⚜️CHAPTER 5⚜️

1.2K 38 1
                                    

Zechariah's POV

Ngayon na ang araw na makikilala ko na ang magiging fiance ko. Kinakabahan ako. Paano kung hindi niya ako magustuhan? That would be bad.

Pinahiram ako ni Kylie ng isang damit. Parehas lang naman kasi ang size namin kaya kasya lang sakin ang damit.

Nakasuot lang ako ng jeans dahil hindi ko type ang mag dress. Pumasok kami ni dad sa isang restaurant at umupo sa area kung saan wala gaanong tao na naka upo.

Nakatingin lang ako sa labas ng may biglang dumating na kotse. Bumaba ang isang babae na kaedad lang ni papa. Sunod naman ay isang lalake, siguro mag asawa sila. May bigla namang bumaba na lalake sa backseat.

At kung hindi ako nagkakamali, ito ang lalake na hinahangaan ng mga babae... Ezekiel Lopez. Kabilang siya sa sikat na grupo dito sa bansa, ang C.T.O. Parents niya siguro ang kasama niya.

Bigla siya napatingin sa direksyon ko kaya umiwas kaagad ako ng tingin at nag panggap na may ka text ako. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko na nakatingin parin siya sakin. Pero mas nabigla ako ng may gumuhit na ngiti sa mga labi niya.

Yuck! Akala niya siguro gusto ko siya!

Nang pumasok sila sa restaurant narinig ko nalang ang tilian at bulong bulongan ng ibang costumers. Sikat nga pala siya. Hindi ko nalang pinansin at tumingin nalang ulit ako sa labas.

"Nandito na pala sila" narinig kong sabi ni dad kaya napatingin ako sakanya

"Huh? Sinong nandito dad—" natigilan ako ng tumayo si dad

"Mr. and Mrs. Lopez, nandito na pala kayo" napanganga nalang ako ng makita ko kung sino ang kinaka usap ni dad

"This is Zechariah, my daughter" napatingin ako kay dad at tumayo kaagad

"Good morning po, ako po si Zechariah" nakangi kong bati sakanila, naguguluhan parin ako kung bakit sila nag uusap ni dad

"Good morning din hija" nakangiting sabi ni Mrs. Lopez, pero nawala ang ngiti ko ng dumating si Ezekiel

"Oh, this is my son... Ezekiel Lopez" sabi naman ni Mr. Lopez kaya tumango lang ako, kapag sinabi kong kilala ko siya baka lumaki ang ulo niyan... baka pagkamalan pa akong fan!

"Sit down" sabi ni dad sakanila, umupo naman kaagad sila... at badtrip! Sa harap ko pa talaga umupo si Ezekiel, I'm trying my best not to look at him kay Mrs. Lopez lang ako nakatingin

"So let's discuss about the wedding Mr. Santiago" sabi ni Mr. Lopez—Wait! What?! Wedding?! Don't tell me si Ezekiel ang magiging future husband ko?!

"Well, let's start with the date" sabi naman ni dad, ako naman ay naguguluhang nakatingin sakanila

"Gusto ko weekend..." sabi naman ni Mrs. Lopez

"I agree" sabi naman ni dad

"Maybe first week of December?" suggest ni Mr. Lopez

"Pwede" sabi ni Mrs. Lopez

"What about our future grandchildren?" sabi ni dad, uminom nalang ako ng tubig habang naka tingin sa labas

"Oo nga, ikaw Ezekiel? Ilan ang gusto mong anak?" rinig kong tanong ni Mr. Lopez

"Hmm...maybe 5 boys and 5 girls" napa ubo naman ako sa sagot niya

"Okay ka lang hija?" tanong ni Mrs. Lopez

"O-okay l-lang po a-ako" nahihirapan kong sabi, tinignan ko naman ng masama si Ezekiel na ngayon ay nakangiti sakin

Fuck you asshole!

"So... what was your answer Ezekiel?" tanong ni dad

"5 babae, 5 lalake... 10 po all in all" sagot niya habang nakatingin parin sakin

Hindi ako baboy! Damn it!

"Kaya mo ba yon Zechariah?" tanong ni Mrs. Lopez

"Umm... 3 po ang gusto ko Mrs. Lopez" I said

"Haha... don't call me that, call me mama... magiging mama mo din naman ako in the future" nakangiti niya sabi

"Uhh... okay po mama" sabi ko, it's been a long time since I called someone 'mama'

"Dahil engaged na kayong dalawa, sa bahay ka namin titira hija" sabi naman ni Mr. Lopez, or should I say 'papa'

Feel na feel ko talaga!

"Po?" gulat kong sabi

"Sa bahay ka namin titira hanggang sa matapos na ang bahay na pinapagawa ko para sa inyo" sabi niya

"Dad, diba sabi ko ako nalang ang bahala sa bahay namin? I can afford that" sabi naman ni Ezekiel, at parang hindi siya tutol na ako ang magiging asawa niya

"Tss... bahala ka" sabi ng dad niya

"So hija, prepare your bags okay?" sabi ni mama

"Uhh... okay po" sagot ko

"So it's settled then, aalis na kami Mr. Santiago, may meeting pa kasi ako" sabi ni papa, tumango naman ni dad

"May kukuha lang sayo sa bahay niyo Zechariah, bye!" sabi ni mama at sabay na silang tatlo lumabas ng restaurant, nakahinga naman ako ng malalim

Lumabas na din kami ni dad at naglakad na papalapit sa kotse. Pero bago pa man ako maka sakay at may natanggap ako na message mula sa isang unregistered number.

Unknown number:

Ang ganda mo pala sa personal...

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano dahil sa natanggap ko. Pero hindi ko nalang ito pinansin at sumakay nalang sa kotse.

Casanova's PreyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora