FEBRUARY 14, 2009
"YOU LOOK dapper, Zeno!" amazed na komento ni Today habang nakatingin sa pinsan niyang suot na rin ang black tuxedo nito. Pero mas naging cool ito nang tanggalin nito ang bowtie at buksan ang first three buttons ng white button-down shirt nito sa ilalim ng jacket. Himbis na formal shoes, sneakers ang suot nitong sapatos. "At ang cool ng porma mo."
"Thanks," nonchalant na sagot ni Zeno, saka siya tiningnan habang nakaupo ito sa swivel chair sa harap ng computer table. "As usual, you look like so princely. You might bag the prom king crown this year."
Ngumisi siya at inayos ang necktie niya. For tonight, he wore a dark three-piece crisp suit and his hair was brushed up. "Thank you, cousin." Pero ang totoo, hindi siya confident na siya nga ang magiging prom king dahil pagdating sa mga gano'ng bagay, parati niyang karibal si Eros na mas malakas ang karisma kesa sa kanya. "Anyway, I want to talk to you before we leave the house."
"Okay. So, ano ang paguusapan natin?"
Umupo siya sa kama ng pinsan niya para magkaharap sila at magkapantay ang eye level. Pinuntahan niya ito sa kuwarto nito para makapag-usap sila ng maayos. Sinabihan din niya ang daddy nila (na maghahatid sa kanila sa hotel kung saan gaganapin ang prom night) na huwag muna silang iistorbohin at sila na mismo ang lalabas kapag okay na silang magpinsan. "Pinag-isipan ko 'yong mga sinabi mo sa'kin kahapon, Zeno. Na-realize ko na tama ka. Hindi ko dapat tinakbuhan si Nana. I am ashamed of myself."
"You should be. Pero hindi mo dapat sa'kin 'to sinasabi."
"I know," pagsang-ayon niya. "I'm just here to tell you that I want to talk to Nana and convince her to go to the prom tonight. Alam ko namang excited siya sa mga ganitong party at ayokong hindi niya 'to ma-experience dahil lang sa'kin."
"Pa'no kung lalo lang lumala ang problema niyo?"
"I won't hurt her this time, cousin," seryosong pangako niya. "I'll be more careful."
Ilang segundo siyang tinitigan lang ni Zeno na parang nag-iisip, saka ito tumango at muling nagsalita. "Okay. I trust you, cousin. Be extra careful with your words and try not to be too hard on her."
"I understand, cousin. Thank you," sincere na sabi niya, saka siya tumayo habang inaayos ang jacket niya. "I'll go to Nana's house now. Mauna ka na sa hotel."
Tumayo na rin ang pinsan niya at namulsa. "Mag-ta-taxi na lang ako. Magpahatid na lang kayo ni Nana kay Tito Troy 'pag tapos na kayong mag-usap."
"Nah, you go first. Makiki-tsismis lang si Daddy kapag hinatid niya kami ni Nana, eh."
"You sure?"
"Yep," sagot niya. "Zeno."
"Hmm?"
Himbis na sumagot, lumapit lang siya sa pinsan niya at niyakap ito ng mahigpit. Nagreklamo ito pero hindi naman nagpumilit kumawala kaya tinawanan na lang niya ang complaints nito. "Thank you, Zeno. Kung hindi dahil sa'yo, baka tinataguan ko pa rin si Nana ngayon. You're a life saver!"
"Sure," natatawa nang sabi nito habang tinatapik-tapik ang likod niya. "Sige na, Today. Puntahan mo na si Nana para hindi kayo masyadong ma-late sa party mamaya."
"Okay, dear cousin," sagot niya, saka siya kumalas ng yakap dito. Napangisi siya nang may maisip at bago pa magbago ang isip niya, hinalikan na niya si Zeno na halatang ikinagulat nito. "Bye!"
"I'll kill you later, Today Buenavista!"
Natawa lang siya ng malakas hanggang sa makalabas siya sa kuwarto ng pinsan niya. Pagbaba niya ng hagdan, sumalubong sa kanya ang mommy at daddy niya na magkatabing nakaupo sa couch habang nanonood ng TV. Hindi siya huminto sa pagtakbo kahit tinawag siya ng mga magulang. "I'll just visit Nana, dear parents! Zeno will explain for me. Bye!"
Paglabas niya ng bahay nila, binagalan na niya ang pagtakbo hanggang sa naglalakad na lang siya papunta sa bahay nina Nana. Pinagbuksan siya ng gate ng kasambahay, saka siya pinatuloy sa loob ng Matsunaga Mansion. Wala ang daddy at mga kapatid ng babae kaya dumeretso siya sa second floor kung nasa'n ang kuwarto nito. Pero wala naman siyang planong pumasok dahil kahit parang lalaki ang turing nila dito kung minsan, nirerespeto pa rin nila ang privacy nito.
"Nana, this is Today," malakas na sabi niya habang kumakatok sa pinto. "I came here to talk."
"Go away, Today," malakas pero mukhang nanghihinang sigaw naman ni Nana. "Masama ang pakiramdam ko."
Kumunot ang noo niya. Masama ba ang pakiramdam nito o nagtatampo pa rin sa kanya? Understandable naman kasi. "Nana, alam kong may kasalanan ako sa'yo. I'm here to make peace with you. We really need to talk."
"Not now, Today. I really feel bad right now."
Nag-alala na siya dahil nanghihina na talaga ang boses nito. "Nana, what's happening? Pa'nong masama ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?"
"My stomach hurts. I already threw up several times..."
"What?" nag-aalalang paniniguro niya. "Hey, open the door. Let me check up on you."
"I can't move but the door is not locked."
Mabilis niyang binuksan ang pinto, saka siya pumasok sa loob ng kuwarto. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakahiga si Nana pero nakatagilid ito at nakahawak sa tiyan. Mukhang namamalipit ito sa sakit na nararamdaman. "Nana!"
Tumingin sa kanya si Nana at kitang-kita niya ang sakit sa mukha nito. "Today," mangiyak-ngiyak na pagtawag nito sa kanya. "It hurts..."
Lumapit agad siya sa babae at binuhat ito na parang prinsesa. Magaang lang naman ito dahil kahit matangkad ito, payat naman ito. "Where is your dad? Are your brothers here?" tanong niya para ma-distract ito at pansamantalang makalimutan ang sakit.
"Otousan is in Japan for a business and conference and I don't know where my brothers are," sagot nito sa nanghihinang boses. "May gig naman sa bar ang mga onii-chan ko."
"Alright. Let's go to my house and ask my Dad to bring us to the hospital."
Tinanong siya ng mga kasambahay kung anong nangyari kay Nana pero hindi rin naman niya alam kung ano ang sitwasyon kaya sinabihan na lang niya ang mga ito na pakitawagan sina Kenta at Daichi para ipaalam sa mga ito na dadalhin niya ang babae sa ospital.
Sakto naman na paglabas niya ng gate, kalalabas lang ng kotse ng daddy niya sa gate nila. Alam niyang hindi siya maririnig ng kanyang ama o ni Zeno pero sumigaw pa rin siya habang umaasa na makikita siya ng mga ito sa rearview o side mirror ng sasakyan nila.
"Dad!" malakas na sigaw niya. "Zeno! Stop the car!"
Mukhang nakita naman siya ng daddy at pinsan niya dahil huminto ang kotse. Pagkatapos, halos sabay bumaba ng sasakyan ang kanyang ama at si Zeno na sabay ding tumakbo palapit sa kanila.
"What happened?" tanong agad ni Zeno nang makalapit ang mga ito sa kanila.
"Nana said her stomach aches really bad," sagot naman niya, saka niya pinasa ang babae sa daddy niya na maingat na kinuha mula sa kanya si Nana. "Hindi ko rin alam kung bakit."
"Let's bring her to the hospital first, children," sabi ng kanyang ama, saka ito mabilis na naglakad pabalik ng kotse.
Naging maagap naman siya at sumabay sa daddy niya para buksan ang pinto ng backseat. Nang maisakay na do'n si Nana, pumasok naman siya sa loob at umupo sa tabi ng babae. Sumakay si Zeno sa shotgun seat at pag-upo naman ng kanyang ama sa likod ng manibela, nagmaneho agad ito.
"Hindi mo naman kailangang sumama sa hospital, Today," nanghihinang sabi ni Nana na pinasandal niya sa balikat niya. Nakahawak pa rin ito sa tiyan at nakapikit. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding sakit. "Nandito naman sina Tito Troy at Zeno."
"What are you saying, Nana?" kunot-noong tanong naman niya, saka niya hinawakan ang kamay nito para hindi ito matakot. "I can't and I won't leave you in this condition."
"Eh pa'no na ang prom? Excited kang maka-date si Someday, 'di ba?"
"Nana, you are more important than that," mariing sagot naman ni Today at seryoso siya sa sinabi niya. "I'll stay with you, okay?"
Kahit halatang nanghihina pa rin si Nana, ngumiti ito at kahit pa'no, umaliwalas ang mukha nito. "Yokkata."

BINABASA MO ANG
Let's Date
RomanceHi. I'm Today. And this is the story of how I lost all the girls I've loved before.