Chapter 58

2.8K 45 3
                                    


Bandang alas otso y media, nag goodnight na ang mga bata kila Khaye at Aldane na nasa salas. Si Leah naman ay sinamahan na ang mga bata sa kwarto. Si kat ay nagpaalam na maliligo daw at pagkatapos gagawa ng homework sa kanyang kwarto. Naiwan sila Aldane at khaye sa salas, nag usap sila ng masisinan.
"I have some good news babe" sabi ni Aldane
"Ano yun?" excited naman si Khaye
"nag email ang soon to be ex wife ko, lalabas na raw ang annulment namin by January" napayakap bigla si Khaye kay Aldane, saka nya hinalikan ito...bigla rin syang kumalas nang ma alalang nasa bahay nya pala sila. Mahaba-haba ang naging kwentuhan nila. Saka pumasok sa kwarto si Khaye at me kinuha sa kanyang drawer. Isang paper bag na naka palamuting silver na me red na candy cane.
"Heto pala Christmas gift ko sayo" saka inabot ni khaye ang bag kay Aldane.
"Oh nag abala kapa?" saka naman nya binuksan ang regalo.
Tumambad ang picture frame na me nakalagay na larawan ng dalawa noong sila ay nasa Subic, at saka isang maliit na box na Hugo...binuksan ni Aldane ang box, at natuwa ito ng makita ang relos na hugo boss.
"Wow these are really nice presents.Thank you babe, saka nya kiniss si Khaye sa labi.
"Ano nga pala ang plans niyo bukas? new year's eve bukas, wala kang pasok?" tanong ni Aldane.
"wala- baka dito nalang siguro kami ng mga bata, si Leah uuwi bukas ng maaga at si Kat.
"Pwede ako mag join para sabay sabay nating salubungin ang Bagong taon?"
"Sure-why not!"
"Sige mamimili ako ng mga fire works at saka mag ba BBQ ako!" Saka na nag good night si Aldane kay khaye.

December 31st!
8am- maaga nagising si Khaye dahil nag paalam na sila Leah at katkat sa kanya pauwi ng Capas. Tumayo na rin si Khaye at nag umpisa ng magligpit. Saka sya tinext ni Aldane pasado alas dies.
"Punta ako supermarket, me gusto ka pabili?"
"Mga juice at soft drinks sana, at kung me makikita kang sipo egg, gagawa ako ng sipo egg." bilin ni Khaye.
"Okay, I'll see you around pag natapos ko na i marinade ang BBQ? is that okay?"
"Sure para naman masaya"

Ala una ng hapon na kila Khaye na si Aldane, dala ang mga hinanda nyang pag kain at BBQ. Hinanda nila ang mesa, me mga binili rin si Khaye ng 12 types of fruits, tradisyon ng mga Pilipino. Nagdala din si Aldane ng alak galing sa US saka fruit juice sa mga bata.
Habang naglalaro ang mga bata at si Aldane, tumawag si Jhen sa kaibigan.
"HAPPY NEW YEAR BES!"
"Is that Jhen?" tanong ni Aldane kay Khaye. tumango sya..
"who's that ?" saka tinapat ni Khaye ang video call kay Aldane habang kalaro ang mga bata. Nag hello ang mga ito sa kanya, at bumati na rin ng Happy New year!"
"Abaaaaa Bes, kaya pala di ka na nagparinig ha? dahil napa aga ang putukan niyo no?" biro ni Jhen. tumawa lang si Khaye, napatawa na rin si Aldane sa narinig.
"Kailan pa sya dumating?"
"Sabado Bes!"
"Hanep, Happy na new year pa!-buti di kayo umuwi sa Capas?"
"Nagpa alam naman na ako na dito na lang muna kami ng mga bata"
"Kailan mo ipapakilala si Aldane sa kanila?"
"soon bes, soon! pag na approve na annulment ni Aldane" saka ngumiti ito.
"O sige Bes, try kita ulit tawagan later, o baka ma busy na ang network, so Happy new year nalang ha?"
"Same to you bes. Ingat ka dyan, kailan ba uwi mo nga pala?"
"sa January 6 na Bes!"
"Okay yung pasalubong kong snow ha?"
"Oo bes, para me pang kape ka, pag dumating na ako dyan, dahil pamihado mainit at tunaw na!"

Sinet naman ng mga bata ang Wii Dance, at tawa ng tawa si Khaye nang makitang sumasayaw si Aldane, dahil parehong kaliwa ang paa. Bago mag alas singko ng hapon, biglang dumating ang kotche ni Ed sa tapat ng gate nila. Lumabas si Khaye sa may gate at sinalubong ito.
"Ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Khaye "Me bisita ako eh, si Aldane."
"Magpapa alam lang sana ako, dahil bukas na ang lipad ko papuntang Dubai Khaye. Please hindi ako pumunta dito para manggulo" pinapasok na sya ng babae.
Pinatuloy ni Khaye si Ed sa salas, at si Aldane ay nakaupo sa couch. Pinakilala ni Khaye ang bawat isa.
"Hi Pare, musta? "Inabot ni Aldane ang kamay nya.
"Hi nice to finally meet you!" sagot naman ni Aldane. Medyo nailang si Khaye. yumakap naman ang mga bata sa ama.
"Nag drop by lang ako mga kids, dahil lilipad ulit sa eroplano si daddy bukas ng gabi. "  saka na humalik ito sa mga anak.
"O sige Khaye, happy new year nalang, ingat kayo" saka binalikan si Aldane.
"Pre! Ikaw na bahala sa pamilya ko ha? no hurt feelings, and goodluck sa inyo" medyo na alarma si Khaye sa kinilos ni Ed. Nanibago sya.
"Ayaw mo mag join?" anyaya naman ni Aldane. tiningnan sya ng masama ni Khaye.
"No , nagmamadali ako, mag iimpake pa kasi ako, at madami pa akong dapat gawin, kasi rush ito!"
Saka na hinatid ni Khaye at ng mga bata si Ed sa may gate.
"Maraming salamat Ed! I wish you all the best, please keep intouch sa mga anak mo"
"yes no problem Khaye, syanga pala, Ella and I are back together, I can't wait to see her in Dubai." Napangiti si Khaye. "Thats good news Ed, sige ingat ka..." saka na nag babay ito kay Ed.

Nakaw na Sandali (Completed)Where stories live. Discover now