⚜️CHAPTER 2⚜️

1.5K 35 1
                                    

Zechariah's POV

"D-dad..." bulong ko

Hindi ako makapaniwala na nakaharap ko ulit ang daddy ko after 4 years. Pero ano naman ang ginagawa niya dito?

"B-bakit po kayo nandito?" tanong ko

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin Zechariah?" sabi niya

"P-pasok po kayo" sabi ko, pumasok naman kaagad siya at umupo, nakita ko kung ano ang naging reaction niya ng umupo siya sa kawayan kong sofa... sa mansion malambot ang sofa dun eh

"Eto na ba ang tinitirhan mo ngayon Zechariah? Too small" sabi niya habang tinitignan ang bahay ko

Tama naman kasi siya, maliit lang ang bahay ko. Pagpasok mo deretso na ang sala tapos ang kama ko at yung kusina.

"Ano po ang ginagawa niyo dito?" ulit ko

"Alam kong nahihirapan ka na sa ganitong buhay lalo na't hindi ganito ang kinalakihan mo...alam ko ring nahihirapan ka ng sobra sa trabaho mo, hindi ka oa naman sanay magtrabaho..." sabi niya

"Deretsohin niyo nalang po ako dad" I said, annoyed

"Bunalik ka na sa mansyon..." bigla akong nasiyahan sa sinabi niya

"...sa isang kondisyon" napawi kaagad ang saya na naramdaman ko kanina

"Kondisyon?" ulit ko

"Kailangan mong magpakasal" napatulala naman ako

"What?! Why would I do that?!" sigaw ko ng mag sink in na sa utak ko ang sinabi niya

"Dahil kailangan…"

"Ipapakilala mo na naman ako sa mga anak ng mga business partners mo?! Tapos ipapakasal?!" sigaw ko

"Yes..." walang emosyon niyang sagot

"Kung yan lang ang pakay mo makakaalis ka na" sabi ko habang naka yuko

"Nalulugi na ang kompanya natin, ang lahat ng business natin! Nabaon na rin sa utang ang buong kompanya, at may ilang milyong halaga pa ang hindi nababayaran na taxes ng company—"

"Umalis ka na sabi!" I shouted at him, I saw how annoyed he is already... well, the feeling is mutual dad

"Wala kang puso Zechariah!" sigaw ni daddy at tumayo, dapat sana akong matakot sakanya pero hindi na ngayon

"Nahihirapan na yung kapatid mo! Hindi ka ba naawa? Hindi ko na nababayaran ang tuition fees niya at hindi ko na rin siya nabibigyan ng baon. Hindi ko na nabibili ang mga gusto niya! At palagi nalang siyang umuuwi na umiiyak! Please Zechariah! This is for your sister!" sabi niya, akala niya siguro madadala niya ako sa mga kasinungalingan niya... he knows that my sister is my weakness

"Bakit? Ako ba? Nung pinalayas mo ko, nabibili ko din ba ang gusto ko? Halos hindi nga ako makakain eh! Palagi din akong umiiyak dad! Pero ni minsan sumagi ba sa isip mo na naghihirap din ako?! Hindi!" sigaw ko

"Wala kang puso Zechariah! Your selfish!"

"Ikaw ang walang puso! Pinalayas mo ako without explaining the situation! Hindi ka man lang naawa sakin! I was 19 that time!  Wala pa nga akong sapat na pera that time to provide shelter for myself! You didn't even tell me that mom died because of heart attack!" sigaw ko, gusto ko ng umiyak pero hindi ko ginawa... gusto kong ipakita sakanya na hindi na ako ang Zechariah na mahina

"Umalis ka na!" sigaw ko, using all my strength I pushed him outside my house

"Go away! Never come back! Wag na wag ka ng magpapakita sakin!" sigaw ko, inulit ko lang naman ang sinabi niya nung pinalayas niya ako

"Magbabago rin ang isip mo..." sabi niya at umalis

Damn it! I am damn frustrated! And pressured at the same time!

Casanova's PreyWhere stories live. Discover now