CHAPTER 4: Dreams come true?

13 2 0
                                    


Sinadya ko talagang magising ng tanghali na dahil gusto kong sulitin ang natitirang oras dahil mamaya ay kakabaahan na ko ng bonggang bonga.

At para na rin hindi ako makasama sa gaganaping victory party ng buong section namin which is ngayong araw. Nanalo kase ang team ng section namin sa basketball kahapon kaya naman ay nag-aya silang icelebrate ito sa bahay nila Kai.

Syempre wala akong balak pumunta dahil na rin sa kailangan kong paghandaan ang theatrical play namin na gaganapin na mamayang gabi.

Syempre dahil ako ang scriptwriter, wala na rin akong role as a character sa play kaya manonood na lang ako. Ang kailangan ko lang paghandaan,

Ang puso ko... Baka kase hindi ko kayanin yung mga mapapanood ko.

"yung mga characters, memorize nyo na ba ang mga lines nyo? "
"Charlotte yung acting mo, ayusin mo ha"
"yung mga sa props and documentation, be alert ha"

Pagkarating na pagkarating ko palang ay puro ganyan ang mga naririnig ko. Palakad-lakad, pabalik-balik at nagmamadali ang lahat ngayon. Stress and preassure na kaming lahat pero mas lalo na si Kai dahil sya ang mananagot pag pumalpak kami sa play...

Marami nang tao ang nakaupo ngayon para manood. Kanya- kanyang support ang bawat section sa kanilang mga pambato. Pati na rin ang kani-kanilang mga magulang, sibling and friends ay naririrto para suportahan sila.

Kanina lang ay nasa audience's seat kami kaso bigla akong pinatawag ni Kai sa backstage. Bigla tuloy akong kinabahan pero wala e kailangan kong pumunta dun baka tungkol yun sa script.
Pero bakit?

"Carrie, may problema.." sa ekspresyon palang ng mukha ni Kai ay halatang seryoso siya... kaya naman ay agad kong tinanong kung ano iyon.

"May problema? Ano naman yun?"

Naghahabol pa ito ng hininga na halata kong kanina pa ito madaming ginagawa. Hinintay ko pa itong mahimasmasan bago ito nagsalitang muli.

"wala kase si Amber nagkaron ng emergency sa bahay nila. Pwede bang ikaw muna pumalit sa kanya? Wala na kasi akong mahanap na iba e"

AYOKO NGA! SA LAHAT NG TASK DITO SA PLAY, YANG TASK NI AMBER ANG PINAKA AYAW KO.
THIS IS TOO MUCH!

"Wala na bang iba? Ayoko nga!" angal ko.

Hindi nya alam ang dadanasin kong hirap pag ginawa ko ang pinapagawa nya sakin. Iniiwasan ko na nga siya e tapos papalapitin pa ko dun.

"Sige na please.."

Hindi ko pinapansin ang isang Kai Deeter sa room o kahit saang sulok pa ng school kung saan e naroroon kaming parehas. Pero ngayon, parang.....

HAHAHAHA erase that!
Pero honestly, may itsura pala sya kaya pala maraming nagkakagusto sa kanyang mga kaklase ko. Kaya siguro sya ang pinili ng karamihang kaklase kong babae parang maging director namin.

Edi siya na!

"Sige na parang di naman tayo magpinsan"..

Wow ha! Ang galing! TALAGA LANG HUH? hahaha. At naalala mo pa talaga yan !
Binabawi ko na.
HINDI SIYA POGI

"Kai need na natin. Meron na ba"

Mula sa maliit na special room ay sumilip si Andrew, ang camera man namin. Suot pa nito ang kanyang uniform. Bakit?
Hindi agad nakasagot si Kai dahil inunahan ko na sya.

"Andrew bat ka pa nakauniform, wala tayong pasok diba?"
Kinamot pa nito ang kanyang ulo at naglakad ito patungo sa amin.
Inilapit pa nito ang kanyang mukha sa akin. Marahil ay gusto nitong marnig ko g maayos ang sasabihin nya sakin.

Pipe Dream [COMPLETED]Where stories live. Discover now