Chapter 9

125 4 1
                                    

FEBRUARY 12, 2009

IT HAD BEEN a really long day for Today and he was really sleepy from exhaustion.

Pero ngayong maayos na ang kalagayan ni Mrs. Buenaventura na nasa general ward ng ospital. Gusto sana niyang ipalipat ang ginang sa private room pero tumanggi si Someday. Private hospital kasi ang napagdalhan nila sa ina nito (dahil iyon ang pinakamalapit) kaya nag-aalala siguro ito sa magagastos. Ang sabi naman ng doktor na nakausap nila kanina, nawalan lang ng malay si Mrs. Buenaventura dala ng exhaustion.

Iniwan niya muna si Someday kasama ang mama nito dahil nakita niyang naging emosyonal ang babae habang kausap ang ina. Binigyan niya ng privacy ang dalawa kaya lumabas muna siya. Siya naman, nakaupo sa gutter sa harap ng ospital habang hinihintay niya ang parents niya na susundo sa kanya. Tumawag kasi kanina ang mommy niya at sinabi niya rito ang sitwasyon.

Hindi ako nakapagpaalam kay Someday. Hindi naman na siguro niya mapapansin ang absence ko since siyempre, ang mama niya ang uunahin niya. Kakamustahin ko na lang siya bukas.

"Today."

Napapiksi si Today sa gulat nang kasabay ng pagtawag sa kanya ni Someday eh sumulpot na lang bigla ang babae sa harap niya at nag-squat para magpantay ang eye level nila. Napakurap-kurap siya dahil hindi niya namalayang dumating ito. Pagod at inaantok na kasi siya kaya siguro lutang na siya. "Anong ginagawa mo rito sa labas?" tanong niya nang makabawi mula sa pagkabigla. "Kumusta na si Mrs. Buenaventura?"

"Natutulog na uli si Mama," sagot ni Someday sa kalmado nang boses. Namumugto pa rin ang mga mata at ilong nito pero mukha namang okay na ito kumpara kanina. "Dumating na ang tita ko at siya muna ang nagbabantay kay Mama ngayon. Lumabas lang ako para hanapin ka."

Napakurap-kurap siya kasabay ng excitement na naramdaman niya. "Talaga? Hinanap mo ko? Pero bakit naman?"

Hayun na naman ang pag-soften up ng mukha ng babae na para bang masaya itong kausap siya ng mga sandaling 'yon. "Gusto ko lang magpasalamat sa'yo, Today. Kung hindi kita kasama kanina, baka umiyak lang ako ng umiyak. Salamat sa pagpapakalma sa'kin at sa paghingi ng tulong para maisugod agad natin sa ospital si Mama. I owe you big time for this."

"Natural lang naman 'yong ginawa ko kanina kaya 'wag mong isiping may utang-na-loob ka sa'kin, Someday," nahihiyang sabi niya. "I was glad to help anyway."

And then a miracle happened: Someday smiled widely at him.

His eyes widened not just from the surprise but because of what he envisioned while staring at her bright smile: her in a beautiful white dress as she walked down the aisle.

I'm going to marry this girl someday!

"Okay ka lang, Today?" nag-aalalang tanong sa kanya ng babae mayamaya. "Para kasing namumula 'yong mukha mo. May lagnat ka ba?"

Mabilis siyang umiling, saka tumayo bago pa siya mahimatay sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Being a breath's away from her almost made him dizzy from too much excitement. My heart isn't ready for this yet. "I– I'm fine."

Tumayo na rin ito habang nakatingin pa rin sa kanya. "Okay. Sabi mo, eh."

"Son, you're here."

Nalingunan niya ang mga magulang niya na naglalakad palapit sa direksyon nila. Nauna ang mommy niya samantalang ang daddy naman niya, patawid palang ng kalsada mula sa parking lot kung saan nakita niyang nakaparada ang kotse nila. "Mom, Dad, hello."

Ngumiti at kumaway ang mommy niya. Halatang galing ito sa opisina dahil nakasuot pa ng blazer at slacks. "Hello, son. I'm glad to see you okay."

"Mommy!" excited na pagtawag niya rito, saka siya sumalubong ng yakap at halik sa pisngi sa mommy niya. "Sorry kung nagpasundo pa ko dito." Lumagpas ang tingin niya sa ina para ngumiti at kumaway naman sa daddy niya na no'n lang niya napansing may dala palang dalawang plastic bag ng take out food mula sa favorite restaurant nila. "Hi, Dad!"

Let's DateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora