CHAPTER FOUR

6.3K 133 0
                                    

"ILANG beses ko bang sasabihin sa 'yo, Zigmundo na tigilan mo ang pagiging mahalay mo," nagtitimping sabi ni Freya kay Ziggy na prenteng nakaupo sa kanyang sofa.

"Ang higpit mo talaga. Baka lang naman kasi makalusot," nakalabing reklamo nito.

"Birthday party ang pinagpaplanuhan natin at hindi bachelor's party kaya kung gusto mong makakita ng mga babaeng naghuhubad, doon ka sa night club," iritadong sumbat niya rito.

"Uuy, nagseselos ka, 'no? Aminin mo na kasing gusto mong ikaw lang ang makita kong nakahu—" Sapol ang mukha nito ng throw pillow na binato niya rito. "Puwede bang tigilan mo muna ang pagiging manyak mo sandali at mag-concentrate ka sa pinag-uusapan natin?"

Kasalukuyan silang nasa unit niya dahil sa pagpupumilit nito. Nag-iisip sila ng magiging ayos ng programa sa birthday ni Jorick. Dalawang linggo na lang at birthday na nito. Marami na rin naman silang napagplanuhan ni Ziggy pero marami pa rin silang kailangang ayusin at baguhin. Lalung-lalo na at sinisingit nito ang mga "kalaswaan" nito sa ginagawa nilang program ng party.

Nang mga nakalipas na araw na palagi niya itong nakakasama ay nakasanayan na niya ang ugali nito. Hindi pa rin maiwasan ang pagbabangayan nila pero parang nakasanayan na rin niya pati iyon. Hindi na siya masyadong napipikon tuwing bibiruin siya nito. Aaminin niyang masaya rin naman itong kasama minsan kung hindi nga lang ito nagiging green-minded.

At ang nangyari noon sa stockroom ay tila ibinaon na nila sa limot. Hindi na nila iyon pinag-usapan pang muli. Which she was very thankful of.

"For your information, I'm not a meynyek..." anito na linagyan pa ng accent ang huling salita. "Sina Rieley at Jorick ang may description na ganoon. I'm just a man who thinks of manly thoughts," pagdadahilan nito.

Naitirik niya ang kanyang mga mata. "Pareho pa rin 'yon." Inayos niya ang salamin na dumausdos sa kanyang ilong. "Anyway, naisip kong mas okay kung magkakaroon ng games sa party, not the usual parlor games of course, but something with a twist. At dahil mapilit ka... hindi na rin masama kung 'yong games natin ay may girl-boy pairing."

"Yes! Finally, pumayag ka rin! Eh, 'yong dirty dancing contest o kaya subuan ng saging sali na natin, ha?" hirit nito.

"Eh, kung isaksak ko kaya sa berdeng utak mo itong bolpen, payag ka?" banta niya rito.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo na pangit 'yon, eh, pinipilit mo pa ring isali. Wala nang dirty dancing contest at subuan ng saging. Period," bawi nito.

Napailing na lang siya. Parang wala itong pakialam kung matagalan man sila sa pagpaplano ng magiging program ng celebration.

Nagsusulat siya sa kanyang memo notebook nang mapansing tumahik ang paligid. Nag-angat siya ng tingin. Nakita niya matamang nakatingin sa kanya si Ziggy. Hindi nito inalis ang tingin sa kanya kahit na nahuli na niya itong nakatitig.

Suddenly, her heartbeat doubled. Bigla siyang na-conscious sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?" pagsusuplada niya para mapagtakpan ang kabang nararamdaman.

"Sine-seduce kasi kita. Effective ba?"

Akmang hahambalusin niya ito ng throw pillow nang pigilan siya nito. "Joke lang. Hindi ako nakatingin sa 'yo. Nag-iisip ako," mabilis na bawi nito, natatawa.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Hindi nakatingin pero sa kanya nakatutok ang mga mata? Ano kaya iyon?

Nagulat siya nang bigla itong magsalita. "Puwedeng mag-request ng isang secret game?"

The Prude Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now