WAKAS

5.1K 93 17
                                    

Pinahid ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Hindi ko na talaga kaya... Parang mamamatay na ang puso ko ang hirap-hirap ng ganitong situwasyon. Gusto ng sumuko ko katawan ko kahit ang isip ko ay nagsasabing may pag-asa pa, pag-asang ako mismo ang bumuo.

Tumingala ako sa kalangitan, nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha. "Hindi ba talaga mauubos to?" Mahinang sambit ko.

"Amory... Hindi pa nga tayo... Break na agad? Umalis ka eh... Umalis ka, h-hindi mo na ba ako mahal k-kaya umalis ka ng walang pahintulot ko? Lumaban ka ba talaga? P-para sa atin? Sa'kanila? Hindi ko tanggap Amory... Hindi ko kaya, parang isinama mo na rin pati puso ko... Magnanakaw ka talaga... M-mang-aangkin ka rin nang puso..."

Napahagulgol ako at yumakap sa lapida niya. Wala na akong pakielam sa paligid gusto ko lang ilabas ang sakit! Poot! Sa dibdib ko.

Gusto kong magwala! Mahigpit ang lapit ko sa mga damo at nanggigil na hawakan to! Ang hapdi! Eto yung hapding mahirap tagkalin! Yung hapding nakakamatay! Hapding nakakaguho ng mundo ng isang tao!

Ang malas ko no? Sa dinami-daming tao bakit ko?! Akong nanahimik lang! Ako pa yung binigyan ng ganitong katinding sakit!

"K-kuya, Sa tapang ni Nilisia... I'm very sure na noong nabubuhay pa siya ay lumaban siya. Time will come kuya... Lahat-lahat ng sakit diyan sa dibdib mo" itunuro niya ang parte kung saan ang puso ko "Ay mawawala... Be thankful kuya dahil kahit papaano n-nakilala niya tayo, maging siya. Siguro, sinsubok ka ni God... At si A-ate Nilisia yun." Mapait niyang sabi, naluluha na rin siya ngunit patuloy siyang nagpapakatatag. "Pasalamat tayo na kahit s-saglit ay i-ipinahiram siya s-sa'atin ng D-diyos..."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya hindi ko magawang yumakap ng pabalik dahil nanghihina ako para akong sanggol na umiiyak dahil wala ng gatas. Halos pati dugo ay nailuha ko na.

"R-rishia... I-i can't, h-hindi ko ka-kayang bumitaw... K-kahit sinasabi na ng k-katawan ko na 'tama na.' Pero yung puso ko ang makulit. Ayaw pa ring huminto sa pa-pagmamahal sa kanya. A-alam na sa hangin na lang ako h-humahawak pero hindi eh!"

Sinapo niya ang pisngi ko at marahan etong hinaplos.

"Awang-awa ako sa sarili ko..."

"Kuya, here... Ipinabibigay ni Ate Nilisia, para s-sayo..."

Nilapag niya sa damuhan yun at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Y-you know what kuya? A-ate Nilisia is my h-hero, dahil she helped me... Tinulungan niya ako sa m-mga naninira sa'akin... Hehehe iniharap pa nga n-niya sa'akin ang mga bruhilda yun eh... Pinaluhod pa niya... Nagthank you ako... A-alam mo ba ang sinabi niya? She said anything for my sister-in-law... Kaya ginawa ko ang lahat para maging friends kami... Ilang araw lang ang l-lumipas ay ibinigay niya yang sobre sa'akin, she said n-na h-huwag ko daw bubuksan..." Naluha na rin siya habang nagkwekwento na parang binalikan niya ang mga alaala nilang dalawa.

Gusto kong magtanog sa 'kanya pero walang boses na lumalabas sa bibig ko... Kahit sa mga limitado niyang oras mas pinili niyang unahin ang iba.... Kaysa na sarili niya...

Ang sarap niyang sisihin... Gusto ko siyang batiin na ang galing-galing niyang magpaamo ng mga tigre..

"Leave."

"K-kuya..." Angal niya.

"Leave me alone... P-please..." Nagmamakaawa ko.

I need space...

Dahan-dahan siyang tumayo, hindi ko siya tinignan hanggang maka-alis na siya...

"Nilisia, ang d-dami-dami ng sulat sa harap natin... Pero w-wala akong lakas na basahin. Natatakot na naman akong nadagdagan ang sakit dito..."

"Alam mo b-ba? Na sa bawat pa-paggising ko... Ikaw ang lagi kong h-hinahanap dahil ikaw ang araw ko... Ang lakas ko... Ang b-buhay ko... P-papaano na ako?! Papaano na ako makakapagpatuloy kung ang p-pinanghuhugutan ko ng lakas ay natutulog na...?

Garalgal na singal ko. Nananayo ang mga balahibo ko na parang may yumakap sa'akin mula sa likod. Niyakap ko ang sarli parang may umaalo sa'akin at pinapatahan ako.....

Nakakainis! Nakakahagas! Ang hapdi! Sakit! Nakakagalit!

Hindi ko na alam kong anong uunahin ko, ang pahidin ang luha ko o basahin ang mga sulat na nakakalat sa lapag.

"Gile, I'm very sure na sa oras na mabasa mo to ay alam ko na alam mo na ang totoo. Ang gusto ko lang sabihin na huwag kang iiyak... Don't be sad ok? I know that you will be okay, dahil bago ako umalis ay alam kong umalis ako na maayos, umalis ako na ang lahat ay walang mali... Dahil umalis ako na masaya lahat. I'm sorry dahil hindi na ako ang hahagod sa likod mo dahil umiiyak ka... Hindi na ako ang aalo sayo sa muling malulungkot ka, at hindi na rin ako ang magiging dahilan ng kung ano mang mararamdaman mo. Yung sakit, pait na nararamdaman mo ngayon ay maglalaho,mawawala sa mag daan ng panahon... May tamang oras diyan.

Nung mga unang araw sa school... Hirap na hirap akong mag-panggap na hindi kita kilala, maging mga nasa paligid mo. Hirap akong magpanggap na walang alam sa inyo... Maging sa isip ko nagpapanggap akong hindi kita kilala... Best actress diba?

Kung nag-tataka ka kung bakit ang bilis-bilis ng pangyayari, yun ay dahil tinaningan na ako ng doctor... Tatlong buwan, tatlong buwan na lang at lilisan na ako... Pasensya na ha? Dahil alam kong ang gulo-gulo.

Naalala mo ba? Nung una nating pagkikita? Sa park... Yun, yung time na nalaman ko na i have brain tumor. Pinakamalungkot kong araw pero yun rin ang pinakamasaya kong araw ko dahil nakilala kita. Your my angel beacuse that time I'm so down. Andun yung takot sa dibdib ko... Nung araw na yun, nung nakita kitang umiiyak, nilapitan kita diba? Para kang araw dahil sa oras na nagdidilim ang mundo ko ay andoon ka napatuloy nagliliwanag.

Pagkatapos nun, sunod-sunod na yung mga problema namin... Naaksidente si Nilinia, nalulugi na yung negosyo namin dahil sa kagustuhan kong matakasan ang lahat-lahat... Naglayas ako, wala akong kaalam-alam nun sa mundo. Naranasan kong matulog sa kalye, nakilala ko sila Jim... Doon akong natototong tumayo sa sarili kong paa... Natuto akong makipaglaban para nakakain... Masasabi kong ikaw ang inspirasyon ko... Weird mang isipin pero lagi ako na kwarto mo tuwing natutulog ka, stalker ang dating ko nun... Hehehe. Ginawa ko lang naman yun dahil alam ko na sa bawat araw, oras na dumadaan ay pabawas nang pabawas rin ang oras ko sa mundo... Sa totoo lang ayaw ko na rin namang mabuhay dahil sa gulo dito pero nagbago ang pananaw na yun dahil sayo...

Gile, mahal na mahal na mahal na mahal kita, keep remember that... Bago ako tuluyang magpaalam ay yang salita na yan ang huli kung gusto sabihin sa nagiisang taong minahal ko at mamahalin ko pa hanggang sa kamatayan. Gusto kong sabihin na kalimutan mo ako... Ang nararamdaman mo para sa'akin  beacuse I don't deserve your love...  pero alam kong hindi madali... Humanap ka ng babaeng magbibigay sayo ng lubos na pagmamahal... Yung babaeng kaya kang samahan sa pagtanda... I love you Gile... You are my first and last baby

    NILISIA.

Napapikit ako at pinigil ang mga luha ko... Ang sakit, ang pait.... Subalit sa kabila nun ay yung ginhawa ay na andun. Yung bigat ay kahit papaano ay nawala...

Nung araw na una ko siyang nakita, sa canteen yun. Yung oras na yun ay nakita ko ang pinakamagandang babae, nakita ko na agad ang future ko sa kanya, kaya nung mismong araw na yun ay deneklara ko na akin siya... Nung una pabago-bago ako ng ugali... Dahil gusto kong malaman kung anong type niya sa lalaki... Nagpakachildish ako, at kung ano-ano pa.

Minsan, magpapahiram si God ng taong magbibigay ng halo-halo emosyon sayo... At sa oras na dumating na siya? Sabayan mo lang ang agos. Sabayan mo lang ang panahon, sapagkat lahat tayo ay bibigyan ng isang taong bibigyan ka ng leksyon para sa susunod sa araw ay handa ka na.

Sabi nila I'm a badboy... Pero sa totoo lang, character ko lang yun sa school dahil ang totoo siya... Siya ang pilyang babae ng buhay ko.

At si Nilisia yun... Si Nilisia ang taong ibinigay at ipinahiram sabakin ng Panginoon para maging aral sa buhay ko.

Wakas

Her Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now