Sulyap

82 2 0
                                    

|•|•|•|•|•|•|

Sa isang sulyap ko sayo,
Gumaganda ang araw ko,
Ako'y walang ibang ginawa,
Kundi ang isipan ka

Kumusta ka na kaya?
Kumakain ka na ba?
Paulit ulit ko itong naiisip
Sa pagtulog, ika'y ang panaginip

Ang mga mata mong ka'y ganda
Ang mga labi mong mapupula,
Ang tamis ng iyong ngiti
Ay hindi mabura bura.

Nababaliw na yata ako
Bumibilis ang tibok ng puso
Kapag ika'y nasusulyapan
Parang sinisilaban

Pag-ibig na yata ito
Ang nararamdaman ko sayo
Pero kailangan pigilan
Dahil masasaktan

Hanggang sulyap na lamang,
Hanggang sa malayo na lamang,
Hanggang sa paghanga na lamang,
Ang magiging posisyon ko.

|•|•|•|•|•|•|

A/n:

Ang istorya tungkol sa isang babae na may crush. Masasabi niyang parang love na ang kanyang nararamdaman dahil tuwing napapasulyap siya dito ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso pero hindi niya alam infatuation lang ang lahat at hanggang sa paghanga na lang ang magiging posisyon niya sa buhay ng lalake.

Short Story poemsWhere stories live. Discover now