Chapter 3

3.6K 62 1
                                    

Apat na araw ang lumipas ng tuluyan akong magresign sa work ko. Tinulungan ako ng handler ko na makaalis doon. Yes, 'yung gwapong handler ko-na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagladlad siya.


Ewan ko ba 'dun, ang gulo gulo. Minsan umaastang parang babae tapos minsan naman parang lalaki. Nakakapang hinayang lang talaga dahil sobrang gwapo niya tapos malalaman kong pusong babae pala siya.


Tama 'nga naman ang sabi sa akin ni Mrs. Ferrer na madali kaming makakapagpalagayan ng loob. I mean, napakadaldal niya tapos kung makaasta ay parang ilang taong na kaming magkakilala.


Hinahayaan ko nalang siya. Infact, wala naman siyang ginagawang ikakagalit ko tsaka masaya rin naman ako kapag kasama ko ang gwapong bakla kong handler.


"Hello girl!" Speaking of!


"Hello, madam." I said while grinning.


Ang arte arte nito at daig na daig pa ang babae kung umasta. Hay, bakla talaga!


"Nasan ka na? Kanina pa ko naghihintay dito." I murmured to him.


Nagpupumilit itong pumunta sa condong tinutuluyan namin dahil gusto niyang makita ang anak ko.


Siguro, na-obsess na ang baklang 'yun sa anak ko. Hay, bakit ba kasi ang gwapo gwapo ng baby ko?


"Sandali lang, girl. Eto na nga oh, paakyat na ng elevator." He answered.


Alam kong nakaikot na naman ang mga mata nito. Natawa nalang ako.


"No pasalubong, no entry bakla." I laugh.


"Excuse me girl, meron akong dala 'no but, I'm so sorry para kay baby alexus lang ito." He said. Napanguso naman ako.


"Really? Bilisan mo na nga, baka mamaya nagpapacute ka na naman sa mga lalaki jan sa baba." I told him.


"Nandito na ko. Please open the door for me." Maarte pa niyang utos sa akin.


Napailing nalang ako at nagpuntang pintuan para buksan iyon.


"Hi baby!" He said as he kissed me on cheeks.


Muntik na akong maduwal sa sinabi at ginawa nito. Umaandar na naman ang pagiging makulit niya.


"Duh bakla, nakakadiri." Sabi ko naman at pinunasan ang pisngi ko. Awtomatikong tumaas ang kanang kilay nito.


"Grabe ka naman." Napairap naman ito. "By the way, where's my boyfriend?" Tuloy tuloy itong pumasok sa loob at inilibot nag kanyang mga mata.


"He's not your boyfriend. He's my son and he's just one and four months old for pete's sake. My god, Angel Jace huwag na huwag mong haharassin ang anak ko." Napapunas nalang ako sa noo ko.


"Whatever!" Maarteng sabi niya sa akin at inilagay sa couch ang dala niya.


"Ma'am gising na po si baby Alexus!" Napalingon ako ng sumulpot sa likod namin si Ate Jena.


Akmang tatalikod na sana ako para kunin si baby sa kwarto namin ng pigilan ako ng baklang handler ko.


"Girl, ako na. Keri ko 'to." Halos takbuhin na niya para lang puntahan ang anak ko.


"Bakla, pwera usog ha. Naku, malilintikan ka talaga sa akin." Sigaw ko pa.


Hindi ko na narinig pa ang sagot nito at tuluyan na talagang pinuntahan ang anak ko.


MODEL SERIES 2: Jiana Cassandra Avila - RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon