labas" sabi ko.

"Ah? Sige. Wait." Mukha namang tulog siya. Mapapansin mo naman kung nagtutulog-tulugan lang eh.

Marami rin siyang bakas ng tulog sa mukha so medyo nakahinga ako.

Kaso sooner or later, kailangan ko pa rin sabihin kay Arthur ang totoo.

Pagkalabas namin ng kwarto, naghuhugas ng plato si Arthur.

"Kups, si Arthur pala. Kaklase ko nung high school." Pakilala ko.

"Fuckyou! Tropa mo si Andanar?!" Sabi ni Tom.

Ngumiti lang si Arthur.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko.

"Manuod ka kasi ng basketball! Player yan ng UE eh!" Sabi ni Tom tapos lumapit siya kay Arthur na parang na starstruck siya.

"Kupal ka bakit mo pinapaghugas 'to! Ako na diyan pre, sige na. Bisita ka!" Sabi ni Tom.

"Hoy! Kahit kailan hindi ka nagalok na maghugas kapag ako naghuhugas ah!" Sabi ko.

"Ako na nagluto, ako pa maghuhugas. Aba!" Pero starstruck pa rin si Tom kay Arthur.

Hindi ko naman akalain na sikat pala talaga si Arthur.

"Ehemmm" paramdam ng babae. Napansin ko rin na kanina pa siya nakatingin kay Arthur.

Okay. Famous si Arthur nung High School, mas famous pa siya ngayon.

"Ang sarap ng luto mo pre!" Sabi ni Arthur kay Tom.

"Psh. Ano ba, maliit na bagay!"

"Uhm. Aalis na ba tayo Tom?" Sabi nung babae.

"Sorry. Next time na lang. Bawi ako!" Tapos pinalabas niya kaagad 'yung babae na parang ayaw na niyang makita kahit kailan.

Hindi mapakali si Tom.

"Okay lang kahit natatalo niyo UP sa UAAP. Hindi ko naman kilala mga players namin eh!" Sabi ni Tom.

Natatawa ako kasi parang idol na idol niya si Arthur.

Pumunta naman ng CR si Tom.

"Mukhang okay naman siya." Sabi ni Arthur.

"Okay talaga 'yan."

"I mean, parang hindi naman siya magagalit kung sasabihin mo sa kanya 'yung totoo"

"Ahh. Ayon ba"

"Gusto mo bang tulungan kita? O ikaw na magsasabi?"

"Ahh... hindi pa ako ready ehh" sabi ko.

"Hindi ready sa saan?" Biglang singit ni Tom.

Doon ko narealize na wala siyang narinig sa pinagusapan namin ni Arthur kanina.

"Wala, uhm. Wala ka bang pasok?" Tanong ko

"Wala. Tinamad ako eh. So, Arthur. Wala ka bang pa free ticket diyan? Gusto ko manuod ng live eh!" Sagot niya

Strawberries And Cigarettes (Victoriano Series Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin