Wattpad Original
This is the last free part

Kabanata 5

411K 9.4K 2.9K
                                    

"Nay, galit ka?" Isang oras na nilang sinabi kay Aling Nida na ikinasal nga sila at nanatili itongwalang imik. Bubukas ang labi pero hindi nito itutuloy ang salita. Nang magising sila ni Claude ay saka lang luminaw sa kanilang isip ang nagawa nilang dalawa. Tinamaan talaga sila ng lintik.

Seryoso nitong tiningnan si Claude. "Claude, mangako kang bubuhayin mo si Tori. Hindi mo siya pababayaan. Alam mo ang naging hirap ko na itaguyod kang mag-isa, ikaw ang mas higit na nakakaunawa sa ganyan. At ikaw naman, Tori. Uunawain mo ito si Claude. Parehas pa kayong bata pero naniniwala akong kaya niyo 'yang panindigan."

"Opo, Nay," sabay nilang sagot habang nakayuko.

Nang iwan sila ni Aling Nida ay nagkatinginan sila. "Sorry," sabay nilang sabi sa isa't isa.

"Alam kong hindi ka pa handa," sabay muli nilang sabi. Mahigpit na hawak sa kamay ang tugon ni Claude sa kanya.

"Magtatrabaho akong mabuti para sa ating dalawa. Huwag kang matakot, Tori."

"Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko kung hindi para sa 'yo. Walang dapat makaalam nito, naiintindihan mo?"

Tumango si Claude at dahil doon, napanatag siya.

¸¸.•*¨*•¸¸.•*¨*•

"Tori! Table 3!" Agad siyang napaigtad mula sa pagbagsak ng mata dahil sa antok kahit pa nakatayo na siya. Tatlong linggo na siyang nagtatrabaho sa karendirya nina Tonton, ang kaibigan ni Claude. Si Aling Nida ang tumulong sa kanya para makapasok doon. Hindi nga lang ito alam ng binata dahil tiyak na kokontrahin na naman siya. Mabuti at halos araw-araw itong nasa shoot kaya hindi naman nito alam ang ginagawa niya tuwing umaga.

Binitbit niya ang tray na may lamang dalawang kanin, afritada, inihaw na tilapia, at pinakbet. Nakayuko niyang pinagmamasdan ang pagkain doon at natakam siya. Hindi pa siya nakakapananghali dahil pananghalian kung dagsain ng tao ang karinderya.

Agad na may humawak sa kamay niya nang ibaba niya ang tray, kaya naman binawi niya iyon. Nakita niya si Claude, salubong ang kilay.

"C-Claude."

Huli!

"Hindi ba sinabi kong hindi mo na kailangan magtrabaho?"

"P-pero Claude—"

"Umupo ka na, kakain tayo. Kanina ka pa nakatayo."

"Magagalit—"

"Sinabi kong hindi ka na magtatrabaho rito."

"Claude naman..."

"Umupo ka, Tori. Asawa mo ako."

Aba! Mukhang naghahanap ng away si Claude. Ngayong gutom siya ay hindi niya ito papalagpasin. Padabog siyang umupo. "Oo, asawa kita. Asawa lang kita. Kailan mo pa naging pag-aari ang utak ko?" angil niya nang pabulong. "Sa tingin mo ba, gusto ko rito? Hindi, Claude. Gusto ko sa Japan. Gusto ko ng snow! Gusto ko ng kalsadang puwede kong higaan at magpagulong-gulong."

Agad namang natigilan si Claude at nagsalubong ang mga kilay, sinasabayan ang inis niya. "Kapag natapos ang shoot ko, pupunta tayong Japan. Papagulungin kita ro'n kung gusto mo."

Sumasagot pa! Mas kumulo ang kanyang dugo nang matitigan ang guwapong mukha ng asawa. Mukha itong bata, parehas pa silang bata at walang muwang sa mundo pero heto't nagtatalo sila tungkol sa mga desisyon nila sa buhay. Sex lang ata ang alam nilang gawin na pang-matanda.

icon lock

Show your support for Maki De Luna, and continue reading this story

by Maki De Luna
@makiwander
Hoping to work in Japan as a cultural dancer, Maria Victoria Ferrer g...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 25 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @makiwander.
Temptation Island 4: Rekindled Fire (PUBLISHED under RED ROOM)Where stories live. Discover now