Wattpad Original
There are 3 more free parts

Kabanata 2

471K 10.4K 4.8K
                                    


"Sipag natin ngayon, ah. Wala kang shoot?" Inabot ni Buboy kay Claude ang bayad nito sa pagiging spotter niya sa pagwe-weightlift nito sa gym sa Tondo.

"Wala. Sa Sabado pa. Ekstra ulit."

Tinapik siya ng kaibigan sa balikat. "Huwag kang mainip, darating din 'yan. Bente anyos ka pa lang, bata." Kakatapos lang din niyang mag-barker doon sa terminal ng jeep no'ng umaga. Uuwi siya para maligo at babalik siya sa club na malapit lang sa bahay nila.

Hindi niya makalimutan ang mukha ng babaeng iyon. Maganda, morena, nakakaakit ang ngiti at ang magandang mata. Pilipinang Pilipina ang ganda nito. Nang nalaman niyang siya ang unang karanasan nito, hindi rin siya nag-atubili na ituloy. Init na init siya sa babae kagabi. Hindi niya tiyak kung dala ba iyon ng alak o talagang nakakaakit ito.

"O, Claude. Kumusta kagabi? Nag-enjoy ka ba?"

May pilyong ngiti ang mga kaibigan niyang sina Anthony at Jose nang umupo sa bench press na halatang napagod sa pagbubuhat. Ito ang nagbigay sa kanya ng pera para makapasok sa club kagabi. Sinabi kasi niya sa mga ito na hindi pa talaga siya nakakaranas na makapasok sa nightclub kahit na napapalibutan sila ng bahay aliwan sa Maynila.

"Nalasing ako, p're."

"Nalasing?" Kumindat-kindat ang mga ito.

Napailing siya nang natatawa. "At nakahalik na ako!"

Oo, unang beses niya rin ang pakikipagtalik kagabi. Nakakapanood siya ng porn simula magbinata siya pero kagabi lang siya nagkaroon ng karanasan. Hindi niya rin tuloy alam ang gagawin niya kapag aktwal na. May ideya siya pero hindi siya eksperto. Nagpatangay na lang siya sa agos. Hindi niya alam na gano'n pala kasarap iyon.

"Halik lang?" Nagtulakan ang mga kaibigan niya. Napakamot siya ng ulo.

"Ton, puwede pautang?" sabi niya imbes na sagutin ang tanong. Si Anthony ang pinakamayaman niyang kaibigan. May malaking karinderya ang nanay nito kaya marami itong kupit.

"Bakit?"

"Kasi kumuha ako ng babae kagabi. Akala ko libre. Sabi ko sa kanya babayaran ko siya ngayon kaya lang kulang pa rin ang pera ko."

"Tangina naman, pare. Eh yung binigay namin sa 'yo kahapon?"

"Naubos namin sa alak, saka kinakabahan ako kagabi. Unang beses ko 'yon na makipag-usap nang masinsinan sa isang babae." Likas siyangtorpe kahit maloloko ang mga kaibigan niya. Mataas kasi ang pangarap niya para sa buhay nilang mag-ina. Alam niya ang mga dapat niyang unahin. 'Yon ay ang kanyang career kaya hangga't maaari, iiwas siya sa babae. Pero dahil na rin sa susog ng kaibigan niya, pumunta siya sa club para maka-table ng babae. Wala naman daw obligasyon 'yon, bibigyan mo lang ng alak at kakausapin ka na.

"Bakit mo naman naisip na libre kapag gumamit ka ng babae?"

"Akala ko kasi bonus na."

"Sanay na sanay ka talaga sa free stuff. O sige, sige. Magkano pa ba ang kulang ng pera mo?"

"Tatlong daan na lang. Babayaran ko 'to sa Sabado."

"Sige, pagkabayad mo sa babae, umuwi ka agad ha. Baka malubog ka sa utang doon sa club." Nagngising aso si Jose.

Umuwi siya sa bahay para maligo. Nakaramdam siya ng pagkasabik na makikita niya ulit ang babae kagabi. Pakanta-kanta pa niyang pinagmasdan ang kanyang ina na abala sa pananahi ng basahan gamit ang sewing machine. Ang nanay na lang niya ang nakakasama niya. Ang tatay niya ay hindi na niya nakilala pa. Sabi ng nanay niya, Lebanese raw iyon at doon niya nakuha ang kanyang itsura.

Temptation Island 4: Rekindled Fire (PUBLISHED under RED ROOM)Where stories live. Discover now