"NASA'N sila?" nagtatakang tanong ni Today nang paglabas niya ng banyo, wala na sa kuwarto sina Zeno, Eros, at ang Matsunaga Brothers. "Sinadya ba nilang iwan tayo dito?"
"I guess so," sagot ni Nana na nakaupo sa kama, saka tinusok ng tinidor ang sliced part ng mansanas na naka-plato pa. "Gusto siguro nina Zeno at Eros na makapag-usap tayo. 'Yong mga kuya ko naman, ginamit 'yong chance na 'to para ayusin ang discharged papers ko."
"Ah," komento niya, saka siya umupo sa silya sa tabi ng kama. "Nana, let's talk."
"Okay."
Humugot siya ng malalim na hininga, saka siya nagsimulang magsalita habang nakatingin ng deretso dito. "First of all, I would like to apologize for hurting your feelings. Alam kong marami akong nagawa na reason para masaktan kita. Like literally running away from you. I'm ashamed. I really am sorry for acting like a coward."
"Yes, I was really hurt," sabi ng babae sa halatang nahihiyang boses. "You didn't even know how to act discreet, you baka."
Nag-pout siya bilang reklamo. "I know. That's why I feel guilty. I'm so sorry, Nana."
"Did Zeno tell you to apologize to me?"
"He didn't," umiiling na tanggi naman niya. "Kinausap niya ko pero hindi niya ko inutusang mag-sorry sa'yo. Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Nakakapagtaka kasi na ang bilis mong na-realize ang pagkakamali mo," pag-amin nito sa amused na boses. "In-e-expect ko na hindi mo ko papansinin hanggang maka-graduate tayo. You know you're not the most mature person in the group, don't you? Lagi kang tumatakas sa mga confrontation at hinihintay mo lang na makalimutan mo ang problema. That's your usual style."
"T-that's not true!"
"It's the truth, baka," giit nito sa halatang nang-aasar na boses. "Naalala mo ba no'ng nagkagalit-galit tayo pagkatapos sapakin ni Zeno si Eros dahil hinila ni Eros ang strap ng bra ko?"
Tumango siya, saka siya nakaramdam ng pagkapahiya nang maalala rin niya ang sunod na mga nangyari pagkatapos no'n. "Uhm, nagalit si Eros sa inyo ni Zeno kasi umabot 'yong away sa point na napatawag ang guardians nila at naparusahan sila ng community service. And I... uhm..." Napakamot siya ng pisngi, saka nag-iwas ng tingin. "I took Eros' side. Nainis kasi ako na lumaki ang gulo kasi I believed na na nag-overreact si Zeno. In my defense, I was young and I didn't know that I was being a douche to the female population then."
"You always find excuse to justify your mistakes and shortcomings."
"I'm sorry."
Natawa ito habang iiling-iling. "Back then, iniwasan mo kami ni Zeno at laging si Eros lang ang sinasamahan mo. Kahit sa isang bahay lang kayo nakatira ni Zeno, hindi mo pa rin siya pinapansin. You ignored us for three months. Nakipagbati ka lang no'ng summer vacation na kasi magbabakasyon kayo sa Las Vegas no'n. Apparently, nakalimutan mo na kung bakit mo kami hindi pinapansin. Sinubukan naming i-remind ka sa nangyari pero anong naging response mo no'n?"
""It doesn't matter anymore so let's just enjoy our vacation,"" pag-uulit niya sa mga sinabi niya noon. Tinakpan niya ang mga tainga niya dahil nagtunog ridiculous siya sa sariling pandinig. "Dang it. I'm a selfish idiot, alright."
"I know, right?" natatawang pagsang-ayon nito. "Anyway, ano ba ang pinag-usapan niyo ni Zeno para ma-realize mo agad ang mistake mo?"
"He just reminded me of the time I confessed to you," pag-amin niya. "No'ng time na nag-confess ako sa'yo habang hinahatid kita sa bahay niyo, naramdaman ko kung ga'no kita kagusto. That day, I realized how beautiful and kind you were and that made me vocal about how I felt for you. But to be honest, hindi ko alam kung ano ang gagawin pagkatapos ng confession na 'yon. I just wanted you to know how I felt for you and that's it. Dating you didn't cross my mind then." Napabuga siya ng hangin habang iiling-iling nang ma-realize niya kung ga'no siya ka-naïve noon. "I'm a baka, am I not?"
"That's my usual style but not today," nakangiting sagot nito. "I'm more of a baka than you are."
Napangiti siya nang naramdaman niyang bumabalik na sila sa "normal" at nawawala na ang awkwardness na siya rin naman ang may kasalanan. "When Zeno reminded me of the time that I confessed to you, naisip ko na baka nag-confess ka lang din para sabihin sa'kin ang feelings mo and not to ask me to go out with you. Tama ba ang naisip ko?"
"Well, you got half of the truth correct," pag-amin nito sa maingat na boses. "To be honest, matagal ko nang gina-gather up ang courage para mag-confess sa'yo at ayain kang makipag-date. I spent my childhood in Japan and you know, in that country, we usually confess and ask the person to go out with us. 'Yon din sana ang plano kong gawin. Way before you met Someday Buenaventura."
"Oh." Napatingin siya sa mga kamay niya dahil nahiya siya bigla nang ma-realize niya kung ga'no kalalim ang feelings ni Nana para sa kanya ngayon. "It's a shame na hindi tayo pareho ng feelings three years ago. You didn't like me that much before, did you?"
"You got me," pag-amin naman nito. "My feelings for you back then may not be as strong as it is right now. Ang ironic nga kasi siguro, na-fall talaga ako sa'yo after I turned you down. Habang tumatagal kasi, mas nagiging mabigat 'yong regret ko for rejecting you. Kaya natakot akong mag-confess uli sa'yo. I don't deserve to confess to you when I was too scared to accept your love before."
"That's not true," mariing giit naman niya, saka siya tumingin ng deretso dito. "You don't have to earn the right to confess to someone. If you like a person, you have the right to express your feelings."
"Have I not burdened you by my confession?"
Umiling siya. "No, of course not. Honestly, your confession made me happy. I was confused and baffled but when I calmed down, na-feel ko na masaya akong malaman ang feelings mo for me. Ang bittersweet nga lang kasi hindi na pareho ang nararamdaman natin ngayon. I'm sorry."
"I can accept that response," nakangiting sagot ng babae. Pero kahit nakangiti ito, halata pa ring malungkot ito. "I have expected this outcome anyway."
"Hindi lang ang pag-reject ko sa'yo ang dapat kong ihingi ng sorry," pagpapatuloy niya na halatang ikinagulat nito. "I'm really sorry for trying to avoid you. I mean it. I am really ashamed. Like you said earlier, I tend to run away from confrontations. Kaya para i-prove sa'yo na sincere ako sa pag-so-sorry at pinagsisisihan ko na 'yon, I promise na hindi ko na tatakbuhan uli ang kahit anong problema. It's an unwritten rule that if you have wronged a friend, you should promise not to do it again and honor that promise, of course. That's one of the most effective ways to restore a friendship."
"Restore friendship?"
"Yes," pagkumpirma niya. "Binabawi ko na 'yong sinabi ko after ng confession mo. For me to say that I'd understand if you don't want to be friends anymore was selfish and stupid. I didn't mean it, Nana. The truth is I don't want to lose you as a friend even if it sounds cruel."
Sa pagkagulat niya, biglang umiyak si Nana.
Siyempre, nataranta naman siya. "Hey, hey, hey. Don't cry, Nana. Zeno and your brothers will kill me! May nasabi ba uli akong mali? I'm sorry!"
Umiling ito habang pinupunasan ng mga kamay ang magkabilang-pisngi. "These are tears of joy, Today. Don't worry. No'ng sinabi mo kasing maiintindihan mo kung ayoko nang maging friend mo, I took as you ending our friendship. It scared me. Kaya ngayong binawi mo na 'yong sinabi mo about it, na-relieve na ko." Tumingin ito sa kanya at ngumiti na. "Thank you."
Nang makita niya ang relieved smile na 'yon, may na-realize na naman siya. "I think I get what you feel right now, Nana. No'ng nakita kitang nasa masamang kondisyon, nabura agad sa isip ko si Someday at ang prom kahit buong week akong nag-prepare para sa kanila. Maybe it goes to show that our friendship is more precious to me than I thought." Nag-aalangan man no'ng una, hinawakan pa rin niya ang kamay nito. "You will always be special to me, Nana. Ikaw ang childhood sweetheart ko, eh."
"Childhood sweetheart," nakangiting pag-uulit ni Nana. "I like the sound of it."
"Me, too," natatawang pagsang-ayon ni Today. "That's your official title from now on, Nana."

YOU ARE READING
Let's Date
RomanceHi. I'm Today. And this is the story of how I lost all the girls I've loved before.