Part 42

4.4K 283 114
                                    

Ofcourse, hindi uli umuwi si Tom. Nangyari na 'to before na may ginawa ako tapos hindi siya umuwi.

This time, feeling ko, hindi na talaga siya uuwi.

Minsan namimiss ko si Mama sa ganitong panahon.

Wala kaming moment together. Wala na kasi siya simula daw nung baby ako.

Gusto ko lang may masabihan nang pinagdadaanan ko ngayon.

Gusto ko kay Mama.

Gusto ko ng yakap ng Mama.

Kahit kailan hindi ko naramdaman 'yun.

Pero wala siya. Kaya kailangan kong maging matapang. Kahit mahirap.

Kasalanan ko naman lahat. Siguro kung hindi ko tinangkang halikan si Tom.

Hindi, kung hindi ako humarot kay Hector.

O kaya hindi ko muna naging boyfriend si Arthur.

Hindi! Ang pinaka malaking kasalanan talaga, bakit pa ako naging bakla.

Ang hirap maging bakla. Parang dapat perpekto lahat. Bawal ka magkamali.

Kapag straight guy humarot sasabihing okay lang, lalaki naman siya. Pero kapag bakla, lalahatin pa kayo. Sasabihing, ganyan talaga kayong mga bakla.

Gusto ko lang sumaya.

Siguro naadik ako sa pagmamahal ni Hector noon. To the point na sobrang namiss ko na. Tapos nang malaman pa ni Tom na bakla ako, lumabas 'yung namiss kong pagmamahal ni Hector.

Pero masyado akong sumobra.

Niligpit ko na lang kalat namin ni Tom dito saka ako natulog.

****

Ilang araw ding hindi umuwi si Tom. Since first week ng klase, hindi pa pumasok si Tom. Alam ko kasi hindi ko siya nakita sa school.

Guess what? Hindi na rin ako tinetext ni Hector.

Siguro karma talaga. Minsan iniisip ko, baka gusto niya lang ako maka sex. Pero ramdam ko si Hector nung gabing 'yun, 'yung pagmamahal niya.

Ayoko lang na hindi niya kayang hiwalayan si Jason.

Shockingly, hindi rin ako kinakausap ni Arthur.

Deserve ko lahat nang nangyayari sa'kin ngayon.

Buti na lang nandito si Justin. Since alam niya 'yung tungkol sa'kin, hindi ako nahihiyang maglabas ng loob sa kanya.

Buti na lang din alam niya kasi ang hirap magpanggap.

Kinwento ko sa kanya 'yung ibang details tapos nakikinig lang siya.

"Tatlong lalaki 'yun, Victor ah?" Alam kong biro lang 'yun kaya tumawa na lang ako.

"Huwag kang mag alala. Hindi kita hahalikan" biro ko rin.

"Can I say something din?"

"Uhm, sige"

"I'm gay too."

"What?!!"

Okay. So, hindi ko ineexpect na gay ang college crush ko.

"Seryoso ka?!" Tanong ko uli.

"Yeah. Kaya close kami ni Hector kasi nakakarelate kami sa isa't isa"

Fuck. Pero si Justin? Kung alam ko lang talaga!

Okay, pero syempre hindi ko na dadagdagan 'yung kasalanan ko.

"Alam mo na cute-an ako sa'yo noon eh" sabi niya pa.

Strawberries And Cigarettes (Victoriano Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon