Part 24

4.1K 304 33
                                    

HUGE CONDRAGULATIONS TO MY BITCH AQUARIA FOR WINNING RPDR SEASON 10!!!

IF YOU'RE TEAM EUREKA, LEAVE NOW!!! HAHA

***************

After 3 years....

Masarap gumising sa umaga kapag makakaamoy ka ng masarap na pagkain.

Bawang at sibuyas pa lang naaamoy ko pero alam kong magiging masarap na 'yung ulam.

Maliit lang naman tinutuluyan namin ng bestfriend kong si Tom. Pero kumpleto parts ng bahay. May kwarto, may kusina may sala at sariling banyo.

Ofcourse 'yung sala, kainan at kusina iisang lugar lang. Magka share din kami sa isang kwarto ni Tom.

Bumangon kaagad ako at nakita ko si Tom na nakahubad. Grabe. Nung una kong nakita si Tom nung namanhikan kami sa kasal ni Kuya Vince at Ate Cristine niya, gwapong gwapo na ako.

Pero ngayon, mas gumrabe pa! May mas igagwapo pa pala. Ngayon kasi nag gygym na siya. Kasali pa siya sa track and field team ng UP Baguio.

"Goodmorning, Kups!" Bati niya sa'kin.

Kups if short for Kupal.

"Sarap niyan ah!" Sabi ko.

Okay. So, bestfriend ko si Tom. At kahit anong gwapo niya sa paningin ko at sa paningin ng iba, hindi ko siya pinagnanasaan. As in.

Siguro nung una.

Naalala ko nung nalaman kong nakapasa ako ng UP at sa UP Baguio pa, tinawagan kaagad ako ni Ate Cristine at sinabing sa UP Baguio din daw si Tom, naka seal na kaagad kapalaran ko.

Gusto ni Papa si Tom. Kasi straight as fuck daw siya.

Totoo naman, straight si Tom. Ang dami na niyang babaeng pinaiyak.

One time, mag isa lang ako sa dorm namin ni Tom tapos may babaeng umiiyak sa labas. Ofcourse alam kong iniwan na naman ni Tom 'to.

Nagmakaawa pa sa'kin na pumasok siya para makita si Tom pero ang totoo kapag nakikipag break si Tom, mga 2 or 3 days siyang hindi uuwi.

Uuwi lang siya kapag kukuha ng damit at maliligo pero hindi siya rito matutulog.

Ganyan si Tom. Pero mabait 'yan. Mabait sa lahat ng bagay pero sa babae, doon lang magkakatalo.

Siguro hindi pa rin siya maka get over sa panloloko ng ex-girlfriend niyang si Paula noon kaya naghihiganti siya sa mga babaeng makikita niya.

Straight si Tom at bestfriend ko siya at HINDI NIYA ALAM NA BAKLA AKO.

Masyado kasing masama alaala ko dahil sa bugbog ni Papa sa'kin noon.

Hindi rin naman siya naghihinala kasi palagi akong sumasama sa kanya sa party. Nakikisakay na rin ako kapag "nambababae" siya.

Pero atleast ngayong araw, good mood siya at mukhang "single" pansamantala.

"Kups, especially made just for you!" Sabi niya sabay hain ng tuyo, itlog, kamatis at sinangag.

"Okay. Anong kapalit?" Sabi ko.

"Tatawag si Ate mamaya. Sabihin mo may thesis akong ginagawa"

"Bakit ako pa? Bakit hindi mo na lang sabihin?"

"Dude! Malaki tiwala nila sa'yo. Maniniwala kaagad sa'yo 'yung mga 'yun!"

"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko.

"Ang tagal ko ng hindi nadidiligan. Tuyong tuyo na ako!"

"Matagal? Parang last week lang may kinekwento ka sa'kin ah?"

Strawberries And Cigarettes (Victoriano Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon