Chapter 1- Bad Mornings

2.9K 81 64
                                    

CARLA'S POV

"Ma, nasaan na iyong baon ko?" tanong ko sa mama ko habang mabilisang sinusuklay ang buhok ko dahil late na ako sa school. Muntik ko na siyang hindi makita kasi sa height niyang 4'9" ay halos halikan na niya ang sahig sa pagyuko habang nagwawalis sa sala. Idagdag mo pa ang pagkuba ng medyo makuba na niyang likod at ang pag baluktot ng kanyang mga tuhod.

Nabulabog ata ito sa boses ko at biglang napatuwid ng tayo sabay sapo ng likod at tuhod nito. Nag-hello na naman ata ang Arhritis niya.

"Kirara naman eh. Pwede bang hinaan mo ang boses mo? Tulog pa iyong mga kapitbahay," mahinahong sabi nito.

Napatiim-bagang ako sa tawag niya sa akin. Kung pwede lang sanang baguhin ang pangalan ko sa birth certificate ko ay matagal ko nang ginawa, kahit pa na hindi ako pababaunan ni mama ng isang buwan katumbas ng bayad sa pagproseso dito. 'Di bale, ibebenta ko nalang ang sexy kong katawan para magkabaon din ako. Charot lang.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko bago siya tinanong ulit sa mas mahinang boses. "Ma, nasaan na iyong baon ko?"

"Hindi ba ang sabi ko sa iyo kanina ay naroon sa ibabaw ng ref?"

"Kailan mo naman sinabi? Ano ba 'yan, late na ako eh." pagrereklamo ko.

"Kasinglaki ba ng Malacañang ang bahay natin at parang kay layo ng mga hakbang papunta sa kusina?" taas-buradong kilay na sabi nito.

Pinigilan kong sagutin siya dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Wala eh, mahal ko 'tong duwendeng ito kahit na nakakainis ito minsan. Katulad nalang kanina. Ni hindi man lang ako ginising. Papaano kasi ay nabusy sa kaka video call sa paborito niyang anak na nakasakay sa barko ngayon at kinalimutan na naman ako.

"Sinabi ko kanina habang naliligo ka," pahabol pa na sabi nito sabay balik sa pagwawalis. Dali-dali akong naglakad papunta sa kusina at lalo pang nainis dahil hindi ko kaagad mahanap ang pera sa ibabaw ng ref. Nagpapanic na ako. Ayoko kasi talagang nali-late. Palagi akong maaga sa school dahil I need time to make sagap chismis and obcorz, gusto kong maabutan ang grand entrance ng mga sikat na pogi sa hallway tuwing umaga na usually ay nasa slow-mo at may premyo pang makalaglag panty na kindat. Nabubuo agad ang araw ko sa tuwing maaabutan ko ang mga ganung eksena dahil parang nasa pelikula o Wattpad lang ako.

"Ma! Wala naman dito eh! Ano ba yan--" Napamulagat ako nang makita kong biglang lumitaw si Monique mula sa likod ng ref at kagat-kagat nito ang 100-peso bill. Pusa ito ng aming kapitbahay na multi-colored ang balahibo at palagi itong nag-oovernight sa amin nitong mga nakaraang buwan.

"Walang hiya kang pusa ka!" nanggigil na sabi ko. Napagkamalan niya atang isda ang bill dahil sa picture ng balyena sa likod nito.

Pilit kong kinukuha mula sa bibig nito ang pera hanggang sa napunit ito. Tinapunan nito ako ng masamang tingin nang sumalampak ako sa sahig sa kakaagaw ng pera mula dito. Nilabasan pa ako ng pangil ng gaga bago ito tumakbo at lumusot sa ilalim ng lababo.

"Ma! Inano ni Monique ang pera oh!" mangiyak-ngiyak na sabi ko habang tinitingnan ang lustay-lustay na bill.

"Hindi na iyan kasalanan ng pusa. Hayop iyon at walang utak kaya ikaw dapat ang mag-adjust." pasigaw na sabi ni mama mula sa sala.

"Baka pwedeng palitan mo nalang, Ma! Baka hindi ito matanggap sa school o sa jeep." hirit ko.

"Malamang. Hindi mo ba nababasa ang mga nakasulat sa likod ng upuan ng mga drayber?"

"Mama naman eh, ayokong mag syota ng jeepney driver! Ang tatanda na halos lahat ng mga iyon at ako'y babygirl pa lamang!" defensive na sabi ko.

"Ano ba'ng pinagsasabi mong bata ka?" tuluyan na itong napatigil sa ginagawa at nagpameywang sa harap ko.

"Basta drayber, sweet lover ang mga nakasulat eh." pagkaklaro ko sa kanya.

"Hindi iyan ang tinutukoy ko! Naku, baka bigla akong makunan kahit hindi ako buntis sa kakunsimisyon ko sa iyo."

At nangarap pang mabuntis eh lima na ang anak at senior citizen na siya next year. In short, gurang na. Kulubot na. Wasak na.

Alam ko naman na ang "Barya lang po sa umaga" ang tinutukoy nitong quote pero minsan kasi hindi ko mapigilan ang mga lumalabas na mga nonsense sa bibig ko.

"Bigyan mo nalang kasi ako ng barya at saka panibagong pera para friends na tayo. Sige na ma, bilis. Late na kasi ako." pamimilit ko sa kanya sabay pout.

"Iscotch-tape mo nalang. Wala na tayong pera eh." sagot nito na nakapanglumo sa akin.

Alam kong may pera ito. Kakapadala lang ni ate ng 2k kahapon eh. Bakit pagdating sa akin ay ang kuripot nito? May babayaran pa naman kami sa group project namin mamaya.

"Ang arte kasi. Akala mo doon na titira sa banyo kung maligo." pabulong na sabi ng isa ko pang kuya na si Caloy na kasalukuyang umiinom ng kape barako sa mesa at nakabalandra ang hubad na pang itaas na katawan na puno ng tattoos. May mga bungo na naninigarilyo, may mga bulaklak na may ahas at saka mga ibon na parang tumatae. Puro walang connect, basta may itattoo lang siguro na mukhang cool. Iyan tayo eh, gangster kunyari eh.

Makapagsalita ito laban sa akin ay akala mo ang perpekto, eh siya naman 'tong black ship sa pamilya namin. Wala na ngang trabaho, palamunin, tamad, at ginawa pang hobby ang pagbabash sa akin. Hanep si boy astig.

Hindi ko nalang ito pinansin. Baka masayang pa kasi ang oras ko. Padabog na bumalik nalang ako sa kwarto ko saka kinuha ang bag ko at umalis na ng bahay na mabigat ang dibdib. Uutang nalang ako mamaya kay Reese ng panglunch, as usual.

Late na nga, feeling unloved pa. Palagi naman eh. Kailan ko pa kaya mararamdaman na importante din ako sa kanila?

Habang lulan ng jeep ay kinuha ko ang aking Samung J5 na cellphone at nag-compose ng tweet sa Twitter.

"what is Bad in ThE mOrnings? Late cOmer. LifE Suck. #life #suck #bad #morning #late #comer"

Ipopost ko na sana ito pero ang tagal mag-load. In-off at on ko ulit ang mobile data ko at pagkatapos ng isang taon at limang buwan ay napost na rin ito sa wakas.

Tiningnan ko ang relo ko. May sampung minuto pa bago magsimula ang unang klase ko pero panigurado ay late talaga ako kasi mahaba pa ang biyahe. Kahit ganito ako ay hindi ko pinapabayaan ang aking pag-aaral.

Magfi-Facebook pa sana ako para magstalk sa mga pogi kong crush nang mapukaw ng dalawang kerengkeng na mga babaeng estudyante sa tabi ko ang atensyon ko. Base sa ID nila ay schoolmates kami. Kanina pa hagikhik ng hagikhik ang mga ito na animo'y kinikiliti ni Justin Bieber. Mga bru, sorry nalang kayo kasi nakuha na siya ni Haylee Boldwin ba iyon? Hindi ako sure sa apelyido. Sayang ang mobile data ko pag i-Google ko pa ang spelling basta 'yun na 'yun.

Tiningnan ko ang direksyon kung saan sila nakatingin at napamulagat nang makita ang isang lalaki na hindi ko inaasahan na makikita dito sa loob ng masikip na jeep.

••••••To Be Continued••••••

A/N:

Thanks for reading!
VOMMENTS (Votes+Comments) are greatly appreciated! ♥️

The Jerk's Crush (Filipino) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now