Magkakaibigan

48 0 0
                                    

|•|•|•|•|•|•|

Ang paglubog ng araw,
Ang pagsikat ng buwan
Tumingin sa taas
Ang mga matang nangangarap

Itinapat ang kamay
Sa buwang sumisilip
At ang pagiba ng kulay
Ng langit na makulay

Ang pagtakbo ng mga paa
Magkakaibigang nagsasaya
Ang mga hiling sa tala
Sana ay tuparin na

Paghawak ng kamay
Pagpikit ng mata
Mga ngiting nakikita
Mga magkakaibigang natutuwa

Sana'y wag maglaho
Ang pagkakaibigang ito
Sana'y hindi maghiwalay
Para walang inaalala

Nagkatinginang mata
Isipan nagkakaintindihan
Paghigpit ng kapit
Aninong magkalapit

Sa pagwagayway ng kamay
Sa papalayong likod
Sa ngiting nanatili
Sana'y walang magbago

|•|•|•|•|•|•|

A/n:

Mga magkakaibigan na nangakong hindi naghihiwalay.

Short Story poemsWhere stories live. Discover now