Prolouge

19 0 0
                                    


3 months ago...

WASHIGHTON DC, USA

"Being a doctor requires passion. It's not just because you wanted to be a doctor. It is because you aspire, and pursue to be one"

May tao. May taong naglalakad sa madilim na eskinita ng Washington.

"If you don't have a valid reason to be a doctor, pack your bags and go home."

Nagtatago. Nagtatago siya para hindi mahagip ng cctv camera.

"We are not going to teach you what is right from wrong. What we want to teach you is how to stop yourself from thinking that after 4 years of being a resident here, you can already do no wrong."

May hawak siyang isang bagay na nakatago sa bulsa ng suot niyang itim na jacket.

Lumiko siya sa kanan nang marating ang malaking puno. Siya ay nagmamadali. Tinahak niya ang madilim na daan papasok sa gubat, papunta sa isang luma, at maliit na bahay.

Kaagad niyang kinuha ang bagay na nakatago sa bulsa ng jacket niya habang tahimik na naglakad palapit sa taong nakatalikod sa kanya.

Sa isang iglap lang ay nabuksan na niya ang tinatagong paragon warlock, Agad niya itong itinutok sa leeg ng lalaking nakatalikod sa kanya,

"Where is it?" Malamig na tanong niya sa lalaki. Napatigil naman ang lalaki at parang nanigas bigla ang katawan niya. Hindi na siya makagalaw.

Hindi makagalaw, dahil sa sobrang takot.

"Entonces, los rumores eran vardad." Mahinang sabi ng lalaki.

"WHAT.THE.HELL.ARE.YOU.TALKING.ABOUT?" Mas diniinan pa niya ang pagtutok ng balisong dito dahil sa sobrang inis. "Give me, the GDAMN PAPER Mr. Orejon. Stop wasting my time."

"How can I get it with this situation? I suggest you put that down." At tulad nga sa sinabi ng lalaki, binaba niya ang hawak. Itinutok niya ito sa baywang ng lalaki.

Kinuha ng lalaki ang folder mula sa loob ng coat nito at binigay sa kanya. "Well, here it is." Tahimik naman niya itong kinuha at dumeretso na sa paglalakad.

"You're welcome!" Sigaw pa nito sa kanya.

Nang makaalis na siya ay agad na lumabas ang isang lalaking nagtatago sa loob ng bahay.

"You're really right. So eager to find it." Komento ng matandang lalaki na si Mr. Orejon,

"Thank you for your service." Binigyan ng lalaki ang matanda ng pera.

"The honor is mine senor, Gracias." Sabi naman ng matanda. Tinanggal pa niya ang suot na sombrero at nilagay banda sa puso sabay yuko. Nag-nod naman sa kanya ang lalaki,

At magkahiwalay na silang umalis sa lugar na iyon.

"You came in here as a doctor. And we, your seniors expect you to leave this hospital not as a criminal. Understood?"

Nakalabas na siya sa gubat. Tinanggal niya ang jacket niya at itinali ito sa kanyang baywang. Dala-dala pa rin niya ang folder na kinuha sa detective na binayaran niya. Binuksan niya ang folder para i-check ang mga files na binigay sa kanya. Sakto namang nakita niya ang litrato ng isang taong kinamumuhian niya.

"I became a doctor to seek for revenge. Ergo, I am not a doctor."

Malamig niyang sabi sabay balik ng litratong hawak niya sa folder.

ScalpelWhere stories live. Discover now