Chapter 7

178 4 1
                                    

FEBRUARY 12, 2009

NAKAYUKO si Today sa pagkain sa mesa: burger, large fries, at sofdrinks na hindi pa niya inaalis sa tray. Hindi niya kasi alam kung pa'no haharapin si Someday pagkatapos ng ginawa niya kanina.

Yes, when I cried earlier.

Gusto niyang sapakin ang sarili niya. Bakit ba siya umiyak? Nakakahiya!

"Today, bakit hindi ka kumakain?"

Nag-angat siya ng tingin kay Someday. Ang cute-cute nito habang hawak ang burger nitong may kagat na habang nakatingin sa kanya. Kahit expressionless ito, ang gaang-gaang pa rin nito sa mata.

"I'm embarrassed," pag-amin ni Today sa nahihiyang boses. "Umiyak kasi ako sa harap mo kanina. Hindi ko dapat ginawa 'yon."

Gaya ng inaasahan niya, hindi nagbago ang facial expression ni Someday at flat pa rin ang boses nang nagsalita ito. "Wala namang masama kung umiyak ka."

"But I'm a guy," naka-pout na katwiran niya. "Guys are supposed to suck it up and not cry."

"Stop with the machismo, Today. Kung hindi dapat umiiyak ang mga lalaki, eh di sana wala kayong tear ducts."

"Pero–"

"Who decided that men are not supposed to show emotions?" putol nito sa sinasabi niya. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang o talagang lumamig ang boses nito habang sinesermunan siya. "Hindi naman porke lalaki ka eh kailangan mo nang i-bottle up ang feelings mo."

Sumimangot siya dahil ayaw niyang pinapagalitan siya. "Ikaw din naman, ha? Parati kang pokerfaced kasi tinatago mo ang emotions mo, 'di ba? You don't even smile."

"Hindi totoo 'yan. Ganito lang talaga ang mukha ko at wala na kong magagawa dito." Medyo kumunot ang noo nito na parang nag-iisip. "At bakit naman ako ngingiti kung wala namang nakakatawa o dahilan para ngumiti ako?"

"Well, 'di ba dapat ngumingiti ka kapag may bumabati sa'yo? To show manners, you know."

"Hmm... hindi ako sure kung basehan ng pagiging polite ang pagngiti. As far as I am concerned, hindi naman siguro kabastusan ang hindi pagngiti since ganito talaga ang mukha ko. But I know what you're saying, Today. Most people don't like me because I don't look pleasant."

"That's not true," mariing kontra naman niya. "You look pleasant even if you don't smile!"

"Oh, thanks," sagot nito, saka nagpatuloy sa pagkain ng burger habang nakatingin sa kanya– halatang hinihintay ang sasabihin niya.

Well, siya naman ang nag-aya kay Someday sa fast food chain na 'yon habang umiiyak siya kanina kaya natural lang na i-expect nitong may sasabihin siya. Naawa siguro ito sa kanya kaya tumango ito at sumunod sa kanya since walking distance lang ang fast food chain mula sa school nila. "Ako ang nag-aya sa'yo dito kaya dapat, pinayagan mo kong ilibre ka," pagsisimula niya habang binabalatan ang burger niya. "Inistorbo kita, eh."

"Voluntarily naman akong sumama sa'yo kaya hindi mo ko kailangang ilibre," katwiran nito, saka sumimsim ng softdrinks bago nagpatuloy. "Pero bakit mo ba ko inaya dito?"

"I have a confession to make," deklara niya, saka siya tumingin ng deretso dito. "Someday, ako 'yong lalaking gumawa ng Valentine pop-up cards para sana ibili ng dress 'yong girl na gusto kong maka-date sa prom."

"Oh."

"At ikaw 'yong girl na gusto ko sanang maging prom date."

"Ahh."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "'Yan lang ang reaction mo?"

"I'm surprised," giit naman ng babae. "Hindi lang halata saka nag-iisip pa ko." Binaba nito ang cup sa mesang nakapagitan sa kanila bago ito nagpatuloy. "Kapag may big revelation or shocking news kasi akong naririnig, natatahimik ako para i-absorb at i-process ng isip ko ang mga information. If possible, I'd like to think first before I open my mouth."

Let's DateWhere stories live. Discover now