Chapter 3: Charlie's Revelation

13 2 0
                                    

Thursday na ngayon at second day na ng school fest namin. Maaga kaming pumasok ng mga kateam ko dahil excited na naming buksan yung small art gallery booth namin. Ginawa na namin toh last week pa at buti na lang walang nagtangkang kumuha or manira ng mga designs and arts namin.

Marami ding booth na nagsibukas isa na dun ang Photo Booth nila Phantom. Parang nakakaexcite nga yung kanila kaya pupuntahan ko yun mamaya.

Marami na ding nagpapicture at bumisita sa booth namin kaya naman madami dami din kaming kinita.

505...

525...

545.....

Nasisisyahan tuloy akong bilangin ang mga perang kinita namin ng biglang nagbago ang paligid......

Amoy na amoy talaga ang pabango nya.

"Carrie, bayad ko" inabot nya ang 50 pesos at kinuha ko naman iyon sa kamay nya.

Hindi na ko tumingin sa kanya dahil alam kong magkasama sila. Agad ko namang sinuklian ng 30 pesos, nagmadali ko pang kinuha iyon sa lalagyanan at ibinigay iyon sa kanya .


Kinuha nya naman iyon ng walang sabi at agad na silang umalis ni charlotte.

Kung titignan mo sila, isa silang couple na hinding-hindi nanaisin ng kahit mga kakalase ko na maghiwalay. Yung couple na imposibleng magbreak.


Kase... mahal na mahal nila ang isa't-isa...PERFECT COUPLE nga gaya ng sabi nila.



Pero as to me, habang tinititigan ko silang masayang magkahawak ng kamay ay parang unti-unting nagpipiraso ang puso ko. Masakit kase lalo kong narerealize na ang pagkagusto nya sa akin ay

IMPOSSIBLE at HINDING-HINDI mangyayari

Lahat ng mga nandito, dream couple ang tawag sa kanila kaya namn kilala sila ditto. Ang tagal na rin kase nila .


ACTUALLY, sa Sabado na yung 4th year Anniversary nila... sigurado marami na namang flowers nsa baba nyan tapos hanggang sa ROOM 14 which is room namin. Maraming papasok ng maaga para manood, kiligin at iiyak sa saya.


Habang ako...

Magmumokmok sa kwarto tapos saka na lang ako papasok pag tapos na.

Sa sobrang sakit ng naiisip at nararamdaman ko, late ko ng narealize na kanina pala ako nakatulala at hindi ko na rin napansin na wala na pala akong tinitignan.

Bakit ganun? Yung umaasa pa rin ako na mangyayari ang isang bagay kahit na alam kong napakaimposibleng mangyari.

"Carrie."

Nagulat ako. Si Charlie. Nakiita kaya nya? Inayos ko ang aking sarili at binalik ko muli ang mga barya dahil uulitin ko ulit itong bilangin, nakalimutan ko na kung anong huling bilang kanina.


Lumapit naman ito sa akin. I'm not sure kung anong sasabihin nya dahil magmula pa kanina ay hindi ko sya nakita. Hindi ko alam kung saan ang whereabouts nya.

"Carrie kung hindi mo mamasamain, ..." napatigil ako sa aking ginagawa.... Sabi na magtatanong talaga sya.....
Base sa reaksyon nya, masasabi kong naataranta sya....


"I mean,,,,you see, ako lang yung nakauniform dito sa floor na to. Aahmmmm, meron ka bang extra jan?"

Napangiti ako. As I see, halata nga. Hindi kase nagtatanong.

"gurl? Tutunganga na lang ba tayo ditto?" nakataas pa ang kilay nya habang nakapamulsa ito. Naiisip ko pa namang pagtripan sya pero wag na saka na lang...


Pipe Dream [COMPLETED]Where stories live. Discover now