Wattpad Original
There are 4 more free parts

Kabanata 1

719K 11.7K 9.8K
                                    

Five years ago...

"Wala kang silbi!" Nag-landing ang masakit na palad ng kanyang ama na si Artemio sa kanyang pisngi.

"Aray naman! Ikaw talagang matanda ka! Lalasing lasing ka pero hindi mo kaya!" Itinulak ni Tori pabagsak ng sofa ang kanyang tatay na wala pang isang segundo ay tulog na dahil sa sobrang kalasingan. Pulang-pula ito sa kabila ng maitim na kutis dahil sa maghapong pagbibilad sa araw doon sa sakahan. Nangingiti niyang inangat ang kanyang palad at sinampal din si Temyong nang malakas. Napaigik ito pero kinamot lang ang pisnging sinampal niya.

"Kapag ako talaga nakarating ng Japan, who you ka sa 'kin, Tay! Hindi kita padadalhan ng noodles! 'Kala mo ha!" Umirap siya sa hangin at nagmartsa patungo sa kusina. Kumuha siya ng maliit na palanggana at nilagyan iyon ng mainit na tubig, hinaluan ng tap water. Mula sa plastic drawer nila ay kumuha siya ng malinis na bimpo at binasa iyon sa palanggana. Binalikan niya si Temyong sa sofa at pinahiran ng bimpo ang mukha. Hindi pa siya tapos sa sermon dito.

"Tapos ano? Pagkagising mo hahanapan mo na naman akong pera? Eh pinang-inom mo na nga. Tapos ako na naman ang walang silbi? Kung pinag-aral mo kaya ako, Tay? Eh di sana, mayaman na tayo? Kung nagkataon, mabibilhan na kita ng isang drum na alak para malunod ka na. Wala ka talagang silbi, ha!" Dinuro-duro niya ang tatay niya sa pisngi. Ngayon lang siya nakakaganti kapag tulog ito.

"Criselda!" Humagulgol ang tatay niya mula sa pagkakapikit. Napakunot ang noo niya sa gulat, bahagyang napalayo. Napabuntonghininga siya at marahang pinunasan ang mukha ng ama niya nang hindi na ito muling magsalita. Kahit ano ang sama ng loob niya rito, hindi niya naman ito matiis.

"Sorry na kasi, Tay. Sana nung pinapili ka ng doktor, sana hindi na ako ang pinili mo. Sana si Nanay na lang. Ikaw rin kasi. Papahirapan mo lang pala ako nang ganito, sana pinisil mo na lang ang ilong ko nung baby pa ako para naiwan ka na lang mag-isa. 'Yon naman ang gusto mo, 'di ba?"

Lumabi siya at maingat na pinunasan ang mukha ni Temyong. "Sana lagi ka na lang tulog para hindi tayo nag-aaway at makaganti man lang ako sa 'yo." Sinapok niya ulit ito at napahagikgik siya.

"Tori! Tori!" Ang eskandalosong katok ng kaibigan niyang si Ginger ang pumigil sa pag-e-emote niya. Iniwan niya ang mainit na bimpo sa noo ng tatay niya at sinalubong ang bading na kaibigan na naka-maong shorts at spaghetti strap na pula.

"Ay Vaklaaaaa! Bumalik na rito si Madam Gracia! Sinabi kong tutuloy ka na sa Japan! Tuwang-tuwa! Sa Miyerkules daw, darating dito ang van mula Cabanatuan, susunduin na kayo."

"Talaga ba, baks?" Nabuhayan siya. Matagal na niyang pinapangarap ang makapag-abroad. Sabi nila, maganda raw sa Japan, malayong mayo sa buhay nila sa maliit na bayan ng Jaen, Nueva Ecija. Alam ni Tori na hindi pamprobinsya ang beauty niya. She's meant to be a star like a shooting star!

"Kaya lang, magte-training pa raw ng ilang buwan sa Maynila." Biglang napawi ang ngiti ng kaibigan at napalitan ang tuwa niya ng alalahanin.

"Naku, paano 'yon? Wala naman akong kakilala sa Maynila."

"Madali nang humanap diyan. 'Di bale, uutusan ko si Pipay na ihanap ka roon sa malapit sa kanya para mayroon ding titingin sa 'yo."

"Salamat, baks ha. Hindi ka kaya pupuwedeng sumama?"

"Gagi! Hindi pa ako nakakapagpaputol. Saka na kapag may kepyas na rin ako para mag-enjoy ang mga Hapon!"

"Sabagay. Basta baks ha, kapag nandoon na ako, tingnan tingnan mo rin 'tong si Tanda. Dalhan mo na ng lutong ulam dahil hindi 'yan kakain kapag magluluto pa. Mine-maintain niya 'yang bilbil niya kaya i-support mo. At lagi mong papaalahanan si Aling Bebang na hanggang dalawang bote lang ng gin ang ibibigay niya tuwing nagpupunta ro'n ang Tatay. Huwag nang sosobra kundi, hindi ko siya babayaran."

Temptation Island 4: Rekindled Fire (PUBLISHED under RED ROOM)Where stories live. Discover now