Chapter 33

3.2K 46 3
                                    


Lumipas ang ilang buwan, naging maayos naman ang relasyon nila Aldane at Khaye, napadalas ang paglabas labas nilang apat, kasama ang mga bata. Ipinagtapat na rin ni Khaye sa mga bata ang tungkol sa kanilang ama na hiwalay naman na sila. Ipinangako naman ni Khaye na kahit hiwalay na sila ng ama nila, hindi naman ibig sabihin nun na mababawasan na ang love nila sa kanila. Pinangako nya na kahit anong mangyari, she well raise them well at basta kaya nya, ibibigay nya lahat ang kailangan nila, sa kundisyon na dapat pagbutihan nila ang pag-aaral nila at huwag pa apekto sa sitwasyon. Nainitindihan naman ito ng mga bata, although sa bunso hindi sya ganun ka aware sa buong nangyayari, basta alam nya masaya naman sya kasi napapadalas ang pasyal ni Aldane sa kanila at nilulutuan sila at nakikipag laro ng PLay station at minsan pag late na ang uwi ni Khaye si Aldane narin ang nagtuturo ng mga homework nito.

Sa kabilang dako, sa Bahrain, kung saan naman tumutugtog si Eduard, ex partner ni Khaye, naging maayos naman ang kanilang trabaho, nagustuhan sila ng Hotel na pinagtutugtugan nila dahil malakas ang hatak nila sa mga customers, una sa boses at sense of humour ni Sharina, pangalawa sa appeal ni Ella na hawig kay Anne Curtis. Ang mga instrumentalist ay ganun din, siguro kapag ang isang lalake me hawak na instrumento, malakas talaga ang sex appeal nila, lalo pa si Eduard na drummer, kapag nag exhibition na ito at nagpa hagis hagis ng kanyang mga drum stick sa ere, tilian na ang mga babae, lalo pa mga matrona. Kapag nasa banda ka, kailangan mong maki sakay sa mga customer, kung napuna niyo sa mga concert panay ang I love you ng mga performers like Michael Buble, Taylot swift, Beyonce at kung sino sino pa kapag nasa stage sila, ganun din naman sa banda, kailangan nilang maging friendly sa mga pa fall na customers. Gaya ng sabi ko si Eduard malakas ang appeal kaya nga na inlab si Khaye sa kanya noong first time nya itong mapanood. Dumarating din sa point na nagiging over friendly sya sa mga customers, parang pa macho effect na rin siguro yun...

Isang gabing tumutugtog sila, ma nag rekwes na kumanta ang drummer, binanatan ni Eduard ang Faithfully ng Journey. Pagkatapos nyang kumanta, lumapit ang waiter kay Ed at me inabot na napkin, saka me nakaipit dito na 50 Bahraini Riyals, nag pa thank you sa kanyang rekwes.

After their 2nd set, (kasi hanggang 4th set sila) pinuntahan ni Ed ang nag rekwes ng kanta. Nakaupo ito sa mesa malapit sa may bar. Nag pa thank you si Ed...Isa itong matanda na siguro nasa 50's na.
"Hi, salamat sa napaka generous mong tip! By the way my name is Eduard"
"I know! and I am Kimberly" at nakipag shake hands si Ed dito. Inalok ni Kimberly si Ed ng drinks, at naupo naman ang binata.

Sa isang sulok, nakita ni Ella kung paano makipag harutan si Ed sa babae. Kahit na maaaninag mo na me edad na ito, makikita mo parin na sexy sya at retokado ang mukha at boobs nya. Matapos nyang maki pag kwento sa bababe, tumayo si Ed at pumunta sa banyo...sinundan sya ni Ella. At doon sinuntok nya ang likuran ni Ed, napalingon si Ed, "Ano ba? bat ka nanununtok?" sasampalin pa sana ni Ella si Ed nang biglang hinawakan ni Ed ang kamay ni Ella. "What's wrong with you?" tanong ni Ed na medyo galit na. "You're asking me what's wrong? Nakita ko me pa haplos haplos kapa ng kamay dun sa matanda?" galit na sabi ni Ella.
"Sandali lang, alam mo ang trabaho natin, we're entertainers, trabaho lang to walang personalan. " Saka hinatak ni Ed si Ella sa may pintuan ng men's toilet, at hinalikan nya si Ella para mawala ang selos...

Naging regular ang pag pasyal pasyal ni Kimberly or Kim sa hotel na pinag tutugtugan nila, at napadalas din ang away nila Ed at Ella, hindi mapigilan ni Ella ang mag selos, dahil alam nya rin ang kalidad nito pag dating sa babae, walang patawad basta me butas. Dahil sa napadalas ang awayan nila, nag simula na ring mag entertain ng mga customers si Ella. Marami naman talaga syang tagahanga kaso nga lang, hindi nya pinapansin dahil masyado syang na inlab kay Ed...Kaya nga noong nasa Pinas sila, pati si Khaye pinag seselosan nya noon, kaya madalas wala si Ed kila Khaye dahil lagi silang magkasama sa Pinas.

One night, me nag abot ng flowers kay Ella sa stage, ngumiti ito, sabay tingin kay Ed, parang pinag seselos nya ang lalake. Ngumiti lang naman ang lalake dahil alam nya it's part of their job. Ella is only 22 and Ed is 30, medyo confident si Ed kaya di sya nag seselos kahit na maraming tagahanga si Ella. Isang gabi habang papunta si Ella sa banyo during their break time, nakita nya si Kim palabas sa men's toilet, na shock ito kumbakit nasa men's toilet sya, mayat maya sumunod na lumabas si Ed at akmang tinataas ang zipper ng kanyang pantalon...Sinugod sya ni Ella at pinag sasampal si Ed.
"Shut up Ella, ano bang ikinagagalit mo dyan?"
"Putang ina mo, nakita ko si tanda kalalabas lang ng banyo, anong ginawa niyo sa banyo? " pinaghahampas parin ni Ella si Ed sa kanyang mga kamay.
Umiwas nalang si Ed at tumuloy sa mga kasama. Pinunasan ni Ella ang kanyang luha at nag retouch ng make up for their next set.

Naging malamig ang pakikitungo ni Ella kay Ed, pero naging propesyonal naman sila at patuloy silang tumutugtog kahit na madalas mag away sila Ella at  Ed. Isang gabi me nag abot na malitit na bag kay Ella habang kumakanta sa stage...ipinatong ang munting regalo sa may speaker..pagkatapos nilang tumugtog ng 3rd set, binuksan ito ni Khaye, ito ay isang gold necklace...Tinanong ni Ella ang waiter kung kanino galing, sabay turo sa Arabo na naka upo sa may korner. Me hitsura ang arabo, kahit naka suot ito ng puting thawb or thobe (an arab traditional arabian clothing for men) Nilapitan ni Ella ang arabo at nag pa thank you sa gold necklace. Majid ang pangalan ng arabo, mabait sya at fluent mag english.

Nakaw na Sandali (Completed)Where stories live. Discover now