Tiwala

115 1 0
                                    

|•|•|•|•|•|•|•|•|

Isang tiwala
Ang ibinigay ko sakanya
Ngunit bakit, bakit?
Sinayang lang niya?

Ganun na ba talaga ako katanga?
Upang ibigay ang tiwala ko sakanya?
Sa isang taong hindi naman pala nararapat
Na pagkatiwalaan ko't lahat?

Bakit ganito nalang palagi?
Bakit hindi matigil?
Kaya ko pa bang magtiwala?
Kung sinasayang lang naman nila?

Wala na ba talagang tao?
Wala na ba talagang mapagkakatiwalaan ko?
Sa mundong hindi mo alam
Kung may totoo pa ba.

Nagtiwala na ako noon
Nagtiwala ulit ako ngayon
Ngunit baka bukas hindi na
Dahil ako'y natuto na.

Ang hinihiling ko sana,
Na sana'y sa panibago kong buhay
Wala nang manloloko pa
At may mapagkakatiwalaan na.

|•|•|•|•|•|•|

A/n:

Isang babaeng wala nang tiwala sa taong nakapaligid sa kanya. Dahil lahat na lang ng mga taong pinagkakatiwalaan niya ay niloloko siya, kahit ang bestfriend niya, kahit ang pamilya niya, at ngayon naman ay boyfriend niya na sa simula't sapul ay hindi na niya pinagkakatiwalaan pero dahil mahal niya nagtiwala siya rito pero sinayang lang nito.


Short Story poemsWhere stories live. Discover now