Chapter 37

3K 42 3
                                    


LDR- (Long Distance Relationship) Mahirap ito para sa mga mag syota o mag-asawa, nakakalungkot dahil nami miss mo yung lagi kayong mag-kasama, na mi miss niyo ang bawat yakap at halik ng bawat isa. Ganito ang naging sitwasyon nila Khaye at Aldane, ngunit araw araw bago magising si Khaye me text na si Aldane sa kanya...at gabi gabi bago matulog nag vi-video call sila..

Isang buwan na halos ang nakalipas, si Aldane ay nasa Amerika pa rin. Dahil sa patuloy na chemo therapy at check up ng kanyang ina. Isang sabado habang naglilinis ng bahay si Khaye, me kumatok sa pintuan nila...Isang mama na me dalang orchids na naka paso at love heart na balloon na nakasulat na "I Miss you" Delivery po para kay Khaye Lumanlan?
"Maraming salamat" at nag-abot ng 50 pesos si Khaye sa mama...
Binuksan ni Khaye ang nakalakip na card.

"My Dearest Khaye,

"Distance never separates two hearts who love each other, for our memories span the miles and in seconds we are there. But whenever I miss you and I start feeling sad, I remind myself how lucky I am to have someone so special to miss"

I love you so much Babe,
Love and kisses,
Aldane xox

PS:
Sana alagaan mo itong mga bulaklak na ito, at huwag mong hahayaang mamatay, kagaya ng pag-mamahal natin sa isat-isa sana tayo pa rin hanggang sa kamatayan. Till we meet again my dearest... miss you...

Ganado si Khaye noong araw na yon, pag katapos nyang maglinis, dinala nya ang mga bata lumabas silang tatlo, kumain sa labas, at nag ice skating sa mall. Alas sais na ng gabi nang sila ay makauwi. Mayat maya si Jhen naman ang dumating, niyaya sya ni Khaye na matulog sa kanila para mag catch up. Nakita kaagad ni Jhen ang love heart balloon at orchids na naka paso. "Galing kay Aldane no?" tumango lang si Khaye at nangiti.
"Ang cheesy niyo, nakakasuka!" biro ni Jhen.
"Eh kayo hindi ba cheesy?"
"Medya-medya lang!" hirap ng LDR ano?
"Pero ini invite nya ako sa UK, inaasikaso ko nga ang visa ko"
"Wow, pupunta ka dun? diba malamig doon?"
"OO nga, gusto nya doon ako mag Pasko?" Ngek!! baka mag yelo ang pempem ko dun !" "O kaya kahit hindi na daw Pasko, kahit Hogmanay nalang"
"Anong hogmanay?"
"New year's eve daw!- Hogmanay tawag nila"
"Si Aldane kailan ang uwi nya?"
"Hindi ko pa alam! kasi gusto nya raw muna makita na malakas na mommy nya, which is understandable naman diba?"
Nang biglang me nag text!
"Speaking of the Devil, ayan nag te text na si fafa!" biro  ni Jhen...subalit biglang, umasin ang mukha ni Jhen...
"O me bad news? "biglang tanong ni Jhen sa kaibigan.
"Ang punyeta kong ex--uuwi na daw in 2 weeks time!"
"First week of December?" tanong ni Jhen.."Naka 6 months na ba sya dun?"
"Wala pa, mga 5 months pa lang siguro.."
"Bat biglaan ata ang uwi?"
"Ewan  ko ba bes, araw araw nya akong tine text, at parang nanliligaw ulit!- dinededma ko nga eh.!"
"ahhh baka naman nauntog na, at naisipan nyang balikan ka? or baka naman wala na sila ni Ella?" "Tatanggapin mo ba sya kung babalikan ka? "
"Naku hindi ah!, for the first time nagising na ako sa katotohanan"
"Kilala kita Bes, konting suyo ni Ed, lumalambot ang puso mo"
"Hindi na, pramis!"
"Dapat lang, baka i untog ko yang ulo mo!" Matapos nilang kumain, pinatulog ni Khaye ang mga bata at nanood ng movies ang magkaibigan habang sila ay umiinom ng Malibu and pine apple, at nilalantakan ang ginawa nilang sisig. Ang una nilang pinanood ay The Notebook. Iyakan ang dalawang mag kaibigan. Pagkatapos ng pinapanood nila, nag ring ang phone, si Aldane..nagpaalam si Khaye sa kaibigan..."Teka lang ha? SOP muna kami!" biro ni Khaye saka na pumasok sa kwarto.

After half an hour, lumabas ulit si Khaye sa kwarto...
"Nag vi video sex ba talaga kayo?"
"hahahhaha, bakit kayo ba ni Stewart hindi?"
"Hindi marunong eh...kasi unang una ang hirap intindihin ng accent nya, eh imbes na mag mariang palad ako, hawak ko ang dictionary! dinudugo ilong ko bes, sa totoo lang."
"Ini imagine ko kung sakaling magkakatuluyan kami ni Stewart? siguro kada mag-aaway kami at maubusan ako ng English? hayyyy naku, ida daan ko nalang sa sign language bes!"
"hahaha, masasanay karin sa accent nila Bes!panoorin mo yung Brave heart, diba mga nakapalda sila Mel Gibson doon? "
"Hindi daw skirt yun, KILT yun dai!"
"Nung andito sya at nag de date kami? Naku, hirap na hirap talaga akong intindihin ang accent nya, sabi ko sa kanya, shut up and let's make love!"
"hahaha, sinabi mo yun?"
"Biro lang, to naman--di naman ako ganun ka landi ano?"
"Siguro mas malandi kapa sa akin nung bago pa lang kayo ni Aldane ano?"
"Hahahahah, siempre naman. We're just being passionate.."
"Lam mo bes, maganda talaga yung open kayo sa sex sa bawat isa, yung nag uusap kayo ng mga fantasy niyo yung walang hiyaan. Tapos handa kayong mag explore!" explain ni Khaye sa kaibigan.
"Owsss Talaga??? so dapat pala maging Dora the explorer ako ganon? tapos kakantahan ko si Stewart ng  "Pekpek! Pekpek! on the pekpek loaded up with things and knicknaks too, anything that you might need I got inside for you! Pekpek pekpek! yeahhhh---sabay tirik ng mata ko?" kanta ni Jhen, medyo lasing na! tawa ng tawa si Khaye sa kabaklaan ng kaibigan.

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon