Chapter 20

4.3K 42 5
                                    


Friday bandang tanghalian, umuwi si Ed sa bahay.
"Aba buhay ka pa pala! i re report na sana kita ng missing"
"Eh ano ngayon? diba hiwalay na tayo?"

"Excuse me? --oy kung ako lang mas gusto kong hindi na kita makita, kaso ang mga anak mo hinahanap ka, ano ba yung tawagan mo lang sila at kausapin sa phone!"
Kumuha ulit ng masusuot na damit si Eduard...biglang nagtaas ng boses.
"BAT WALA YUNG MGA DAMIT KO?"
"anong damit? " kunot noong tinanong ni khaye si Ed.
"yung long sleeves ko na burgundy at blue jeans? "
"Ahhh nasa laundry basket pa"
"Hindi mo nilabhan?"

"Abaa bongga ka, libri food ang lodging kana dito tapos gusto mo me katulong kapa? san kaba nanghihiram ng kapal mukha mo?"
Padabog na naghalungkat ulit ng mga damit si Aldane, at dumampot nalang ng kahit ano! saka nag shower. Paglabas sa shower tinanong si khaye "Anong ulam?"
"Maghalungkat ka sa kusina!" inis na sagot ni Khaye.
Habang kumakain siya bigla nyang sabi. "Me 100 ka dyan?"
"Bakit me pinatago kabang 100 sa akin?" sagot na pabalang ni Khaye.
"Uutang lang ako, babayaran ko sa yo sa linggo, me gig kami so bibigay ko din naman sayo! kailangan ko lang, kinapos ako wala ako pamasahe sa San Fernando. "
Hindi rin naman matiis ni Khaye si Ed so inabutan nya ng isang daan. Pagkatapos kumain, umalis ulit si Ed.
"Hindi mo lang ba aantayin ang mga anak mo? " o kahit sunduin man lang sa school?"
"Nagmamadali ako, mag iimpake pa kami ng mga instruments. bawi nalang ako sa kanila bago kami byumahi sa Bahrain!"
Napailing nalang si Khaye.

Pagkasundo ni Khaye sa mga anak nya, nag pa alam na maglaro sila sa harapan, biernes naman, walang homework so naglaro sila sa harapan...Nagluto naman ng hapunan si Khaye, maya maya narinig nya me kausap ang mga bata! Lumabas sya. Nakita nya si Aldane sa labas ng gate. Naka shorts na brown at yellow polo shirt na lacoste, kausap nya si Callum ang panganay ni Khaye.
"Hi, nagpapatulong ang anak mo na kung pwede tanggalin ko na daw yung dalawang maliit na gulong sa bike nya, kasi big boy na raw sya"
Namula si Khaye-di makasagot, subalit casual naman si Aldane, like as if di sila magkakilala talaga. "Meron ka bang screw driver dyan?"
"Callum halika dito! " tawag ni Khaye sa panganay!
"Diba sabi ko sa yo huwag ka nakikipag usap sa strangers?" malumanay nyang sabi sa anak.
"But he's not a stranger mom, I know him, his name is Tito Aldane,  lagi sya nagdadaan sa tapat ng bahay natin. Ayun bahay nya oh andun lang" sabay turo ng anak nya sa apartment ni Aldane. Napangiti ang pulis, "your mom is right though- but tell your mom I am a nice person" sabay kindat ni Aldane sa bata.
"Callum anak- paki kuha mo yung screw driver sa may drawer sa kusina" utos ng ina sa anak. Pumasok si Callum habang si Liam naman (ang bunso) ay abala sa pag lalaro ng kanyang mga Avengers characters na pasalubong ng ama nila.
"Langhya ka, baka makahalata ang mga bata" bulong ni Khaye.
"Dont worry, im being careful" sagot naman ng pulis at kinindatan si Khaye.
Lumabas ulit si Callum bitbit ang screw driver, saka tinanggal ng pulis ang dalawang stabiliser sa bike ni Callum. namantsahan ng grasa ang kamay ni Aldane
"Patingin ako kung kaya mo ngang mag cycle ng dalawa lang ang gulong?" challenge ni Aldane kay Callum. Sumakay si Callum sa bike at nag pedal at biglang natumba. Nasalo sya ni Aldane dahil sinundan sya sa likod.
"Gusto mo turuan kita? "
"talaga po? sige po, kasi wala si Daddy sabi nya turuan nya ako bukas, kaso me tugtug po daddy ko!"
"Callum-baka naman busy si....ano nga pangalan mo? "
Napangiti si Aldane,----- "Aldane..and no-- Im not busy"
"Please po mommy?"
"Come on -look at those puppy eyes!" convince ni Aldane kay Khaye. tumango si Khaye, "sandali lang ha? dahil mag di dinner pa tayo!" saka pumasok na sa loob si Khaye kasama si Liam, para ipag patuloy ang niluluto.
Mayat maya pumasok na si Callum "Ma tanong po ni tito Aldane kung pwede sya makihugas ng kamay"
Napailing si Khaye at pinigilang mapa ngiti.
Tinuro ni Khaye ang banyo kay Aldane saka naghugas ng kamay...
"Callum, tell your mom na magaling ka nang mag bike"
"talaga anak?
"opo mommy galing magturo ni tito Aldane"
"o sige, uwi na ko" paalam ni Aldane sa kanila
"Dito nalang po kayo mag dinner, masarap po magluto si mommy!"
Biglang nagtinginan si Aldane at khaye. Napuna ni Aldane na walang masagot si Khaye.
"Alam mo bumili ako ng pizza kanina, so yun yung dinner ko" sagot ni Aldane at hinawakan ang ulo ng bata.
"Thanks Aldane-salamat sa oras mo!" ang sabi ni Khaye .
Papalabas na sa pintuan si Aldane nang makitang naglalaro ng PS4 si Liam.
"Lego Star wars ba yan?" tanong ni Aldane...tumango ang bata habang tutok pa rin sa TV screen.
"Marunong po kayo mag laro ng play station?" si Callum
"OO naman, saka favourite movies ko yang Star wars, bata pa lamang ako sinasama na ako ng daddy ko manoon nyan!"
"Gusto niyo po laro tayo?"
Minulagatan sya ni Khaye..parang sinasabing umalis ka na!
"Siguro next time nalang ha? kasi gutom na ako!" saka na nag babay si Aldane sa mga bata.

Habang nag di dinner sila, nag text si Aldane sa kanya!
"Hi Miss my name is Aldane-incase di mo matandaan" biro ni Aldane kay Khaye. Napangiti si Khaye at nagpatuloy sila sa pag kain.

Nakaw na Sandali (Completed)Where stories live. Discover now