Wattpad Original
There are 2 more free parts

Kabanata 3

409K 9.3K 2.4K
                                    

'Cut! Good take!'

Sigaw ni Direk Bobet nang matapos na ang Act 1. Nakangiting pinagmasdan ni Claude ang kasabayan niyang young actor na bida sa pelikula. Isa sa kaibigan nito ang role niya. Mayroon siyang apat na linya sa buong pelikula. Balang-araw, magiging kagaya rin siya nito. Mailalagay rin ang pangalan niya sa mundo ng industriya.

"Claude, kakausapin ka raw ni Direk Bobet." Agad siyang inabutan ni Mama Rosa ng tubig. Si Mama Rosa, isang matabang ginang na nasa forties na ang edad ang talent manager niya. May mga sikat din itong hawak na artista pero hindi pa nakakabingwit ng malalaking project. "Ayusin mo ang mga sagot mo," Istriktang sambit nito sa kanya, nagsalubong ang manipis na kilay at umarko ang manipis ngunit pulang-pulang labi. Tumango siya at ngumiti.

Pinuntahan niya sa monitor area ang direktor na pinapanood ang huling eksena na kinunan nila. Seryoso itong nagsusulat sa script ng notes nito. Nag-angat ito ng tingin nang maramdaman ang presensya niya.

"Claude, ang galing mo kanina." Nakipagkamay sa kanya ang lalaking direktor na inalis ang suot na salamin.

"Salamat, Direk."

"Gusto pa kitang makatrabaho. Napakabait mo at walang reklamo. Dapat dumarami ang kagaya mo. Ang mga kabataan ngayon ay puro sakit ng ulo, natatangi ka. Ano sa tingin mo kung i-cast kita sa teleserye ko?"

"A-ako? T-totoo?"

Natuwa siya. Ngayon lang siya magkakaroon ng regular project kung sakali. Magkakaroon na siya ng pambayad kay Tori. Mababawasan na ang utang niya rito. Hindi pa naman siya nagsasawa rito kahit puyatan.

"Oo! You deserve to be a star, Claude. Ano, pumapayag ka ba?"

"Wala pong problema, Direk!"

"Hindi 'yon. Hindi lang 'yon ang ibig kong sabihin. Ikaw ang magiging second lead ko. Karibal ni Franz. Mahaba ang magiging role mo at mahalaga. Kaya mo ba?"

Hindi na napawi ang kanyang ngiti. Ito na ang oportunidad na hinihintay niya! Dumaan sa isip niya si Tori, mas lalo siyang napangiti, matutuwa iyon sa kikitain niya.

"Kakayanin po, Direk!"

Muling nakipagkamay sa kanya ang director. "Sige, ipapagawa ko na ang commitment letter. Si Noemi na lang ang magdi-discuss sa iyo ng schedules. Congratulations!"

Masayang-masaya si Claude. Unti-unti ay naaabot na niya ang kanyang pangarap.

¸¸.•*¨*•¸¸.•*¨*•

Hindi alam ni Tori kung ano ba ang tawag sa namamagitan sa kanila ni Claude. Kasama niya ito sa club tuwing pumapasok siya at ito na rin ang customer niya sa magdamag. Bukod sa ngayong araw. Dinedma ang beauty niya.

"O? Nasaan si loverboy? Hindi ka ba inihatid?" tanong sa kanya ni Lhen. Si Rebecca ay nakalipad na raw patungong Japan kaya silang dalawa na lang ang laging magkasama. Hindi na rin ito nagparamdam sa kanila.

"May shoot kasi 'yon kaninang umaga. Sabi niya makakauwi siya bago lumubog ang araw pero na-extend siguro."

"Naku, paano 'yan? Eh di te-table ka na sa iba?"

"Siyempre, hindi naman pupuwedeng tumanggi."

"Tori, table 10." Bumukas ang pinto at iniluwa n'on si Dyra.

Agad siyang tumayo. Umaasa siyang si Claude ang customer niya ngayong gabi pero mali siya. Tatlong lalaki na nasa forties na ang edad ng mga iyon. Nakaupo na rin sina Gigi at Roxanne sa kandungan ng mga lalaki.

Temptation Island 4: Rekindled Fire (PUBLISHED under RED ROOM)Where stories live. Discover now