CHAPTER THREE

6K 115 0
                                    

BAGO pa maisipan ni Freya na umalis sa kinatatayuan niya ay naramdamang niya na lang na may humila sa kanya. Napasubsob siya sa mga matitipunong dibdib ng isang lalaki.

Narinig niya ang pagbagsak ng kahon sa dating kinatatayuan niya. Nahulog din ang ilang mga kahong nasagi nito pagbagsak niyon. Narinig niyang may mga nabasag sa loob ng kahon.

She heaved a sigh of relief. Nang maalala ang lumigtas sa kanya ay saka niya lang ito tiningala.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Ziggy na nakakunot-noong nakatingin sa kanya. Bago pa siya makalayo rito ay inulan na siya nito ng mga tanong.

"Okay ka lang ba? May sugat ka ba? Ano ba naman kasi ang ginagawa mo rito? Ang dumi-dumi mo na, o." Dire-diretso ito sa pagsasalita at hindi na siya nakasagot nang bigla-bigla nitong nilinis ang mukha niya gamit ng kamay nito. "Para kang bata. Ang dungis mo." Matamis itong ngumiti sa kanya na tila naaaliw sa madungis niyang anyo.

Nang masilayan niya ang ngiti nito ay biglang lumakas ang pintig ng puso niya. Parang kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Ilang beses na rin naman niya itong nakitang ngumingiti pero bakit kakaiba yata ang epekto ng ngiti nito ngayon? Naramdaman niyang uminit ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung ano ang reaksiyong nakapaskil sa mukha niya. Sana lang ay hindi siya magmukhang tanga sa harap nito.

Natigilan siya sa naisip. Ano ba naman ang pakialam niya sa opinyon nito tungkol sa kanya? Wala nga siyang pakialam kung humarap siya rito na kagigising lang at hindi pa naliligo o nagtu-toothbrush. Bakit ngayon parang nako-conscious siya?

Tumikhim siya para mabawasan ang kanyang kaba. Pinalis niya ang kamay nitong nasa mukha pa rin niya. Sinubukan niyang dumistansiya rito pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang beywang.

"O-okay na ako, p-puwede mo na akong bitiwan..." Nakagat niya ang kanyang ibabang labi nang marinig niya ang kanyang sinabi. Bakit ba siya nauutal? That's the first time it happened to her at si Ziggy lang naman ang kaharap niya! Si Ziggy na bakulaw sa paningin niya.

"Hindi ka pa okay. Nanginginig ka pa, eh." Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya at sa pagkakataong iyon, dalawang kamay na nito ang nakayakap sa kanya.

Natauhan siyang bigla sa ginawa nito. Sigurado siyang hindi siya nanginginig sa takot or anything. Tsinatsansingan lang siya ng mokong!

Marahas niya itong itinulak. Pinaningkitan niya ito ng mga mata and gave him that stern look. "Nananantsing ka na, Zigmundo!"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi naman. Pinoprotektahan lang kita." Isang malokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito na nagpatunay sa hinala niyang tsinatsansingan nga siya nito.

"Look, I don't need protecting. I'm fine on—" napatili siya nang may mahulog na kung anong bagay sa kanyang balikat. Sa takot na baka daga iyon, she did the unthinkable... She jumped into Ziggy's arms.

PINIPIGILAN ni Ziggy ang mapangiti nang makita ang reaksiyon ni Freya. Hindi dahil sa nagtititili ito kaya siya napapangiti, iyon ay dahil sa bigla na lang itong tumalon sa kanya. Instinctively, sinalo niya ito. He hugged her close to him.

He pursed his lips tight para mapigilang mapangiti. Nagsimula na siyang mag-alala nang humikbi ito. He never saw her cry. Especially, not in front of him. She was one of those strong-willed woman he knew na hinding-hindi magpapakita ng kahinaan sa mga kaaway nito. And she considers him as one.

Nang patuloy pa rin ito sa paghikbi ay yinakap niya ito nang mas mahigpit. "Sshh... tahan na, Freya... you're gonna be alright..."

Sa kanyang pagkabigla—for the first time ever—ay gumanti ito ng yakap sa kanya. Mabilis siyang napayuko upang siguraduhing hindi siya nananaginip lang. Napangiti siya nang makita itong nakasiksik sa kanyang dibdib, nakapalibot ang mga kamay sa kanyang likuran habang pilit nitong pinipigilan ang paghikbi.

The Prude Damsel (published/unedited)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن