Chapter 2

17 1 0
                                    

Chapter 2

"oy gising na."

Sa pagkakaalala ko, mag-isa lang ako dto sa boarding at ang sarap pa ng tulog ko.. pero agad kong iminulat ang aking mata ng maalala kong may kasama na pala akong umuwi dito kagabi.

"naku mala-late ka na nyan 9 pa naman usapan nyo" ng marinig iyon ay tila nabuhusan ako ng isang baldeng tubig...

OO NGA PALA. SCHOOL FEST NA NGAYON.

Agad akong bumangon at nakita kong palabas na ng kwarto ang aking pinsan.

Sinuot pa nito ang aking isang pares na uniform. Walang pamamaalam na nangyari pero sanay na ko.

Dati pa naman ay ganyan na sya, komportableng komportable maging sa bahay kaya hindi ko rin alam kung pano ko sya naging kaibigan.

Aaminin kong nakakamis pala yun.


Tinungo ko ang kusina, gusto kong magluto mamaya na lng ako pumasok, late na din naman ako. Alam kong may masasabi ang iba kong kaklase sakin at hahayaan ko na lang sila..


Napangiti ako, may nakahain na sa mesa. Aba nagluto ang bisita na dati lang ay sobrang ayaw sa kusina.

Napangiti ako.


Madami na palang nagbago....

Kinuha ko ang kutsara at nagsimulang kumain........ng mag-isa.

. I've been in this scene for two years at kinakaya ko. Sa sobrang gusto kong maging independent ay nakalimutan ko nang may pamilya pa pala ako.
Sad. Pero ganun talaga.

****riiinngggg****

May tumatawag.... Tumayo ako agad ngunit nung pag-abot ko'y bigla na lang naputol sa kabilang linya...
Inilapag ko ang telepono ng may pagtataka.

Sino yun?
Baka wrong caller lang.

****SCHOOL****

Binabalak ko pa sanang wag na lang pumasok since wala namang pasok ngayon kase school fest pero may gagawin pala ang section namin. Kung hindi pa ko tinawagan ni Moon ay hindi pa ko kikilos.

Sa aking pagmamadali ay halos liparin na ko ng hangin sa sobrang bilis kong magbike. Good thing malapit lang school namin at walang gaanong sasakyang dumadaan.

Within 5 minutes ay sa wakas narating ko na rin.

Tiningala ko ang school clock para masiguro kung dumating ba ako sa tamang oras. Sumilay ang isang ngiti mula sa aking labi nung nakumpirma ko. Agad kong tinungo ang ROOM 15 Publication Room

Napansin kong sarado ang pintuan.
Nakapagtataka.

"Wala pa ba sila?" Kinakabahan kong tanong sa aking sarili
Naisipan kong Unti-unting buksan ang pintuan pero nagbigay pa rin iyon ng kaunting ingay...

***craaaaackk*****

Huli na nung nalaman kong nagsisimula na pala sila....
Patay ......

Lahat sila'y nagtinginan sakin maliban sa iisang tao na never ko nakitaan ng emosyon..

Ang iba'y natawa n lng dahil sanay na silang ganito lagi nangyayari pag sumusulpot ako at agad naman silang nagsabing...

"late " , "manlibre ang late" sabay ngising mapang-asar... ngunit ipinagsawalang bahala ko n lng lahat iyon at nagsorry...

Nagsimula na pala silang magpractice ng kani-kanilang lines sa role play event ng section namin sa darating na Friday.

Habang ako at maging mga kasama ko sa props at script making ay abala ng tapusin ang mga nakaatang sa amin...
Sa wakas natapos na din kami at pwede na naming panuorin ang prinactice nila.

Pipe Dream [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora