HBBB 8

2.8K 69 0
                                    

Pagod na pagod na ako!

Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ni Nilisia! "Saan ba kasi tayo pupunta?"

Kasi naman inaya ako ni Amory maghiking! Sobra na akong nalalanta! Ang sakit na ng mga paa ko! Hindi man lang niya ako inaalala!

"Malapit na tayo..."

Mukhang walang balak na tumigil etong babaeng to sa paglalakad, kita ko ang pagod sa mukha niya pero hindi niya ito iniinda! Eh ako? Hindi naman ako mahilig sa ganito-ganito!

"Kunting tiis na lang Gile" Oo, Gile ang tawag niya sa'akin kakilig diba?

"A-ah"

Napahawak si Amory sa ulo niya na para itong kumirot. "Ok ka lang?" Nagaalalang tanong ko.

"Yeah, sumakit lang ang kunti pero normal lang yun" Pag-papawalang bahala niya, ayaw kong mag-alala pero hindi ko mapigilan...

Dahil matagal ko na ni Amory na gusto! Yeah, kakatransfer pa lang niya napansin ko na siya... Ang ganda-ganda niya kasi at pakiramdam ko nung una mabait siya, at tama naman ako. Ang mabait niya.

Pag siya ang kasama ko, nagiging iba ang ugali ko. Pati ako hindi ko kilala ang sarili ko! Para akong bakla pero totoo. Ayaw ki mang aminin pero mahal ko siya. Hindi ako yung tipong taong patorpe-torpe.

Masakit nung paulit-ulit niya akong nirereject, halos araw-araw gumuguho ang mundo ko ng paulit-ulit. Kaso ang bata ko pa raw sa kanya, pero na bago yun nung aksidente siyang nalasing hahaha isa sa pinakamemorable na alaala sa'kin.

Nakita ko siya tila na papagod na... Naaawa ako sa kanya kaya lumuhod ako, pero umupo naman siya. Ang cute-cute niya!

"Bakit ka umupo rin?!" Sigaw ko.

"Eh umupo ka eh! Ikaw lang pwedeng umupo? Aba nakakapagod rin! Palibhasa robot ka!" Inis niyang singhal... Ang cute niya!

Napakamot na lang ako ng ulo. "Sumakay ka sa likod ko! Engot!"

"Ako pa ngayon ang engot a---" "-Sumakay kana alam ko namang pagod na ka..." Putol ko kaya naman wala na siya magawa.

Tumayo ako ng walang kahirap-hirap, Goodness! Par lang siyang papel!

"Gentleman..."

May binulong siya pero narinig ko yun!

"Tsk, alam mo sweet... Ok lang naman na purihin mo ko, i swear hindi lalaki ulo ko!"

"Heh!" Namula siya kaya napatawa ako! Imagine namumula rin pala siya?!

Pawis na pawis na ako!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, ang tatawanan, harutan kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya makaakto, ang sweet niya ngayon!

Nang makarating na kami sa tutok ay napaganga ako sa ganda! Parang paraiso! Akalain mo may ganitong tawain sa Pilipinas?! Sobrang nakakamangha!

Ang tanawin! Parang paraiso na! Sana hindi eto masira, tumingin ako sa'kanya ang ganitong kagandang tawain dapat ingatan.

"You like it?" Dinama ko ang sariwang hangin.

"I love it! Thank you sa pagdala dito sa'akin..."

"My plesure!" Napatawa ako sa pagyuko niya na parang ginagaya si Mikay!

Tumabi ako sa'kanya at umakbay. Ang sarap sa pakiramdam na katabi mo ang taong mahal mo habang nakatingin sa magandang tanawin.

"Akalain mo magthre-three months na tayong magkakilala? Parang ang tagal-tagal na..." Usal ko.
Ang bilis lang ng panahon... Na tipong hindi mo napapansin na habang tumatagal... Maraming nagbabago sa buhay ko... Masaya ako sa nangyayari..

Her Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now