Chapter 8.5

1.2K 25 1
                                    


As days passed by, mas lalo na naming nakikilala ang isa't isa-I mean Jacob. He's nice after all. Walang malisya! I admit that he's really handsome but we're just friend at wala akong gusto sa kanya. At masaya ako sa kung anong mayron sa akin ngayon.


Pagkatapos ng dinner kuno namin ay marami itong kinuwento. Sa likod ng gwapong mukha nito ay nalaman ko kung gaano ito kadaldal. Na halos dinaig pa nito si Angel. He's goddamn talkative as hell.


"Lunch?" He said.


Ngayon ay nandito na naman ito sa harap ko at nag aaya na namang kumain sa labas. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung araw araw itong mag ayang kumain sa labas.


He's rich for pete's sake-na halos lahat nalang ay binibili. He can get whatever he want.


"Really Mr. Jacob Everest? Eh halos araw araw nalang ah. Gagawin mo ba kong baboy ha? How about my work then? No, I refused." Sabi ko sa kanya at tinalikuran ito.


I heard him laugh at me. "Hey, di ka naman tumataba kahit anong kain mo ah. Let's go! My treat." Aniya.


Napatingin tuloy ako sa paligid ko at may mga iilang empleyadong nakatingin sa amin.


"No! Ayoko! May trabaho pa ko. I'm sorry." Then I walk away. I hear him murmured.


Natatawa nalang ako at napailing habang papasok sa elevator.


Sometimes, this is my routine. Hindi ko alam kung nang iinis ba ito sa akin at bigla nalang akong pinapatawag sa opisina nito. Kung ano ano na ang tumatakbo sa isip ko kung bakit.


Kung may nagawa ba akong palpak o kaya naman mali kaya pinapatawag ako.


Ayun pala ay mag aaya lang na kumain sa labas. Like really? Wala ba itong magawa sa buhay palibhasa mayaman.


Naabutan ko pang nakikipagchikahan si Angel sa mga staff ng makarating ako. Kaagad naman itong tumigil ng makita ito.


"Ang bilis mo ata." Wika niya.


Naupo naman ako sa high chair upang magpaayos sa kanya.


"Walang kwenta! Nakakainis ang Jacob Everest na 'yon porket boss ko siya." Napairap nalang ako.


"So galit ka na nyan? Ano bang nangyari ha? Inaya ka na naman bang kumain?" Ngingiti nitong sabi kaya inirapan ko nalang.


"Ano pa nga ba. Walang magawa ang lalaking 'yon." Asar na sabi ko na mas lalong ikinatawa niya.


"My god, Jiana. Mabuti nga inaaya ka nung tao eh. Ano bang masama don ha? Kakain na nga lang kayo ayaw ko pa." Giit naman niya.


"So kinakampihan mo siya? Palibhasa type mo." Inirapan ko rin ito.


"Bakit ba inis na inis ka dyan? Tsaka hindi ko siya kinakampihan. Sabihin mo lang na ayaw mong ma-fall sa kanya." Sabi pa niya kaya mas lalo ko itong tinaliman ng tingin.


"Wala akong gusto sa kanya at hindi ako magkakagusto 'don. I already have Alexus." Pati ba naman ito. "Ayusan mo nalang ako.." Sabi ko nalang tsaka pumikit.


Ilang minuto pa at nagsidatingan na ang mga ibang staff doon. Hindi na rin nagtagal pa at nagsimula na kami upang matapos kaagad.


Habang tumatagal ay mas lalo kong nararanasan kung gaano kahirap at kagulo ang trabaho ko. Dapat mabilisan ang galaw lalo na sa tuwing magpapalit ng damit dahil tatlo lang kaming nagsasalitan.


MODEL SERIES 2: Jiana Cassandra Avila - RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon