HBBB 11

3.3K 75 0
                                    


"G-gusto ko s-siyang m-makita..." Nagsusumamo ko sa'kanila...

Gusto kong lumuhod para magmakaawa. Parang ang katiting na pag-asa ko ay biglang naglaho sa mga narinig ko.

Patay na siya... Bakit?

Hindi ko kaya ang mga narinig ko at nalaman. Mas lalong kumirot at unti-unting pinipiga at tinutusok ang kaloob-looban ko.

Ayaw tanggapin nang sistema ko ang lahat.

Unti-unting nagdilim ang paningin ko at tuluyan akong nilamon ng dilim.

"H-hey... Amory..."

Hinaplos-haplos ko ang lapida niya at pinahid ang nagbabadyang mga luha ko.

Hindi ko pa rin tanggap... Ang hirap-hirap para sa kabuohan ko ang makita ang lapida niya... Ang tahimik...

"A-mory... B-akit hindi m-mo m-man lang sinabi?" Garalgal na ang boses ko ngunit hindi hadlang yun para hindi ako makapagsalita.

Pero tila ay may bara sa lalamunan ko...

"A-ang ta-tahimik dito n-no?... H-hindi ka ba na-nabobored d-dito? O-oh! B-baka b-barahin mo nanaman a-ako!" Para akong tanga dito na nagsasalita.

Napaasik ako at patuloy na lumuha hindi na ata mauubos-ubos to... Ang sakit at ang bigat.

Hindi man lang t-tayo nagkasama n-ng matagal... G-gustong-gusto kong s-sumunod pero b-bawal eh...

"S-sobra kitang m-mahal... Pero b-bakit? B-bakit na-nangiiwan k-ka? A-ang daming n-nagsasabing a-adik ka s-sakain t-totoo b-ba yun?"

Gusto kong ibalik ang oras... Oras na kasama ko siya... Sana... Sana... Masabi ko man lang na mahal na mahal na mahal na mahal ko siya.

Lahat ng yun hindi na pwede... Hindi na pwedeng ibalik dahil iniwan niya na ako... Kaming lahat.

"From now on... I'm courting you, no buts."

"Nilisia, seryoso ako sayo... Kung iniisip mo na hindi, ako na ang magsasabi sayo... I love you! I really do!"

"Papano mo nasabing mahal mo ako?"

"Lagi kitang iniisip! Lagi kitang gusto makita! Makasama! Makausap! Gusto kong makapasok sa mundo mo... Hindi ko alam pero parang nakadepende ako sayo..."

"Gile, huwag mong hayaan na maging mundo mo ko..."

"W-why?"

"Ang ganda!" Sabay naming sabi, napatingin kami sa isa't-isa. Nakangiti siya kagaya ko.

Nagpalit ang mga mukha namin, napapikit ako, naglapat ang mga labi namin sa isa't-isa. Damang-dama ko na puno ng magmamahal ang lalaking hinahalikan ko... Ayaw ko ng matigil pa eto, kung pwede lang...

Sa ilalim ng magagandang kulay sa kalagitan ay ang masuyong halik na ibinibigay namin sa isa't-isa

"I love you too"

Mga alaala namin ay unti-unting nagsibalikan... Papaano ako makakalimot kung sa puso at isip ko ay siya ang dinidikta.

Lalo akong nanlumo. Malakas ang hangin... Tahimik ang kapaligiran...

"Who are you?"

"Jim na lang..." Napanganga ako sa laki ng katawan niya... Kinakabahan rin ako na baka bugbugin ako nito...

Amory...

Dumaan sa mga mata ko ang takot. Ang lakas ng presenya niya, ang angas ng dating niya.

Her Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon