⚜️CHAPTER 8⚜️

1.1K 40 0
                                    

Zechariah's POV

Pagkatapos kumain dumeretso na kaagad si Ezekiel sa kwarto niya, pero hindi muna ako sumunod dahil nag usap pa kami ni Zephaniah. Man hater pala ito.

"Zephaniah, wag mo ng guluhin si Zechariah... matulog na kayo" sabi ni mama

"Okay ma" sagot ni Zephaniah

"Ikaw din Zechariah, matulog ka na... pumunta ka na sa kwarto ni Ezekiel" nakangiti niyang sabi

"Opo" sagot ko

"Nga po pala, saan po ba ang kwarto ni Ezekiel?" nahihiya kong tanong

"Straight lang, tapos liliko ka... yung ikatlo na pinto, doon ang kwarto ni Ezekiel" nakangiti niyang sagot

"Salamat po, goodnight po" sabi ko

"Good night din hija" sabi niya at pumasok na sa kwarto nila

Sinunod ko ang sinabi ni mama. Nang maka rating na ako sa ikatlong pinto kumatok kaagad ako.

Mukhang wala namang tao sa loob ah?

Huminga ako ng malalim bago hinawakan ang door knob. Binuksan ko kaagad iyon at pumasok na sa kwarto. Bumungad sakin ang panlalaking amoy ng kwarto.

Naglakad ako papunta sa kama umupo doon. Woah! Ang lambot ng kama niya!

Napatingin ako sa bedside table kung saan nakalagay ang maleta at iba ko pang gamit. Mamaya ko nalang yan aayusin.

Aishh! Kailangan ko ng maligo! Kumuha ako ng pajama at T-shirt sa bag ko. Kumuha na rin ako ng mga undergarments at towel sa bag. Pati na yung body wash ko.

Lumapit ako sa pinto kung saan naroon ang banyo. Nang binuksan ko iyon nabitawan ko kaagad ang mga gamit ko at tinakpan ang mga mata ko at tumalikod. Damn! Damn! Damn!

Sino ba ang hindi magugulat kung maabutan mo ang isang Ezekiel Lopez na naka suot lang ng towel sa loob ng banyo?!

"The heck?! Hindi ka ba marunong mag lock?!" singhal ko sakanya

"Tss... makikita mo din naman to araw araw kaya dapat ka ng masanay, at wag kang mahiya, sayo naman to" sabi niya na nagpainit ng mukha ko

"Fuck you!" sigaw ko

"Oh? Gusto mo ngayon na?" sabi niya, narinig ko nalang ang mga yapak niya papalapit sakin

"No! Don't you dare come near me!" sigaw ko

"Tss... magiging asawa mo na ako Zechariah kaya wag ka ng mahiya sakin, at yang katawan mo? Makikita ko din naman yan" sabi niya

"Yuck! As if ipapakita ko to sayo!" singhal ko

"Pwede ko naman yang makita, huhubaran kita kapag tulog ka na... so watch out" sabi niya kaya hindi ko na napigilang tumingin sakanya, I didn't dare to look down pero biglang natanggal ang towel na nakapalibot sa waist niya leaving him with his boxers on

"Oops! Sorry" sabi niya at kinindatan ako, alam kong namumula na ako ngayon

"Pervert!" sigaw ko sa mukha niya

"That name suits me" sabi niya na nakangiti

"Damn you!" sigaw ko at pinulot ang mga gamit ko at pumasok sa banyo

Nakahinga lang ako ng makapasok na ako sa loob. Kung hindi siya naka suot ng boxers baka nakita ko na ang 'ano' niya. Fuck!

Casanova's PreyWhere stories live. Discover now