CHAPTER 5: Heartbreak

12 0 0
                                    

Carrie's POINT OF VIEW

Nakangiting sinalubong ko ang umaga. Napakaganda ng aking tulog lalo na ang aking panaginip.

Kahit ma'y panaginip lang iyon ay parang makatotohanan at hindi ko maisip na may posibilidad ding mangyari iyon sa realidad.

Bumangon ako kaagad ngunit naisip kong bumalik sa pagkakahiga baka sakaling pagpikit ko ng aking mga mata ay maulit muli ang aking napanaginipan.

Mag-aalas nuebe na pala. Ganun ba kasarap ang tulog ko? Marahan akong napangiti,bigla tuloy akong naexcite sa mangyayari mamayang gabi.

Grand ball na kase namin (:
Gusto ko na tuloy siyang makita.

Charlie's POV

Umagang- umaga palang ay nasa school na ako. Kinuha ko lang ang mga papeles na kakailanganin ni Carrie sa paglipat nito ng school sa America.

Oo, maging si Carrie ay walang kaalam alam sa kung anong gingawa ko at ang mismong ang mga plano ng parents nito sa kanya.

Actually, napatawad na siya ng kanyang mga magulang sa nangyari. Siya kase ang tinuturong may kasalanan sa mga nangyari sa family nya. Pero ang totoo ay hindi naman talaga siya kundi AKO.

Oo AKO nga.

Alam kong wala akong karapatang tawaging kaibigan ng isang Carrie Queens. Dahil isa lamang akong Charlie Benavides na siyang guilty at painosente.

That's why I'm here para pagbayaran ang aking mga kasalanan at iyon ay ang pauwiin si Carrie sa bansang dapat niyang uwian nang sa gayon ay maibigay sa kanya ang dapat ay para sa kanya.

I sighed. Naalala ko pa ang aming masinsinang usapan namin ni Mr. Acusi at ni Papa na siyang galit na galit sa nalaman na siyang nakapagpaiyak sa kin ng sobra.




****4 years ago***

"Paano mo nagawang ibigay ang impormasyong iyon sa kalabang kompanya!!!!?"

Halata sa tono ng boses at ekspresyon ng mukha nito ang galit at kasama na doon ang pagkadismaya sa akin.

Isa ako sa pinagkakatiwalaan nyang gangster na naging kaibigan ng kanyang anak dahil bukod sa ako ang pinagkakatiwalaan niyang tagaprotekta rito ay buo din ang tiwala nito sa aking gang.
Matagal na akong gangster at inilihim ko sa lahat iyon maliban sa dalawang tao.

Siya ang ama ni Carrie. Siya si Mr. Acusi ang kilalang matinik sa negosyo kaya naman ay marami na itong kalaban hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa Japan.

Normal lang na may ibigay itong misyon sa akin. Yun nga lang ay hindi ako naging maingat. Nang dahil sa maling impormasyong aking nakalap ay gayon na lamang kabilis na naisahan ang isang gaya ko. Sa sobrang kampante kong napagtagumpayan ko ang misyon ko ay kabaliktaran pa nito ang nangyari.

Huli na ang lahat nung nalaman kong set up lang ang lahat at habol talaga ng mga kalaban ang impormasyong ibinigay ko kay Carrie na siyang hinahabol na pala ng mga kalaban ang kotse nila.

Nadamay tuloy sina Carrie at ang kanyang ina. Wala akong nagawa dahil nahuli na ako ng dating.
Car accident ang nangyari at buti na lang ay nakaligtas silang dalawa kundi hindi ko na alam ang aking gagawin.

"kasalanan ko, nagpadala ako sa plano ng kalaban."

Hindi ko ugaling humingi ng tawad pero ginawa ko parin dahil pakiramdam ko ay ako ang talagang may kasalanan ng nangyari.

"Pano kung malaman ito ng iyong ama?"

Napaisip ako doon. Hindi ito maaari. Magagalit iyon sa akin. Hindi alam ng aking ama na leader ako ng isang gang. Itatakwil ako nito pagnagkataon. Kinkabahan man ako ay hindi ko iyon ipinahalata, may tiwala ako sa kanya.

Pipe Dream [COMPLETED]Where stories live. Discover now