Chapter 2- Inggiterang Frog

1.8K 74 18
                                    

CARLA'S POV

Teka, si Marcus Salazar ba talaga itong nakikita ko? Hindi ba may sasakyan siya? Anong ginagawa niya dito sa loob ng jeep?

Edi sumasakay!

Nakaupo ito sa likod ng driver at ako naman ay nasa kabilang side sa mismong entrance. As usual, may nakasaksak na earphones sa tainga nito. Ano kaya ang mga music na pinapakinggan niya? Nakayuko lang ito at nakapikit ang mga mata na tila inaantok pa. Hindi ko alam kung ano'ng oras ang klase niya sa unang period niya pero magkaklase kami sa Speech Communications bago maglunchtime.

Patago ko siyang kinuhanan ng picture sa malayuan at dali-daling nag-tweet sabay upload ng nakuha ko.

"LookS whose in dA hAUz mGa Beshh! Its mArcUS sALAZAR! OMG! #pogi #Marcus #Salazar #model #jeep #goodmorning #brekfast"

Hindi pa ako nakakurap ay may eighteen favorites na kaagad ang tweet ko at sampung replies na nagtatanong kung ano'ng ginagawa niya sa jeep. Hindi ko rin alam eh. Baka sira ang sasakyan niya na Bobo yata ang model, hindi ako sure, or Vovo, basta sounding like that.

"Like OMG girl! Feeling ko nabuntis na ako ngayon. Take note ha, virgin pa ako!" Hagikgik pa ng babaeng mukhang patay ang lahat ng buhok.

"Hindi ako naka breakfast kanina dahil late na ako pero ngayon feeling ko ay nabusog ako bigla. Sana ay ganito araw-araw sa jeep." sabi ng isa naman na parang sinampal ni Ironman sa kapal ng blush-on nito.

Dinig na dinig ko ang pag-uusap ng mga kerengkeng sa tabi ko. Aside sa facts na katabi ko sila ay parang may mga megaphone pa sa harap ng mga bunganga nila sa lakas ng mga boses nila na pati si lola sa harap ay nakabusangot na. Partida mahina na ang pandinig nito, pero naiingayan pa rin.

Kanina pa hindi mapakali ang mga ito na animo'y mga asong ihing-ihi na. Napatitig na rin ako kay Marcus para maiwaksi sa isip ko ang pagkabahala ko sa oras.

Gwapo nga talaga ito. Maputi. Matangos ang ilong at makinis na parang walang pores ang balat. Ang mga mata ay mukhang palaging inaantok at wala sa mood. Medyo mahaba din ang itim na buhok at may side bangs na tinatakpan ang itaas na bahagi ng kaliwang mata nito. Mukha din siyang mabango from head to toes.

Pero ewan ko ba kung bakit hindi ko ito crush. Wala akong stalking notes para sa kanya hindi tulad nung sa mga kaibigan niya na may listahan talaga ako ng mga schedules at iba pang mga importanteng mga impormasyon lalo na sa dating life nila.

Oo na, ako na ang stalker at chismosa, pero at least ay cute naman ako.

Siguro ay hindi ko siya type dahil mukhang suplado kasi at hindi approachable. Parang mainitin palagi ang ulo hindi tulad ng dalawa niyang kaibigan na sina Jace Synder at Zeus Alvarez, ang mga ultimate crushes ko sa school.

Naalala ko bigla ang nangyari sa canteen last year, nung third year college kami. Hindi sinasadyang nabangga siya ng isang babae na may dala-dalang tray. Natapunan ang damit niya ng pagkain at saka ketchup. Sa gulat ng lahat ay sinigawan niya ito at minura in English. Conyo kasi ito, at more on English magsalita kasi balita ko ay Briton ang tatay. Isa rin iyang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya kasi panigurado ay mauubos ang stock ng mga tissues sa lahat ng mga SM sa manila dahil sa pag nose blood ko sa mga English niya.

Balita ko ay may pagka-OC din ito. Ayaw na nadudumihan. Makikita mo naman sa damit nito na parang sampung beses plinantsa ng katulong nila sa sobrang neat tingnan.

Ano'ng klaseng boyfriend kaya siya? Mahirap mag-imagine na sweet ito sa babae, although na ilang beses ko na rin itong nakita na may kasamang babae.

Sa totoo lang, hindi ko tipo ang mga iyan. Gusto ko iyong mga rugged at charming katulad ni Jace Snyder. Oh di kaya ni Zeus na tahimik at mabait sa girls.

The Jerk's Crush (Filipino) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon