SCALPEL01 - Donor

4 0 0
                                    

PRESENT TIME

//Wang-wang-wang-wang//

Pagdating ng maingay na ambulansya, pagreklamo ng mga pasyente, tumatakbong mga nurse, nagmamadaling mga doktor, at maingay na tunog ng mga medical machineries. Iyan ang ilan lamang sa mga bagay na makikita at maririnig mo sa loob at labas ng Mere Therese Emmanuel Hospital.

"I'll call you back later. I have to hang this up." Tungon ng isang doktor sa kausap niya sa kanyang cellphone.

"DOC! DOC!!" Humahangos na tawag sa kanya ng isang nurse. "Pinapatawag po kayo sa St. Mary's Hall!" Pagpapatungkol nito sa isang maliit na meeting room kung saan pwedeng mag-usap ang guardian ng patient at ang doctor o kahit sinong staff ng hospital tungkol sa pasyente.

Hinarap naman siya ng babaeng doktor na kakababa pa lang ng kanyang telepono. "I'm kinda busy Nurse Jaz. Pupunta pa kami sa STH para sa organ."

"Iyon nga po doc, nandiyan po ang nanay ng donor. Ayaw niyang idonate ang organ ng anak niya."

"What do you mean? Kunot-noong tanong sa kanya ni Dra. Hellion.

"Bigla pong dumating ang mama ni Mr. Secat at sinabing ayaw niyang idonate ang liver ng anak niya. Forged lang daw ang pirma ni Mr. Secat at mafi-file daw siya ng case laban sa atin. Ginigiit niya pa po na sinadyang patayin ang anak niya para sa organ."

"WHAAATTT??!!! IS SHE CRAZY?!! THEN LET HER SUE US! Subukan lang niyang magpaopera dito at ako mismo ang papatay sa kanya! ARGH!! Where is Dr. Santiago."

Napakamot naman ng ulo si Jaz. "Hindi po namin siya mahanap."

"Hanapin nyo siya! Ako na ang bahala kay Mrs. Secat." Iniwan niya na si Nurse Jaz at nagsimula nang takbuhin ang corridor paputa sa Hall. Pagkabukas niya ng pinto, kaagad niyang nakita si Mrs. Secat na nagwawala.

"Sinabi ko na nga sa inyo hindi ba? Ayaw kong idonate ang atay ng anak ko! Anong tingin nyo sa kanya? MANOK?!" Pasigaw na tanong ng isang ginang.

"Mrs. Secat, your son has signed all the documents. Our patient is already waiting for the organ of the donor." Mahinahong pageexplain sa kanya ni Mr. Hidalgo na part ng administration team pero ayaw talagang magpapigil ang ginang. Sinampal niya pa ang kausap niya.

"WALA AKONG PAKIALAM SA PASYENTE MO! MABUBUHAY PA ANG ANAK KO! HINDI KO HAHAYAANG PATAYIN NYO SIYA!"

"What is happening here?" Tanong ni Dra. Hellion matapos makita ang gulo. Lumapit sa kanya ang isang nurse.

"Dra. Hellion, kanina pa po siya nagwawala. Ayaw niya kasing ipadonate ang organ ng anak niya."

"Let me." Lumapit sa pasyente si Dra. Hellion.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw ng ginang nang makalapit sa kanya si Dra. Nilabas niya ang scalpel na walang sinuman ang nakakaalam kung saan niya kinuha at itinutok iyon kay Dra. Hellion.

'Now I'm dealing with a crazy woman.' Bulong ni Dra. Hellion sa isipan.

"Mrs. Secat, your son is already classified as a brain dead patient. He won't wake up anymore. And he signed a testament telling that he wants to donate his liver once there's no chance for him to survive. Miss, your son is considered dead, we can never-"

//slappp//

"Mga sinunghaling! Sabi nila ga-g-galing siya! Sab-sab-*sobs*sabi n-nila maka*sobs*kalabas siya." Nagsimula nang umiyak ang ginang. Nagsimula na ring magdasal si Dra. Hellion na sana biglang himatayin ang baliw na nanay na nasa harapan niya. "Mga paasa kayo eh! *sobs* P-pi-pinaasa niyo a*sobs*-ako. Pare*sobs*pareho lang kayong lah-lahat!!!"

Dra. Hellion innocently looked at her.

Actually, kanina pa siya nagpipigil lang ng inis. Sa totoo lang, gusto na niyang patulugin habangbuhay ang babaeng nasa harap niya. Kung hindi lang sana bawal ang pumatay, kanina pa yan namaalam.

"Dr. Santiago!" Bati ng dalawang nurse at ni Mr. Hidalgo sa bagong pasok na doktor.

"Dr. Santiago! Good to see you here!" Ani Dra. Hellion. Nag nod naman sa kanya si Dr. Satiago.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Dr. Santiago.

"Ayaw niyang idonate ang organ ng anak niya na si Mr. Secat." Sabi ng isang nurse kay Dr. Santiago. Napatango naman si Dr. Santiago dahil kilala niya ito.

"Mr. Secat?"

"Siya ang donor ng patient mong si Mr. Christopher Salvador. Actually, papunta na sana kami sa STH" Sagot ni Dra. Hellion sa tanong ni Dr. Santiago. (STH means St. Therese Hospital)."

"Hindi ba nalista siya sa mga Urgent Receivers? He's in critical state right now."

"Nalista po doc. Ready na po sana ang lahat pero biglang dumating si Mrs. Secat." Sagot naman ng isang nurse

"I see. Let me talk to her." Sabi ni Dr. Santiago at lumapit kay Mrs. Secat. "Hi Mrs. Secat!" Dr. Satiago flashed a smile at the mother of the patient. Eto ang smile na inilalabas niya para makuha ang mga gusto niya.

At effective naman dahil napatulala ang ginang.

Napa-cringe naman si Dra. Hellion sa nakita. 'Tss. Ang tanda na lumalandi pa rin. At ito naming lalaki sa harap ko, matanda pa talaga ang nilalandi.' Bulong ni dra. Hellion sa kanyang isipan.

Umupo si Dr. Santiago sa harapan ni Mrs. Secat at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"You know, your son is a great guy. Hindi ko man siya nakilala pero I know na isa siyang mabuting tao. You raised him well ma'am. And I can prove it because he voluntarily signed all the clearances for organ donation." Dr. Santiago sincerely smiled at her. Hindi naman makapagsalita si ginang. "I heard he is a volunteer first aider and that probably means that he wants to save other people's lives. You don't want to break your son's dream right?" Tanong ulit si Dr. Satiago. That made Mrs. Secat smile. Hindi namalayan ng ginang na tumulo na pala ang luha niya. Bigla niya namang niyakap si Dr. Santiago.

"Maraming salat doc." Gumaan na ang mukha ni Mrs. Secat.

"So, does it mean na papayagan mo kami?" Puno ng pag-asa ang mukha ni Dr. Santiago. Para siyang manliligaw na naghihintay sa sagot ng nililigawan niya.

"Sige, Papayag na ako."

"Thank you Mrs. Secat! This mean so much to me and to my patient!" Sa sobrang tuwa ni Andreige ay niyakap niya si Mrs. Secat. Niyakap rin siya pabalikng ginang.

"P-pero.. Gusto kong ikaw ang gumawa. Ayoko sa iba."

'Weirdo.' Bulong ni dra. Hellion sa isip niya. Medyo napa-cringe ulit pa siya.

Dr. Santiago nodded and faced the nurses. "Kindly prepare the ambulance. Sasama ako sa pagkuha ng organ sa St. Therese Hospital." Everyone nodded. "And, kindly inform Dr. Dizon na siya muna ang bahala sa pasyente ko." He added. Umalis na sa room si Dr. Satiago para magprepare. Pero hinarangan siya ni Dra. Hellion

"How did you do that?" Takang tanong ni doktora.

Dr. Santiago smiled at his bestfriend.

"Charms baby."

And with that, he winked and left his bestfriend, dumbfounded.

ScalpelWhere stories live. Discover now