HBBB 10

2.9K 66 1
                                    


"M-mom! Hanggang kailan natin itatago ang totoo kay Gile?! Hindi ba kayo naaawa sa'kanya?!"

"Anong gusto mong sabihin Nia?! Akala mo ba madali eto sa'amin?! Gusto lang namin, NATIN! Ang makakabuti?! Gusto lang naming tuparin ang hiling ng kambal mo na kahit sa kunting sandali ay pakapag adjust si Gile! Yun lang!" Pabalik na sigaw nila sa'akin.

"Kailan ba yung makakabuti?! Sa tamang panahon!? Nagpapatawa ba kayo?! Alam kong mahirap para sa'atin ang sitwasyon! Pero mas mahirap sa taong walang alam!" Katuwiran ko.

Hindi ko matanggap na pagkagising ko ganito ang bubungad sa'akin! Kakambal ko yun eh! Siya yung half ko! Pero mapagbiro talaga ang tadhana! Ang gulo-gulo!

Ang sakit at ang bigat sa dibdib ang mga nangyayari ngayon! Bakit kasi ngayon pa?! Kung kailan gising na ako! Dapat masaya kami... Nagkukwentuhan... Tawanan...

Pero kasalungat ang lahat... Dahan-dahan akong napaupo at taimtim na umiyak... Wala akong pakielam kong anong nangyayari sa paligid ko ang alam ko lang gusto kong ilabas ang lahat-lahat ng sakit!

Bakit lagi na lang kaming may problema?! Hindi na ba mauubos eto?!

"M-mom, p-please..." Nagmamakawa kong sabi.

Hindi ko kayang magtago ng sekreto... Hindi ako katulad ni Nilisia na kaya niyang solohin ang lahat... Hindi ako kasing lakas niya... Hindi ako kasing galing niya... Para malusotan ang lahat ng eto...

"ANONG GUSTO MONG SABIHIN SA'KANYA?! NAPATAY NA ANG KAPATID MO?! GANON BA?!"

_________

"So, why are we here?" Nakatanga kong sabi.

Paano ba naman eh andito lang naman kami sa isang park. Pamilyar eto sa'kin pero hindi ko alam kung bakit.

"Hmmm, gusto ko lang. Ayaw mo nun tahimik lang..." Napatungo naman ako.

Sabagay, luma na tong park nato, wala na halos katao-tao. Naglalagas ang mga dahon sa mga puno. Ang daming ring tuyong dahon sa paligid.

Tama nga siya ang tahimik dito.

Umupo kami sa ilalim ng puno at tahimik lang. Tila may malalim siyang iniisip, ayaw ko rin naman siyang guluhin.

Nakatulala lang siya sa malayo at panay buntong hininga.

"Ayokong makulong sa sa'akin... Ayaw kong masaktan ka lang ng dahil sa'akin..."

Biglang bumalik sa isipan ko ang linyang iyon. Hanggang ngayon gulong-gulo ako...

Hindi ko alam kong totoo ba iyon o hindi, sa puso ko sinasabing totoo yun ngunit sa utak ko kasalungat.

May kung anong sakit ang biglang dumaan sa'akin. Bakit ganon katabi ko siya pero bakit ang sakit-sakit. Ilang araw na rin mula nung nagising ako pero hanggang ngayon ang bigat-bigat ng nararamdaman ko... Tila may kulang sa'akin.

"Gile... Are you ok?"

"Sa totoo lang? Hindi..."

"W-why?" Nagaalala niyang tanong.

"D-dahil pakiramdam ko may k-kulang sa pagkatao ko... Hindi ko alam p-pero ang bigat-bigat ng d-dibdib ko mula nung n-nagising ako... A-ng h-hirap na may d-dinadala... P-pero hindi k-ko a-alam kong bakit... H-hindi ko na rin alam kung ano ang t-totoo..."

Mula nung nagising ako, ngayon na lang akong nagpakita ng totoo kung nararamdaman. Kahit papano nabawasan ang bigat sa loob ko.

Nakita ko kung papaano siya nabigla. "A-ah..." Tila napipi siya at walang masabi. Nakikita ko sa mata niya ngayon ang halo-halong emosyon... Isa na doon ang guilt?

Her Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now