Kulay

48 1 0
                                    

|•|•|•|•|•|•|

Iba't ibang kulay
Ang dumadaan sa buhay
May itim at puti
May dilaw at may berde

Libo-libong kulay
Ang nasisilay
Isang diwata
Ang naglalakbay

Napadpad sa sapa
Nakita ang mukha
Kay gandang titigan
Kay sarap halikan

Mukha'y kayumanggi
Labi'y mapula
Itim na buhok
Asul na mata

Nang biglang magbago
Ang repleksyon
Naging pango
Parang unggoy

Biglang napasigaw
Natumba sa bato
Nabagok ang ulo
Nakita ang gumulo

Unggoy pala
Ang nasa likuran
Na nagpapaganda
Gamit ang pulbo

Mata'y tumirik
Nagulat sa nakita
Diwata'y hinimatay
Nakakita ng mga kulay

Duon nagtatapos
Ang kwento
Ng isang diwata
At isang unggoy

|•|•|•|•|•|•|

A/n:

Isang istorya tungkol sa unggoy at isang diwata. Napadpad ang diwata sa isang sapa at nakita niya ang kanyang mukha pero bigla itong nagiba dahil may unggoy pala sa kanyang likuran na nagpapaganda. Napasigaw siya at tumama ang kanyang ulo sa bato at nahimatay siya.




Short Story poemsWhere stories live. Discover now