Chapter 17

3.2K 57 1
                                    

“Daddy awe u hult? Ur cla..ying”

“Sorry, son. I'm just happy, you know.”

Nagising ako sa ingay na aking narinig. Tila nasilaw pa ako sa ilaw nang magmulat ako ng mata.

Inilibot ko ang paningin ko at hihingi sana ng tubig ngunit natahimik ako sandali nang makita kung sino ang mga taong nasa paligid ko.

Agad akong hindi nakakibo at tumingin sa ibang direksyon.

Inalala ko naman ang nangyari sa akin kaninang umaga at maya maya pa ay may kung anong kumurot sa puso ko.

Napalunok ako at kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang dalawang bulto ng taong hindi ko nais makita.

“Lo—ve? Oh god, you're finally awake!” Samuelle suddenly hugged me. “A—are you al—right? What do you wa—nt? Tell me?” He asked as he cupped my faced. 

Tinabingi ko nalang ang aking mukha.

“Leave!” Mariing utos ko sa kanya na kaagad ikinabago ng kanyang reaksyon.

“Mama...” Napayakap sa akin bigla si Alexus. “Don't lib me mama.” He cried. “Baby, chad...”

“Don't leave Mama too.” I whispered to him.

I prefer talking with my son. Mas komportable pa ako dito kesa sa kanila.

Napatango na lamang ito. Kaagad kong pinahid ang luha sa aking pisngi. “I love you....” I uttered at him.

Walang ni isa man ang nagsalita sa kanila at nanatiling tikom ang mga bibig. Gusto kong pagalitan ang sarili ko, sana ay hindi nalang muna ako nagmulat ng mata at natulog.

Nararamdaman ko na naman ang sakit noon. Nanunumbalik na naman ako sa tuwing nakikita ko ang yung mga taong nanakit sa akin.

All I wanted is to cry out loud. I wanted to cursed at them at palayasin ang mga ito dahil pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako. Pero wala akong lakas na gawin iyon. I prefer to be quiet.

Naramdaman kong nagsilabasan ang mga taong nasa loob kahit ako'y nakapikit. Pinilit kong huwag munang imulat ang mata ko pero kalaunan ay bumukas rin ito.

“Are you mad at me? I'm sorry, please. Sasabihin naman sana sayo kaso.....” I cut him off.

“Just leave....” I told him firmly.

Pinipigilan kong huwag umiyak. Pinipigilan ko ang emosyon ko ngayon. Hinalik halikan ko nalang ang anak ko pagkatapos ay mariing pumikit.

“Jiana....” He said.

I just shook my head. Ayoko munang kausapin ito dahil masama ang loob ko sa kanya.

“I want to rest so leave.” I uttered at him.

Inilagay ko sa tabi ko si Alexus atsaka tumagilid sa kanya. Sunod sunod namang nagsituluan ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

“Mama—don't c—cly.” Aniya habang pinupunasan ang pisngi ko. Mas lalo ko pa tuloy itong niyakap.

Gusto ko ng umuwi at magkulong lamang ulit sa kwarto. Akala ko okay na ako pagkatapos ‘nung tatlong araw kong pagmumukmok. Akala ko natanggap ko na ang lahat. Akala ko hindi na muli ako nasasaktan.

Pero ‘nung makita ko ang mga taong naging dahilan kung bakit ako naranasan ‘yun ay parang bumalik na naman ako.

Paulit ulit na tila ba'y walang katapusan. Pagod na pagod na ako. Pagod na ako sa lahat.

Naramdaman ko nalang na may humalik sa noo ko dahilan para maiyak muli ako.

“Please, forgive me. I'm really sorry for not telling you. I love you, baby.” He whispered silently.

MODEL SERIES 2: Jiana Cassandra Avila - RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon