⚜️Chapter 27⚜️

1.1K 35 0
                                    

Zechariah's POV

"Tungkol nga po pala sa kasal namin ni Zechariah? May na set na po ba kayong date?" biglang tanong ni Ezekiel na halos magpaubo sakin

Gulat akong napatingin sakanya pero parang wala lang sakanya ang sinabi niya.

"Hehe... wala pa anak eh, what if kayo nalang ang mag isip ng date?" suhestiyon ni mama

"Okay... I want it 3 days from now" doon na ako nabilaukan

"Hey! You okay? Here, drink some water" sabi ni Zephaniah sabay abot sakin ng isang baso ng tubig na kaagad ko namang tinanggap

"Huh? Ang bilis naman yata anak" sabi ni mama

"It's my decision to make... I want it 3 days from now and that's final" kalmadong sabi ni Ezekiel

"Is it okay Zechariah? Handa ka na ba?" tanong naman ni papa sakin

"U-umm... o-okay lang po sakin..." sabi ko sabay tingin kay Ezekiel "Pero baka matagalan tayo dahil sa preparations" sabi ko sakanya

"Then we'll look for an organizer, right now" sabi ni Ezekiel na nakatingin na sakin ngayon

"No need kuya, may kilala akong organizer... she's a friend" sabi ni Zephaniah sabay ngiti

"That friend of yours better be good Zephaniah, alam mo namang ayaw ng kuya mo sa mga palpak" sabi ni papa

"What? Hindi palpak ang bestfriend ko!" sabi ni Zephaniah at kaagad na tinakpan ang bibig niya na parang may nasabing sekreto

"B-bestfriend? Jasmine? She's back?" sabi ni Ace

"H-huh? Hindi ah! Hindi lang naman si Jasmine ang bestfriend ko noh!" sabi ni Zephaniah, namumutla ang mukha

"Zephaniah, we studied at the same school and I know na si Jasmine lang ang matatawag mong bestfriend mo kasi palagi kang binubully ng ibang tao" sabi naman ni Ace

"B-bahala ka diyan, basta hindi si Jasmine ang tinutukoy ko" sabi ni Zephaniah at umalis na

"I have to go Tito, Tita" sabi ni Ace at tumayo

"Huh? Hindi mo pa natatapos ang pagkain mo Ace" sabi ni mama

"Busog na po ako, tsaka may gagawin pa ako" sabi naman ni Ace

"Oh sige" pagkasabi nun ni mama umalis na kaagad si Ace

"Saan kaya yun pupunta?" mahina kong bulong

"Tss...aga-aga pinapaselos mo na ako" narinig kong bulong ni Ezekiel na hindi ko masyadong maintindihan

"May sinasabi ka?" tanong ko sakanya

"Wala" masungit nitong sabi at nagpatuloy sa pagkain

Weird.

"Ezekiel, seryoso ka ba talaga tungkol sa... ano..." basag ko sa katahimikan

Papunta kami ngayon sa isang boutique, pipili na daw kasi ako ng gown para sa kasal.

"Sa ano?" naguguluhan niyang tanong

"Yung ano... tungkol sa kasal" nahihiya kong sabi

"Of course I am, never been sure my whole life" nakangiti niyang sabi, and I can see something in his eyes... excitement?

Bakit naman siya ma e-excite sa kasal namin?

"Parang ang dali naman... 3 days talaga? Hindi pwede mga 1 month later? Or year? Ganon?" tanong ko

"Bakit ko naman paaabutin ng isang buwan o taon? Kung pwede naman kitang pakasalan agad?" sabi niya habang nakatingin pa rin sa daan

"Bakit Zechariah? Ayaw mo bang magpakasal sakin? Ayaw mo ba matali sakin? Ayaw mo ba sakin? May mahal ka bang iba?" sa bawat salitang binibitawan ni Ezekiel, nakikita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa manobela

"No, it's not that" sabi ko at tumingin sa labas ng bintana, hininto ni Ezekiel ang sasakyan sa gilid ng kalsada at humarap sakin

"Then what?" humarap ako sakanya at seryoso siyang tinignan siya sa mata

"Ayoko lang magpakasal sa taong hindi naman ako mahal..." I answered

[A/N]

There! She said it! I wonder kung anong mangyayari sa iba pang chapters? Let's find out!

Don't forget to vote✋ and write✍️ down your comments!

Casanova's PreyWhere stories live. Discover now