Epilogue

12 2 0
                                    

6 years later…

Marami nang taon ang nakalipas. Nagpatuloy ang aking pag-aaral sa America at nakapagtapos ako doon ng Architecture.

Hindi ko alam kung anong meron noon kila Papa dahil  pagdating ko palang noon sa America ay wala akong galit na nakita sa kanila. Inamin na din nilang lahat sa akin lalo na ang aking bestfriend na si Charlie. Masaya ako at nalinawan at nagkapatawaran na rin ang pamilya namin mapa side man ni Papa o sa side ni Mama.

Lahat masaya na pero parang feeling ko may kulang parin…
Hindi pa ko kumpleto.

Ang tanong, nakamove on na ba ako?

Ang sagot, OO
Na may kasamang smiling emoticon.

Kaya naman imbes na magtago dito sa America ay nagdecide akong umuwi ng Piipinas. Naisip ko kase siguro dapat bumalik muna ko kung saan nagsimula ang lahat, kung saan nagsimulang makilala ko ang isang Carlo Montez nang sa gayon ay tuluyan na talaga akong makalaya sa nakaraan.

“salamat at nakapunta ka”
Ang nagsalita ay isang lalaking kung kalian  4th year highschool na ko nun ay saka ko pa narealize na pogi pala. Si Andrew na isang Architect na ring gaya ko.

Ngumiti ito na umabot pa sa kanyang mga mata. Mas lalo itong naging pogi at pumuti na mas lalong nagpadagdag sa appeal nito.

“syempre naman, reunion nating batch diba?”

Nakasuot ako ng black na long dress. Hindi ko kase gusto ang ibang kulay maliban sa black at white kaya eto, black beauty ang drama ko. Siya naman ay nakasuot ng tuxedo. na mas lalong halatang suki ito sa mga workout activities.

Magkasabay naming tinungo ang pwesto ng bawat isa pero hindi ko akalaing may pagkagentleman pala siya at hinatid pa ako sa aking upuan. Ginantihan ko naman ng ngiti ang kanyang ginawa at gayon din sya.

Naalala ko nung grand ball namin, hindi pala ako tumuloy sa aking upuan, umuwi agad ako. Ayan
Tuloy, hindi man lang naenjoy ang last prom ko nung highschool pero okay lang.

Biglang nagbago ang kanta at napalitan ito ng sweet music. Isang nakakakilig na kanta. Ang lahat ay nagsipuntahan sa gitna kasama ang kanilang kapareha at nagsimulang i-enjoy ang gabi.
Tumingin ako sa aking cellphone.

Ayokong manood. May naaalala ako .

“Can I have this dance?”

Isang kamay ang aking nasulyapan. Hindi ko alam kung ano ang aking dapat mararamdaman pero bigla aong naging panatag.

Tinignan ko ang nagmamay-ari nun at nagulat ako kung sino iyon…

Siya …

Nagpabalik-balik ang aking tingin mula sa kanyang mas lalong gwumapong mukha hanggang sa kanyang nakalahad na kamay. Inilihis ko ang aking tingin sa paligid, naiiyak ako.

“Hindi ako sumaasayaw”

Pagtatanggi ko. Ayoko na. Simula nung nangyari iyon ay hindi na ako nangarap pa kase alam kong hanggang dun lang yon. Masakit e. Kahit na alam kong hindi naman nya kasalanang masaktan ako pero wala e nangyari pa din. Baka nga ngayon ay nananagip pa ko.

Unti-unting bumababa ang kanyang kamay hanggang sa itinago na iyon. Nanghinayang pa ako sa aking ginawa dahil hindi na nya muling inilahad iyon sa akin…
Nakakalungkot.

Itinuon ko ang aking sarili sa cellphone.

“Come on, sayang naman ang gabing ito na hindi kita nasasayaw”

Napahinto ako sa aking ginagawa.
Napansin kong inilahad niya ulit ang kanyang kamay na nagpakurap pa sa aking mga mata.

Bawal . Hindi pwede iyan Carrie. Baka nananaginip ka na naman. Tama na.

Pipe Dream [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon