HBBB 1

11.7K 172 5
                                    

"B, gising na ang tagal-tagal mo namang matulog eh! Nakakabagot na! Pero joke lang alam mo namang na hinding-hindi ako magsasawa sayo... Sige na! Tama na ang drama ha? Baka maiyak ako nito! Bye B! Love you..."

Hinalikan ko siya sa noo at umalis na. Nakangiti akong umalis at pumara ng jeep, pagkasakay ko ay init at ingay agad ang nadatnan ko. Ano ba nga bang bago? Eh wala naman kahit isa. Iba't-ibang mga klaseng tao ang palaging nakakasalamuha sa jeep, merong mga magjowa, pamilya, magkaklase, matanda, at halos lahat nang klase ng tao ay andito na.

"PARA!" Sigaw ko at dali-daling lumabas. Bumungad sa akin ang malaking paskil at malaking gate.

Welcome to the ALFONSO UNIVERSITY!

Sobrang laki nito at siguradong milyon-milyon ang nagastos ditto o higit pa. Puro mayayaman ang mga nagaaral dito. Bibihira lang magkaroon ng scholar ang school na ito since super taas ng standard, yun ang sabi ng iba kaya maswerte daw AKO na nakapasok ako.

Halos may mga sari-sariling mundo ang mga tao dito, dahil lahat ng makita kong mga estudyante ay puro grupo, mapababae man o lalaki. Lalong lumuwa ang mata ko dahil sa mga nagga-gandahang mga gamit nang lahat! Mga branded na gamit na kumikinang-kinang,

Napailing ako dahil sa panliliit. Tumingin ako sa sapatos ko, halatang galing palengke 130 pesos lang ito eh tinawaran ko pa kaya naging 120 pesos.

Napailing ako at umiwas ng tingin upang makaiwas sa inggit. Habang naglalakad ako ay napapatingin sila sa akin na parang nandidiri na ewan. Tsk, expected ko na magiging ganito pero hindi ko naman ine-expect na grabe sila. Rich kid eh. Pero sa totoo lang napaka-o.a nila, anak rin ho ako ng Diyos.

Pumasok na ako sa room na nakalagay sa schedule ko. Wala pang katao-tao? Kahit isa. Umupo ako sa pinakadulo at humalumbaba. Tumingin ako sa labas at napakunot ang noo ko dahil nagkakagulo ang lahat.

Nagtitili

Humihiyaw

Kinikilig

Kabataan nga naman, siguro 3rd year palang ang mga ito. Napatingin ako dahil may nagbukas ng pinto. Para siyang naiilang at nahihiya ng nakita ako, kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Hi..." Bati ko sa kanya at nilahad ang aking kamay.

"H-hello..." Nauutal nitong bati pabalik at nakipagkamay sa'akin, nangingigil pa ito kaya binitawan ko na siya.

"I'm Nilisia, you?" I asked.

"H-hmm, Moses..."

"Tabi tayo, bago lang kasi ako dito..." Deretso kong usal.

Tumungo lang siya kaya ngumiti na lang ako ng tipid. Maya-maya pa ay nagbell na at unting-unting nag-sidatingan ang mga kaklase namin.

Para kaming hangin dalawa na dinadaan-daanan lang nila. Kaming dalawa lang ang pinakahuli sa likod lahat sila nasa unahan.

Dumating na rin ang professor, "Class, Good morning I'm Dominic Alcantara, call me Sir. Alcantara." Mabilis nitong pakilala.

"INTRODUCE YOURSELF NOW! Magsisimula tayo sa unahan, go!" Matigas nitong dikta.

Magkasabay kaming dalawa na lumabas ni Mosea. Hindi ko naman alam kung ano ang pasikot-sikot dito kaya sinabayan ko ng siya. Bigla akong nakaamoy ng mabagong pagkain na hindi pamilyar sa akin. Napagtanto ko nalang na nasa Cafeteria pala kami.

Her Baby (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum