⚜️CHAPTER 3⚜️

1.4K 37 1
                                    

Zechariah's POV

"Una na ako sa inyo, bye!" sabi ko sa mga katrabaho ko sa restaurant, tumango naman sila sakin at ngumiti

Naglakad na ako papalayo sa restaurant at pumara ng taxi. Gusto ko ng umuwi dahil gutom na gutom na ako.

Nang maka rating na ako sa tapat ng gate ng bahay, buamaba kaagad ako at naglakad papalapit sa gate pero naramdaman ko nalang na parang may nakamasid at nakasunod sakin.

Lumingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakita kundi ang isang itim na kotse.

Noong isang araw ko pa yan napapansin sa labas ng bahay ko. Wala naman akong kapit-bahay na nagmamay ari ng ganyan kagara ang sasakyan.

Dali dali kong binuksan ang gate sa bahay at pumasok na sa loob. Nag lock kaagad ako ng pinto at nilagay ang bag ko sa kama ko.

Nagbihis kaagad ako at nagluto ng pagkain. Umupo kaagad ako sa harap ng TV at nanuod ng biglang lumabas ang balota tungkol sa ama ko.

"...Kakapitok lang ng balitang ito kani kanina lang na ang kilalang business man at nag mamay-ari ng Luxury Hotels at Resorts na si Marcus Santiago ay napapabalitang hindi nakapag bayad ng taxes sa loob ng apat na taon. At dahil dito, pansamantalang kinuha ng bangko ang lahat ng ari-arian na naturing business man. Sinubukan din naming makapamanayanan si Mr. Santiago ngunit tumanggi itong magsalita sa publiko..." sabi ng news reporter

May pinakita silang video kung saan umiiyak si Kylie, ang kapatid kong babae. She's 20 years old already.

Nawala kaagad ang video dahil nagpaalam na ang reporter at iba namang balita ang lumabas.

Parang may kumirot sa puso ko ng maalala ko na naman ang mukha ng kapatid ko.

Naaawa ako sakanya... sakanila ni dad. Kahit ganun si dad sakin, mahal ko pa din siya.

"Zechariah, okay ka lang ba?" tanong ng katrabaho ko na si Cherry

"Oo, okay lang ako" sagot ko

"Parang hindi eh, tulala ka buong araw... hindi ka naman ganyan eh" sabi niya

"Tama si Cherry, Zechariah... parang lumulutang yung isip mo... yung parang ang katawan mo ay nandito sa earth pero yung utak mo nasa Uranus na pala" sabi naman ni Berry, kakambal ni Cherry

"Err... may problema lang" sabi ko

"Ahhh...ganun ba? Okay lang yan, lahat ng problema may sulosyon" sabi ni Cherry, ngumiti lang ako sakanila

Nang mag uwian na, lumabas kaagad ako at pumara ng taxi pero nakita ko yung kotse na nakikita ko palagi sa labas ng bahay ko.

Hindi ko nalang ito pinansin at pumasok nalang sa loob ng taxi. Habang nasa loob ng taxi, lumingon ako sa likod at nakita ang itim na kotse na nakasunod sakin. O baka naman guni guni ko lang yun?

Umiling nalang ako at hindi nalang yun pinansin. Pero nang lumingon ulit ako nandoon parin iyon sa likuran namin. Hindi kaya... sinusundan talaga ako ng kotse na yan?!

Nang makarating na ako sa bahay, nagbayad kaagad ako at lumabas. Nang makarating ako sa gate, dali dali ko iyong binuksan. Pero hindi pa ako nakakapasok ng makita ko ang kotse na paparating kaya dali dali akong pumasok sa bahay at nag lock.

Hinihingal akong napa upo sa kama habang nakahawak sa dibdib ko.

Casanova's PreyWhere stories live. Discover now