HBBB 4

4.5K 96 0
                                    

"B, Whatzup! These past few days ang daming nangyari... May nakilala akong tao, he's nice but immature---"

"Hon, paano kung---"

"Hon, hindi mangyayari yun ok..."

Napatigil ako ako dahil sa mga boses na nagsasalita sa labas. SHIT! Kilala ko ang mga boses na yun at hindi ako pwedeng magkamali.

"B, sibat muna ako ha? Promise babalik ako!"

Paalam ko saka ako umalis sa kwarto niya. Nakahinga ako ng maluwag. Hingal na hingal akong napaupo sa may park. Yumuko ako at tinukod ang siko ko sa tuhod ko at napa-face palm. Muntik na.

"OHH! Tignan mo nga naman ang pagkakataon!"

Napaangat ako sa mapangumay na boses na narinig ko.
"Jim." Malamig kong bati, kasama niya ang mga kagrupo niya

"N, sakto at nakita kita may ipapagawa ako sayo." Naningkit ang mga mata ko.

"Masyado ka atang seryoso?" Nakangisi kong biro.

Tumayo ako at humarap sa kanya. May pakiramdam ako na masama ito. "Patumbahin mo si Leimar Gile Alfonso..." Derektang utos nito.

Napaangat ang sulok ng labi ko. Tsk, ano kayang atraso nung lalaking yun. "Rason?"

"Hiniwalayan ako ng syota ko dahil sa gagong yun!" Tumaas ang boses nito, halatang may galit talaga siya.

"Pano hindi siya hihiwalayan... Hindi ata to marunong tumingin sa salamin..." Bulong ko.

"Ano?!"

"Wala." Mahinanon kong sagot.

"Ano gagawin mo ba?" Maangas niyang tanong.

"Hindi Ano ako tanga? Para saktan yung childish na yun?

"Abat! Bakit? Nahuhumaling ka na rin sa kanya?!" Galit nitong sigaw pero hindi ako natinag.

"Bigatin yun brad, napapahamak tayo." Walang kwenta kong dahilan. Tila na pa isip eto.

"Kung hindi mo kaya ako na lang ang gagawa!"

"Huwag niyo na lang ituloy, baka kayo pa ang mapahawak..." Babala ko ko sa'kanya.

"Huwag mo akong utusan! Akala mo ba hindi kita papatulan ngayon?! Dahil tinanggihan mo ko?!" Mapapahawak ata ako ngayon ah! Pambihira!

"Let's make a deal." Bahala na wala na akong maisip na paraan.

"Deal?"

"Deal"

Isa-isa silang nagsisugod sa'akin, naging mas alerto ako. Lihim akong napabuntong hininga. Susuntukin na sana ako ng isang sa kanila pero inilagan ko lang sila at sinipa sa tagilid. Pakalikod ko namang sinipa yung isa.

Pero nahawakan nila ang mga kamay ko pero nagpumiglas ako. Shit! Wala pa namang mga tao dahil gabi na. Sinampal ako ni Jim nang pagkalakas-lakas. Napadura ako ng dugo. Ang sakit!.

"Ackkk!" Daing ko ng sinikmuraan niya ako! Bigla ng hina ang katawan ko. Sinuntok na naman niya ako masakit na.

"Argggggghhhh!"

"Suko ka na?" Pwersahan niyang inangat ang baba ko. Pero ngumisi lang ako. Sa palagay niya ba? Mahina ako? Dinuraan ko ang mukha niya at agad siyang sinapa gamit ang dalawang papa na naging dahilan para mapabaliktad ako parang backflip kaya nakawala ako. Nanghihina akong napaluhod.

Her Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now