Part 1: Someday You'll Know

1.1K 23 9
                                    

JUNE 30, 2018

"TODAY is the day, Today Buenavista," bulong ni Today sa sarili. And damn, aside from the bad pun, his jitter also made him talk to himself aloud while he fixed his neck tie in front of a full-length mirror in his room. "This is really going to be an epic blast from three pasts."

In one wedding, no less.

Tinigilan na niya ang "pag-aayos" sa neck tie niya at umalis na rin siya sa harap ng salamin dahil nakikita na niya ang kaba sa reflection niya. Lumapit siya sa bedside table at kinuha ang elegant white wedding invitation. Pagkatapos, umupo siya sa kama habang binabasa na naman ang list of guests para lang hanapin ang tatlong pangalan ng mga babaeng naging espesyal sa buhay niya.

But their "label" registered in his mind instead of their names:

His childhood sweetheart.

His first love.

And the one that got away.

Humiga siya sa kama at inangat ang invite habang nakatitig pa rin sa tatlong pangalan na may iba't ibang "role" sa kasal na iyon. Isang buwan na ang dumaan at kahit ingayon na ang mismong wedding day, hindi pa rin siya makapaniwalang magkikita-kita uli sila sa gano'ng okasyon. Handa na ba siyang makita ang tatlong babaeng naging malaking parte ng nakaraan niya?

And by these three special women, he meant:

The maid of honor.

The wedding singer.

And of course, the bride.

Let's DateWhere stories live. Discover now