Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

SYNOPSIS

910K 8.9K 476
                                    

Sawa na sa mapang-abusong ama, gusto na lang ni Tori na magpakalayo-layo. Hindi niya kailangang pagtiyagaan ang tatay niya na ayaw naman sa kanya. Kaya naman nang lumapit sa kanya ang pagkakataon na maging entertainer sa Japan, agad siyang nag-alsabalutan at kinuha ang pagkakataon para makapag-training sa Maynila, doon sa club na pagmamay-ari din ng recruiter niya. Nangako siyang hanggang sa pagte-table lang siya ng customer.

Doon niya nakilala si Claude. He's an epitome of sin. Guwapo, malaki ang pangangatawan at higit sa lahat, artista. Hindi niya napigilang ibigay rito ang sarili. Kaya lang ay wala pala itong pambayad! Hindi pala ito sikat na artista gaya ng inaasahan niya. Struggling actor ito at walang laman ang bulsa. Gayunpaman, may mabuti itong puso. Nakapagpalagayan sila ng loob at ito na lang ang naging customer niya sa mga lumipas na araw.

One night when they were both drunk, spur of the moment ang desisyon nilang magpakasal. Pinanindigan nila iyon hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob ni Tori kay Claude. Dumating ang panahon na sinikatan na ng araw ang career ni Claude, doon naman unti-unting minalas si Tori at kailangan niyang mamili. Ang sarili ba niya o si Claude?

Magkakahiwalay sila ng landas, at bitbit ni Tori ang isang sikreto.

Their love story was not the type that was written on books. Lumilipas lang ito bilang isang karanasan. But just like any other story, mayroong plot twist. Limang taon ang nakalipas, kailangan niya ang pirma ni Claude para matupad na ang pangarap niya na pangingibang bansa pagkatapos ng naunsiyaming limang taon. Ngunit hindi niya madaling makukuha ang annulment na hinihingi niya kay Claude; pahihirapan siya nito. Indeed, nababago ng pera ang tao. Hindi na ito ang Claude na nakilala niya noon.

Temptation Island 4: Rekindled Fire (PUBLISHED under RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon