SCALPEL02 - Transplant

1 1 0
                                    

Hannah Grace

Dumeretso na kami kaagad sa STH para kunin ang organ na dinonate ni Mr. Secat. Nauna na ang nanay niya sa STH para makasama pa ang anak niya.

Pagbaba namin sa ambulansya ay dumeretso na kami sa Operating Room. Sinalubong naman kami ng mga nurse ng STH at iginiya papunta doon.

Bago pa magsimula ang operation ng pagkuha ng liver ng pasyente ay pinagdasal muna namin ito.

Really, why do people care for dead patients so much. Hindi naman sila nag-aalala kapag buhay ito ah.

"God of health and healing, we give thanks for the medical science that allows us to remove organs from one person and implant them into another, renewing life for the critically ill. Remember those who have given of themselves in death, providing vital organs to those on the edge of life. May this final act of charity and love be a testimony to their lives. Grant their families comfort, consolation and peace." Pauna ni Andreige. "Blessed are You, God of miracles, who heals, blesses and sustains life." Sagot naming mga kasama ni Andreige.

Matapos ang ilang minuto ng katahimikan, nagsalitang muli si Andreige.

"We will now turn off the life support." Pinatay na surgical technologist ng STH ang nag-iisang machine na bumubuhay sa pasyente. Napapikit naman ako ng mga mata ko. Ito ang pinaka-ayokong makita sa lahat.

Isang matinis na tunog kasabay ng pagflat ng linya ng machine ang hudyat na patay na si Mr. Secat.

Isang doctor ng STH ang nagmonitor sa pasyente. Maya-maya pa ay tiningnan niya nag relo niya.

"Time of death, 17:38."Pagpopronounce niya dito.

"Uumpisahan na natin ngayon ang operasyon sa pagtanggal ng Organ mula sa katawan ng donor. Scalpel." Inabot ko ang scalpel kay Andreige. Kinuha niya ito at mabilis na gumawa ng surgical cut sa katawan ng pasyente.

"Bovie" Tinanggal niya ang natitirang maninipis na tissue. Kailangang dahan-dahanin niya ito dahil maaaring matamaan ang liver ng donor at mapunta ang pinaghirapan namin sa wala.

"Retractor." Gamit ang retractor, ibinuka ko ang cut paerra Makita ni Andreige nang mas mabuti ang loob. Kaagad kong ibinigay sa kanya ang bovie dahil alam kong kailangan niya ito.

"Thanks man." Sabi niya sabay kindat. I rolled my eyes.

"Bilisan mo. Sapakin kita jan eh."

Tumawa lang si Andreige habang cinu-cut ang tissues. Maya-maya pa ay ibinalik niya sa akin ang bovie. Ibinigay ko ito sa nurse sa tabi ko at tinulungan si Andreige na ilabas ang liver. Hinawakan ko ang ibang organs para mas makita ito ng maayos ni Andreige.

Kinuha niya ulit ang bovie at nagpatuloy sa ginagawa niya. "Dissecting forceps please." Sabi niya sa isang nurse.

"Suction."

"Right angle."

"Kelley."

"Right Angle" inipit niya ang Blood Vessel na nagbibigay ng dugo sa liver.

Maya-maya pa ay sinecure na ni Andreige ang vessel.

"Metzenbaum" Ginupit na ni Andreige ang vessel. Kinuha niya ang organ at nilagay sa surgical tray.

Kinuha naman iyon ng mga doctor ng STH at inayos ito bago ilagay sa ice box.

"Hold" Hinawakan ng isang nurse ang right angle at sinecure niya ang pagkakatali niya sa Vessel.

ScalpelWhere stories live. Discover now