⚜️CHAPTER 6⚜️

1.2K 34 0
                                    

Zechariah's POV

Naghahanda na ako para sa pag alis ko dito sa bahay. Kumuha ako ng damit sa kabinet at nilagay iyon sa bag.

May biglang dumating na sasakyan sa labas ng bahay kaya lumabas ako para tignan yun. Pero kumunot ang noo ko ng makita ko ang sasakyan. Hindi ako pwede magkamali! Ito yung palaging naka park sa labas ng bahay ko!

Pero mas nagulat ako ng makita kung sino ang nagmamaneho nun.

"Ezekiel..." bulong ko

"Oh? You still remember my name? That's good" sabi niya, what the fuck?!

"Nasan na yung kukuha sakin?" tanong ko

"Ako..." sagot niya

"I can't believe them! Ako pa talaga ang inutusan nilang kunin ka! Sa gwapo kong to?! Mapagkakamalannkaya akong driver?!" naiirita niyang sabi

"Pwede naman akong mag taxi kung ayaw mo" iritado kong sabi, ayaw naman pala niyang kunin ako bakit siya nandito?!

"Tss... no, delikado..." sabi niya habang nakatingin ng masama sakin

"Baka ano pa ang gawin nila sayo" sabi niya

"Alis na tayo" tumango ako at pumasok ulit sa loob ng bahay para kunin ang bag ko

Tinignan ko ang kabuuan ng bahay ko. Mami-miss ko to. Dito ako tumira nung lumayas ako sa bahay nina Tita. Dito din ako natutuong kumayod mag isa. At dito na din ako nabuhay 3 taon na ang nakakalipas.

Huminga ako ng malalim bago pinatay ang mga ilaw at kinuha ang mga bag. Ni lock ko kaagad iyon at lumabas na ng bahay at pumunta sa bahay nina Aling Tessa.

"Aling Tessa!" tawag ko, kaagad namang lumabas si Aling Tessa

"Magandang gabi po" bati ko

"Magandang gabi din, anong pakay mo?" tanong niya

"Isasauli ko lang po sana ang susi ng bahay" sabi ko

"Huh? Bakit naman? Aalis ka na? Hindi mo pa nga nababyaran ang utang mo eh!" sabi niya

"Uhh... tungkol sa utang ko Aling Tessa—" naputol ang dapat kong sabihin ng may umakbay sakin

"Magandang gabi po!" bati ni Ezekiel, napanganga naman si Aling Tessa

"M-magandang gabi d-din" nauutal na bati ni Aling Tessa

"Yung utang po ni Zechariah, ako na po ang bahala dun... magkano po ba ang utang niya?" tanong ni Ezekiel at nilabas ang wallet niya

"E-Ezekiel! Ano ba ang ginagawa mo?!" pagalit kong bulong

"Ako na ang bahala sa utang ko, hindi mo kailangang bayaran yun!" sabi ko

"Shut up or I'll kiss you" sabi niya na nagpatikom ng bibig ko

"So... magkano po?" tanong niya ulit

"3, 456 ang utang niya hijo" sabi ni Aling Tessa na parang teenager na kinikilig, alam kong kilala ni Aling Tessa si Ezekiel... eh ang sikat kaya ng grupo nila

"Ahhh... okay po" naglabas kaagad siya ng pera at inabot iyon kay Aling Tessa, si Aling Tessa naman ay parang nahihiyang lumapit

"Ahh... hehe... Zechariah, okay na, bayad na yung utang mo!" sabi niya habang nakangiti

"Salamat po, aalis na kami" sabi ni Ezekiel

"Ehh... teka lang, pumasok muna kayo sa loob" sabi ni Aling Tessa

"Hindi na po, aalis na po kami ni Zechariah... salamat nalang po" sabi ni Ezekiel at hinawakan ang kamay ko, parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko... ang bag naman na nasa isa ko pang kamay ay kinuha niya, wow, so sweet

Yuck!

Naglakad kaagad kami palapit sa kotse niya. Binuksan niya ang passenger's seat. Nagdadalawang isip pa ako kung sasakay ba talaga ako. Pero sumakay nalang ako.

Tahimik ang naging byahe namin ni Ezekiel. Tahimik akong tao eh. Palagi akong wala sa mood makipag usap sa mga tao.

Biglang huminto ang sasakyan niya sa harap ng isang malaking gate. Biglang bumukas ang gate, pinaandar naman kaagad ni Ezekiel ang sasakyan at pumasok.

Nang mag park siya sa tapat ng isang malaking bahay, lumabas kaagad kami. Siya naman ay kinuha ang mga bag ko na nasa likod.

Bigla niya hinawakan ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Nang bumukas ang pinto bumungad sakin ang isang magandang sala. Mga mamahaling sofa at mga vases. Sa isang side naman ay patungo sa kusina, ang isa naman ay papunta guro sa maid's quarters.

"Kuya!"

Casanova's PreyWhere stories live. Discover now